Magpadala ng mga email mula sa ibang address o alias

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Kung nagmamay-ari ka ng ibang email address, puwede kang magpadala ng mail bilang address na iyon. Halimbawa:

  • Yahoo, Outlook, o iba pang hindi Gmail address
  • Ang iyong domain o alias sa trabaho, paaralan, o negosyo, tulad ng @yourschool.edu o youralias@gmail.com
  • Iba pang Gmail address

Tip: Puwede kang magpadala ng mga email mula sa hanggang 99 na magkakaibang email address.

Hakbang 1: Magdagdag ng address na iyong pagmamay-ari

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. I-click ang tab na Mga Account at pag-import o Mga Account
  4. Sa seksyong "Ipadala ang mail bilang," i-click ang Magdagdag ng isa pang email address.
  5. Ilagay ang iyong pangalan at ang address na gusto mong gamitin para magpadala.
  6. I-click ang Susunod na Hakbang at pagkatapos ay Ipadala ang pag-verify.
  7. Para sa mga account sa paaralan o trabaho, ilagay ang SMTP server (halimbawa, smtp.gmail.com o smtp.yourschool.edu) at ang username at password sa account na iyon.
  8. I-click ang Magdagdag ng Account.

Hakbang 2: Kumpirmahin ang address

  1. Mag-sign in sa account na idinagdag mo.
  2. Buksan ang mensahe ng pagkumpirma na natanggap mo mula sa Gmail.
  3. I-click ang link.

Hakbang 3: Baguhin ang address na "Mula kay"

  1. Sa mensahe, i-click ang linyang "Mula kay."
    (Kung hindi mo ito nakikita, i-click ang espasyo sa tabi ng email ng tatanggap.)
  2. Piliin ang address na gagamitin para magpadala.
Hindi ko makita ang aking email ng kumpirmasyon
  • Tingnan ang iyong mga folder ng Spam o Maramihang Mail para sa mensahe mula sa send-as-noreply@google.com.
  • Kung sinusubukan mong idagdag ang iyong account sa trabaho o paaralan, hilingin sa iyong administrator na i-configure ang iyong domain alias at alyas sa email.
Nakikita ng aking mga tatanggap ang aking Gmail address

Kung gumagamit ang iyong tatanggap ng Outlook o ibang serbisyo ng mail, posible siyang makakita ng tulad nito, "Mula kay yourname@gmail.com sa ngalan ni othername@otherdomain.com."

Posible ring makita ng iyong mga tatanggap ang iyong orihinal na @gmail.com address kung ikaw ay:

  • Nag-set up ng naka-leave na sagot
  • Gumawa ng filter na may naka-automate na sagot
  • Nagkaroon ng punong mailbox, at naabisuhan ang iyong tatanggap
Mag-alis ng email address o alyas

Kung ayaw mong magpadala ng mga email mula sa isang alyas o invalid ang alyas, puwede mong alisin ang email o alyas. Kung magpapadala ka ng email mula sa isang invalid na alyas, makakatanggap ka ng bounce na email. 

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. I-click ang tab na Mga Account at pag-import o tab na Mga Account.
  4. Sa seksyong "Ipadala ang mail bilang", sa tabi ng email address na gusto mong alisin, i-click ang I-delete.

Tip: Kung makatanggap ka ng bounce na email mula sa isang valid na email address at kailangan mong itong i-verify ulit, dapat mong i-delete ang "Ipadala ang mail bilang" na email address pagkatapos ay idagdag ulit ito.

Palaging magpadala mula sa ibang address

Kung gusto mong palaging magpadala mula sa iba mo pang address, kakailanganin mong baguhin ang pareho mong default na address na "Mula kay" at "sumagot kay." Kung ang address na "Mula kay" lang ang babaguhin mo, mapupunta ang mga sagot sa iyong orihinal na Gmail address bilang default.

Baguhin ang default na address na "Mula kay"

Para palaging magpadala ng email mula sa ibang address o alias:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. I-click ang tab na Mga Account at pag-import o Mga Account.
  4. Sa seksyong "Ipadala ang mail bilang" sa kanan ng address na gusto mong gamitin, i-click ang Gawing default.
Baguhin ang default na address na "sumagot kay"

Kapag nagpadala ka ng mensahe, mapupunta ang mga sagot sa iyong orihinal na Gmail address bilang default. Para pumili ng ibang address, sundin ang mga hakbang na ito.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay Tingnan ang lahat ng setting.
  3. I-click ang tab na Mga Account at Pag-import o Mga Account.
  4. Sa seksyong "Ipadala ang mail bilang," i-click ang I-edit ang impormasyon sa tabi ng iyong email address.
  5. I-click ang Maglagay ng ibang address na "tumugon kay."
  6. Magdagdag ng address na tumugon kay.
  7. Kung kinakailangan, i-click ang Susunod na Hakbang.
  8. I-click ang I-save ang Mga Pagbabago.

