Sumagot sa mga mensahe sa Gmail

Kapag nakatanggap ka ng mensahe sa Gmail, magagawa ong:

  • Sumagot sa nagpadala.
  • Sumagot sa bawat tatanggap.

Sumagot sa mga mensahe

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Buksan ang mensahe.
  3. Sa ibaba ng mensahe, i-click ang: 
    • Sumagot: Ipadala ang mensahe sa nagpadala.
    • Sumagot sa lahat: Ipadala ang mensahe sa nagpadala at sa sinumang nasa mga linyang “Kay:” at “Cc:.”
  4. Maglagay ng mensahe.
  5. I-click ang Ipadala.

Baguhin ang iyong mga default na setting sa pagsagot

Para baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga button na “Sumagot” at “Sumagot sa lahat,” i-update ang iyong mga default na setting ng pagsagot.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. I-click ang tab na Pangkalahatan.
  4. Sa seksyong "Default na gawi sa pagsagot," i-click ang Sumagot o Sumagot sa lahat.

Makatanggap ng mga suhestyon para sa mga mabilisang sagot

Para mabilis na sumagot sa mga email sa iyong inbox, i-on ang Smart Reply. Kapag naka-on ang Smart Reply, makakakita ka ng mga iminumungkahing sagot sa ibaba ng iyong mga mensahe.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting  at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting
  3. I-click ang tab na Pangkalahatan.
  4. Sa tabi ng "Smart Reply," i-click ang i-on ang Smart Reply
  5. Sa ibaba, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Mga Tip:

  • Para sumagot, pumili ng suhestyon sa ibaba ng mensahe.
  • Puwede mong i-edit ang suhestyon bago ka sumagot.
  • Kung hindi mo mahanap ang setting na “Smart Reply,” siguraduhing naka-enable ang “Mga smart na feature at pag-personalize” sa Gmail. Matuto pa tungkol sa mga smart na feature at kontrol.

Makatanggap ng mga paalala tungkol sa mahahalagang email

Mahalaga: Bago ka makatanggap ng mga paalala para sa mahahalagang email, i-on ang view ng pag-uusap sa Mga Setting. Alamin kung paano i-on ang view ng pag-uusap.

Sa itaas ng iyong inbox, puwede kang makakuha ng mga suhestyon (o “nudge”) para sa mga email na dapat mong sagutin o i-follow up. Puwede mong i-on o i-off ang mga nudge na ito sa Mga Setting.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting  at pagkatapos ay Tingnan lahat ng setting.
  3. I-click ang tab na Pangkalahatan.
  4. Sa tabi ng “Mga Nudge,” piliin ang:
    • Magmungkahi ng mga email na sasagutin: Sa itaas ng iyong inbox, makikita mo ang mga email na nakalimutan mong sagutin.
    • Magmungkahi ng mga email na ifa-follow up: Sa itaas ng iyong inbox, makikita mo ang mga ipinadalang email na baka kailangan mong i-follow up.
  5. Sa ibaba, i-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11470189084124980731
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false