Iwasan at iulat ang mga phishing na email

Alamin kung paano tukuyin ang mga mapanlinlang na kahilingan online at isagawa ang mga inirerekomendang hakbang para makatulong na protektahan ang iyong Gmail at Google Account. 

Ano ang phishing

Ang phishing ay isang pagtatangkang magnakaw ng personal na impormasyon o pasukin ang mga online na account gamit ang mga mapanlinlang na email, mensahe, ad, o site na kamukha ng mga ginagamit mo nang site. Halimbawa, posibleng magmistulang galing sa iyong bangko ang isang phishing na email, at humiling ito ng pribadong impormasyon tungkol sa bank account mo.

Posibleng gawin ng mga phishing na mensahe o content ang mga sumusunod: 

  • Hingin ang iyong personal o pinansyal na impormasyon.
  • Hilingin sa iyong mag-click ng mga link o mag-download ng software.
  • Magpanggap bilang mapagkakatiwalaang organisasyon, gaya ng iyong bangko, isang social media site na ginagamit mo, o iyong lugar ng trabaho. 
  • Magpanggap bilang kakilala mo, gaya ng miyembro ng pamilya, kaibigan, o katrabaho.
  • Maging kamukhang-kamukha ng isang mensahe mula sa isang organisasyon o taong pinagkakatiwalaan mo.

Umiwas sa mga phishing na mensahe at content

Para matulungan kang umiwas sa mga mapanlinlang na mensahe at kahilingan, sundin ang mga tip na ito.

1. Pagtuunan ang mga babala mula sa Google

Gumagamit ang Google ng advanced na seguridad para mabigyan ka ng babala kaugnay ng mga mapanganib na mensahe, hindi ligtas na content, o mapanlinlang na website. Kung makakatanggap ka ng babala, iwasang mag-click ng mga link, mag-download ng mga attachment, o maglagay ng personal na impormasyon. Kahit hindi ka makatanggap ng babala, huwag mag-click ng mga link, mag-download ng mga file, o maglagay ng personal na impormasyon sa mga email, mensahe, webpage, o pop-up mula sa mga hindi mapagkakatiwalaan o hindi kilalang provider.

2. Huwag kailanman sagutin ang mga kahilingan para sa pribadong impormasyon

Huwag sagutin ang mga kahilingan para sa iyong pribadong impormasyon sa pamamagitan ng email, text message, o tawag sa telepono. 

Palaging protektahan ang personal at pinansyal mong impormasyon, pati ang iyong:

  • Mga username at password, pati ang mga pagpapalit ng password
  • Numero ng Social Security o numero ng pagkakakilanlan sa pamahalaan
  • Mga numero ng bank account
  • Mga PIN (Mga Personal Identification Number)
  • Mga numero ng credit card
  • Kaarawan
  • Iba pang pribadong impormasyon, gaya ng pangalan ng iyong ina sa pagkadalaga
Tip: Magbigay lang ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan gaya ng iyong email address o numero ng telepono sa isang website kung nakumpirma mo nang mapagkakatiwalaan ito. Huwag i-post ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga pampublikong forum.

3. Huwag ilagay ang iyong password pagkatapos mong mag-click ng link sa isang mensahe

Kung naka-sign in ka sa isang account, hindi hihilingin sa iyo ng mga email mula sa Google na ilagay ang password para sa account na iyon.

Kung may iki-click kang link at hihilingin sa iyong ilagay ang password para sa iyong Gmail, Google Account, o iba pang serbisyo, huwag ilagay ang impormasyon mo, direktang pumunta sa website na gusto mong gamitin. 

Kung sa palagay mo ay peke ang isang email ng seguridad na mistulang nanggaling sa Google, direktang pumunta sa myaccount.google.com/notifications. Sa page na iyon, puwede mong tingnan ang kamakailang aktibidad sa seguridad ng iyong Google Account.

4. Mag-ingat sa mga mensaheng mistulang nangangailangan ng agarang atensyon o na masyadong maganda para maging totoo

Gumagamit ang mga scammer ng emosyon para subukang mapakilos ka nang hindi nag-iisip. 

Mag-ingat sa mga mensaheng mistulang nangangailangan ng agarang atensyon

Halimbawa, mag-ingat sa mga mensaheng mistulang nangangailangan ng agarang atensyon, na mukhang nanggaling sa: 

  • Mga taong pinagkakatiwalaan mo, gaya ng kaibigan, miyembro ng pamilya, o katrabaho. Kadalasan, gumagamit ang mga scammer ng social media at impormasyong available sa publiko para maging mas makatotohanan at kapani-paniwala ang kanilang mga mensahe. Para malaman kung totoo ang mensahe, direktang makipag-ugnayan sa iyong kaibigan, miyembro ng pamilya, o kasamahan. Gamitin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na karaniwan mong ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa kanila.
  • Mga may awtoridad, gaya ng mga nangongolekta ng buwis, bangko, tagapagpatupad ng batas, o opisyal sa kalusugan. Kadalasan, nagpapanggap ang mga scammer bilang mga may awtoridad para humingi ng bayad o sensitibong personal na impormasyon. Para malaman kung totoo ang mensahe, direktang makipag-ugnayan sa nauugnay na awtoridad.