Error na "Hindi makakonekta sa server," "Hindi naisagawa ang TLS Negotiation"

Kung makikita mo ang isa sa mga mensahe ng error na ito, posibleng kailanganin mong pumili ng ibang numero ng port at uri ng pag-authenticate. Tiyaking ginamit mo ang tamang server ng papalabas na mail para sa iyong provider. Posibleng kailanganin mong makipag-ugnayan sa iyong third party na email provider para sa mga tamang setting.

Pumili ng naka-secure na koneksyon

Makipag-ugnayan sa iba mo pang serbisyo sa mail para sa kanilang inirerekomendang numero ng port, uri ng pag-authenticate, o server ng papalabas na mail. Tiyaking sinusuportahan ng iyong third party na provider ang SSL o TLS na may valid na certificate.

Narito ang ilang karaniwang kumbinasyon:

  • SSL na mayroong port 465
  • TLS na may port 25 o 587
Hindi sinusuportahan ng iba ko pang serbisyo ng mail ang SSL o TLS

Inirerekomenda naming ipadala mo ang iyong email sa pamamagitan ng secure (naka-encrypt) na koneksyon.

Gayunpaman, kung hindi sinusuportahan ng iba mo pang serbisyo sa mail ang mga secure na koneksyon na ito o kung hindi ito gumagamit ng valid na certificate, puwede mong piliin ang port 25, pagkatapos ay piliin ang lalabas na opsyong Hindi secure na koneksyon.

Kung gagawin mo ito, hindi ie-encrypt ang iyong impormasyon para sa proteksyon mo.

Gumamit ng mga alyas sa Gmail

Mag-filter gamit ang iyong alyas sa Gmail

Isang madaling paraan para pagbukud-bukurin ang iyong email ang pagdaragdag ng mga kategorya pagkatapos ng username mo.

Halimbawa, ang mga mensaheng ipinadala sa mga sumusunod na alias ay mapupunta lahat sa janedoe@gmail.com:

  • janedoe+school@gmail.com
  • janedoe+notes@gmail.com
  • janedoe+important.emails@gmail.com

Hakbang 1: Pumili ng mga alias

Isipin kung paano mo gustong pagbukud-bukurin ang iyong email, pagkatapos, pumili ng alias para sa bawat kategorya. Halimbawa:

  • Gamitin ang yourname+work@gmail.com para sa mga email sa trabaho.
  • Gamitin ang yourname+news@gmail.com para mag-sign up para sa mga newsletter.
  • Gamitin ang yourname+shopping@gmail.com para gumawa ng account sa isang online na retailer.

Hakbang 2: I-filter ang iyong mga mensahe

Gumawa ng mga filter para magsagawa ng mga awtomatikong pagkilos, tulad ng:

  • Pagdaragdag ng label o ng star
  • Pagpapasa sa isa pang account
  • Pag-archive o pag-delete
Magpadala mula sa alias ng grupo sa trabaho o sa paaralan

Kung gumagamit ka ng Gmail gamit ang iyong account sa trabaho o paaralan, puwede kang magpadala mula sa alias ng grupo. Para matanggap ang email sa pag-verify para magpadala mula sa alias ng grupo, kailangan mong bigyan ng access sa grupo ang mga pinaglaanan.

Mahalaga: Hindi pribado ang mga alias at kung minsan ay nakikita ng ibang tao ang mga ito. Halimbawa, kung maghahanap ka sa Gmail ng mga mensahe mula kay bill@school.edu, posibleng makakita ka ng mga mensaheng mula kay alias@school.edu.

Kakailanganin mo ng access sa mga pahintulot ng grupo para baguhin ang access para sa iba pang miyembro.

  1. Buksan ang Google Groups.
  2. I-click ang Aking mga grupo.
  3. Sa ilalim ng pangalan ng grupo na gusto mong gamitin para magpadala, i-click ang Pamahalaan.
  4. Sa kaliwa, i-click ang Mga Pahintulot at pagkatapos ay Mga pahintulot sa pag-post.
  5. Sa seksyong "Mag-post," i-click ang Pababang arrow Pababang arrow.
  6. Piliin ang Sinuman sa web.
  7. I-click ang I-save.
Tip: Kung hindi available ang "Sinuman sa web" sa mga pahintulot ng grupo, posibleng kailanganing i-enable ng iyong administrator ang "Puwedeng payagan ng mga may-ari ng grupo ang paparating na email mula sa labas ng organisasyon para sa iyong domain."
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3327110443013472535
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false