Nawawala ang mga mensahe sa Gmail

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Makakatulong sa iyo ang page na ito na mahanap ang iyong mga email kung:

  • Nawawala ang ilang email.
  • Hindi dumarating ang mga email sa iyong inbox.
  • Walang laman ang iyong inbox at nawala ang lahat ng email mo.

Kung hindi mo pa rin mahanap ang iyong email pagkatapos mong sundin ang mga hakbang sa itaas, puwedeng na-delete o naipadala sa spam ang email.

Una, subukan ang mga karaniwang pag-aayos na ito

Inirerekomenda naming sundin ang mga hakbang na ito sa isang computer dahil hindi magagawa ang karamihan sa mga ito sa pamamagitan ng Gmail app.

Tingnan kung ang email ay na-archive, na-delete, o minarkahan bilang spam

Maaaring laktawan ng mga email ang iyong inbox kung hindi sinasadyang na-archive, na-delete, o namarkahan bilang spam ang mga ito.

Sundin ang mga hakbang na ito para maghanap sa lahat ng iyong email, kasama ang mga email na wala sa inbox mo:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa box para sa paghahanap, i-click ang Pababang arrow Pababang arrow.
  3. I-click ang Lahat ng Mail na drop down, pagkatapos ay piliin ang Mail & Spam & Trash.
  4. Ilagay ang ilang impormasyong kasama sa nawawalang email. Kung hindi ka sigurado tungkol sa mga eksaktong salita o detalye, iwanang blangko ang mga field.
  5. Sa ibaba ng kahon, i-click ang Hanapin Maghanap.

Tip: Para mas ma-filter pa ang iyong mga resulta ng paghahanap, puwede ka ring gumamit ng mga operator sa paghahanap.

Tingnan kung na-filter ang email

Posibleng gumawa ka ng isang filter na awtomatikong ina-archive o dine-delete ang ilang partikular na email.

Narito kung paano tingnan ang iyong mga filter:

  1. Sa isang browser, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. Sa itaas, i-click ang tab na Mga Filter at Naka-block na Address.
  4. Hanapin ang mga filter na may kasamang mga salitang "I-delete ito" o "Laktawan ang Inbox."
  5. Sa kanan, i-click ang I-edit o I-delete.
  6. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Tingnan kung ipinapasa ang iyong mga email sa ibang account

Kapag nag-set up ka ng pagpapasa sa Gmail, puwede mong piliin kung ia-archive o ide-delete ang mga orihinal na email.

Narito kung paano tingnan ang iyong mga setting ng pagpapasa:

  1. Sa isang browser, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. Sa itaas, i-click ang tab na Pagpapasa at POP/IMAP.
  4. Sa seksyong "Pagpapasa," tingnan kung napili mo ang Magpasa ng isang kopya ng papasok na mail. Kung napili mo ito, piliin ang Panatilihin ang kopya ng Gmail sa Inbox o Markahan ang kopya ng Gmail bilang nabasa na.
  5. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Mahalaga: Kung ipinapasa ang iyong mga email sa isang hindi pamilyar na address, piliin ang I-disable ang pagpapasa at pagkatapos ay tingnan ang mga tip sa seguridad ng Gmail. Kung makakakita ka ng pagpapasahang address na hindi mo nakikilala, posibleng mayroong hindi awtorisadong access ang isang tao sa iyong account.

Kung magpapasa ka ng mail mula sa isa pang account papunta sa Gmail, kung minsan ay napupunta sa Spam ang mga email kung hindi na-authenticate ang mga ito. Alamin ang pinakamahuhusay na kagawian para sa pagpapasa ng mga email sa Gmail.

Tingnan ang iyong mga setting kung babasahin mo ang iyong mga email sa Gmail gamit ang ibang email client

Kung babasahin mo ang iyong mga email sa Gmail sa ibang email client, tulad ng Apple Mail o Microsoft Outlook, sundin ang mga hakbang sa ibaba para sa uri ng pagpapasang na-set up mo.

Gumagamit ako ng IMAP para basahin ang mga email sa mga email client tulad ng Microsoft Outlook o Apple Mail

Kapag nag-set up ka ng IMAP, mapipili mo kung makakaapekto sa iyong mga email sa Gmail ang mga pagkilos na gagawin mo sa iyong ibang mail client. Halimbawa, mapipili mo kung made-delete rin sa Gmail ang email na ide-delete mo sa Apple Mail.