Tip: Mag-ingat sa mga scam na nauugnay sa COVID-19, na nagiging mas pangkaraniwan na. Matuto pa tungkol sa mga tip para maiwasan ang mga scam na nauugnay sa COVID-19.

Mag-ingat sa mga mensaheng mistulang masyadong maganda para maging totoo

Mag-ingat sa mga mensahe o kahilingang mistulang masyadong maganda para maging totoo Halimbawa, huwag magpa-scam sa:

  • Mga scam sa mabilisang pagyaman. Huwag kailanman magpadala ng pera o personal na impormasyon sa mga hindi mo kakilala.
  • Mga scam sa pag-ibig. Huwag kailanman magpadala ng pera o personal na impormasyon sa isang taong nakilala mo online.
  • Mga scam sa pagkapanalo ng premyo. Huwag kailanman magpadala ng pera o personal na impormasyon sa isang taong nagsasabing nanalo ka ng premyo o sweepstakes.

5. Mag-isip muna bago ka mag-click

Kadalasan, sinusubukan ng mga scammer na ihatid ang hindi kanais-nais na software sa mga link sa pamamagitan ng email, mga post sa social media, mensahe, at text message. Huwag kailanman mag-click ng mga link mula sa mga hindi kakilala o hindi mapagkakatiwalaang source.

 Gumamit ng mga tool para makatulong na pigilan ang phishing

1. Gamitin ang Gmail para makatulong sa pagtukoy ng mga phishing na email

Idinisenyo ang Gmail para makatulong na protektahan ang iyong account sa pamamagitan ng awtomatikong pagtukoy ng mga phishing na email. Maging alerto sa mga babala tungkol sa mga posibleng mapaminsalang email at attachment.

Tandaan: Hindi kailanman hihingin ng Gmail ang iyong personal na impormasyon, gaya ng password mo, sa pamamagitan ng email.

Kapag nakatanggap ka ng email na mukhang kahina-hinala, narito ang ilang bagay na dapat tingnan:

2. Gamitin ang Ligtas na Pag-browse sa Chrome

Para makakuha ng mga alerto tungkol sa malware, mga mapanganib na extension, phishing, o site na nasa listahan ng Google ng mga posibleng hindi ligtas na site, gamitin ang Ligtas na Pag-browse sa Chrome

Sa iyong mga setting ng Ligtas na Pag-browse, piliin ang Pinahusay na Proteksyon para sa mga karagdagang proteksyon at para makatulong na pahusayin ang Ligtas na Pag-browse at pangkalahatang seguridad sa web.

Puwede mong i-download ang Chrome nang libre.

3. Tingnan kung may mga hindi ligtas na naka-save na password

4. Tumulong na protektahan ang password ng iyong Google Account

Para maabisuhan kung sa isang site na hindi Google mo ilalagay ang password ng iyong Google Account, i-on ang Alerto sa Password para sa Chrome. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung may site na nagpapanggap bilang Google, at mapapalitan mo ang iyong password sakaling manakaw ito.

5. Matuto tungkol sa 2-Step na Pag-verify

Sa 2-Step na Pag-verify, madaragdagan mo ng isa pang layer ng seguridad ang iyong account sakaling manakaw ang passsword mo. Alamin kung paano mo magagawang protektahan ang iyong account gamit ang 2-Step na Pag-verify.

Mag-ulat ng mga phishing na email

Kapag natukoy naming posibleng phishing o kahina-hinala ang isang email, puwede kaming magpakita ng babala o puwede naming ilipat ang email sa Spam. Kung hindi namarkahan nang tama ang isang email, sundin ang mga hakbang sa ibaba para markahan o i-unmark ito bilang phishing.

Mahalaga: Kapag manual kang naglipat ng email sa iyong folder ng Spam, makakatanggap ang Google ng kopya ng email at anumang attachment. Posibleng suriin ng Google ang mga email at attachment na ito para matulungang protektahan ang aming mga user laban sa spam at pang-aabuso.

Mag-ulat ng phishing na email

  1. Sa isang computer, pumunta sa Gmail.
  2. Buksan ang mensahe.
  3. Sa tabi ng Sumagot , i-click ang Higit pa Higit pa.
  4. I-click ang Iulat bilang phishing.

May email na hindi dapat namarkahan bilang phishing

  1. Sa isang computer, pumunta sa Gmail.
  2. Buksan ang mensahe.
  3. Sa tabi ng Sumagot , i-click ang Higit pa Higit pa.
  4. I-click ang Iulat bilang hindi phishing.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5004368856521374614
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false