Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan? Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.
Sinusuportahan ng Gmail ang dynamic na email, na tumutukoy sa mensaheng may interactive na content. Sa dynamic na email, puwede kang tumapos ng mga gawain nang hindi umaalis sa Gmail. Halimbawa, puwede mong gawin ang mga sumusunod:
- Tumugon sa mga event sa Google Calendar
- Magsagot ng mga questionnaire
- Mag-browse ng mga catalog
- Sumagot sa mga komento sa Google Docs
Mahalaga: para magamit ang dynamic email, tiyaking payagan mo ang Gmail na laging ipakita ang mga larawan. Alamin kung paano i-on o i-off ang mga larawan sa Gmail.
I-on o i-off ang dynamic na email
- Sa iyong computer, mag-sign in sa Gmail.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting
Tingnan ang lahat ng setting.
- Sa tabi ng "Dynamic na email," i-on o i-off ang I-enable ang dynamic na email.
- Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang mga pagbabago.