Tiyaking ginagamit mo ang mga inirerekomendang setting ng IMAP. Maghanap ng anumang setting na nagpapaliwanag kung kailan ide-delete ang mga email.

Gumagamit ako ng isang web app, extension, o add-on upang magbasa ng Gmail

Tingnan ang iyong mga setting para tiyaking hindi made-delete o maa-archive ang mga email.

  1. Bisitahin ang page na Mga nakakonektang app at site.
  2. Sa seksyong "Mga app na nakakonekta sa iyong account," i-click ang Pamahalaan ang mga app.
  3. Kung may makikita kang hindi mo nakikilala, i-click ang serbisyo at pagkatapos ay Alisin.

Gumagamit ako ng POP para magbasa ng mga email sa mga email client na tulad ng Microsoft Outlook

Kapag nag-set up ka ng POP, mapipili mo kung makakaapekto sa iyong mga email sa Gmail ang mga pagkilos na gagawin mo sa iyong ibang mail client. Halimbawa, mapipili mo kung made-delete rin sa Gmail ang email na ide-delete mo sa Microsoft Outlook.

  1. Bisitahin ang page ng mga setting ng Pagpapasa at POP/IMAP.
  2. Tingnan upang tiyaking naka-enable ang POP.
  3. Kung makikita mo ang "I-delete ang kopya ng Gmail," o "I-archive ang kopya ng Gmail," piliin ang Panatilihin ang kopya ng Gmail sa inbox.
  4. Sa ibaba ng page, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Tandaan: Kung gumagamit ka ng recent mode sa POP, baguhin ang mga setting ng POP ng iyong email client para makapag-iwan ng mga email sa server.

Hindi nakatulong ang mga hakbang sa itaas

Kung nasunod mo na ang mga hakbang sa itaas at hindi mo pa rin mahanap ang iyong mga email, piliin sa ibaba ang nararanasan mong problema.

Hindi ko pa rin mahanap ang ilang partikular na email

Kung hindi mo pa rin mahanap ang iyong email pagkatapos mong sundin ang mga hakbang sa itaas, puwedeng na-delete o naipadala sa spam ang email.

Mga tala tungkol sa mga na-delete nang email

  • Kapag nag-delete ka ng isang email, mananatili ito sa iyong Trash nang 30 araw. Pagkatapos nang 30 araw, permanenteng ide-delete ang mga email mula sa trash.
  • Mayroon lang isang kopya ng bawat email sa Gmail. Kung dinelete mo ang isang email mula sa isang lugar, tulad ng isang label o isang device, tuluyan itong ide-delete mula sa Gmail.
  • Magkakasamang iginugrupo ng Gmail ang lahat ng tugon sa isang orihinal na email sa iisang pag-uusap. Kapag na-click o na-tap mo ang i-delete, made-delete ang buong pag-uusap, kasama ang orihinal na email at anumang sagot.

Mga tala tungkol sa mga spam na email

  • Kung mamarkahan mo ang isang email bilang spam, mananatili ito sa Spam nang 30 araw. Pagkalipas ng 30 araw, permanenteng made-delete ang mga email mula sa Spam.
  • Kung sa palagay mo ay hindi sinasadyang naipapadala ang mga email sa Spam, alamin kung paano alisin ang mga email sa Spam.
Nawawala ang karamihan sa aking mga email

Kung nawawala ang mga email sa iyong account, posibleng may access dito ang isang tao nang walang pahintulot mo. Puwede kaming makatulong na mahanap ang mga nawawala mong email at i-secure ang iyong account.

Mahalaga: 

  • Kung ginagamit mo ang Gmail para sa trabaho, paaralan, o organisasyon, makipag-ugnayan sa iyong administrator. 
  • Kapag naubusan ka ng storage sa Gmail, hindi ka makakapagpadala o makakatanggap ng mga mensahe. Ibabalik sa tagapadala ang mga mensaheng ipapadala sa iyo.
  • Simula sa Hunyo 1, 2021, kung mananatili kang hindi aktibo o kung lalampas ka sa quota ng iyong storage nang 24 na buwan o higit pa, posibleng ma-delete ang lahat ng email mo simula Hunyo 1, 2023. Matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang storage ng Google.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4506857246582132145
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false