Tingnan kung na-authenticate ang iyong mensahe sa Gmail

Kung makakakita ka ng tandang pananong sa tabi ng pangalan ng tagapadala, hindi na-authenticate ang mensahe. Kapag hindi na-authenticate ang isang email, nangangahulugan itong hindi alam ng Gmail kung nanggagaling ang mensahe mula sa taong lumalabas na nagpadala nito. Kung makikita mo ito, mag-ingat sa pagtugon o pag-download ng anumang attachment.

Gusto mong bang masulit ang mga Google app sa trabaho o paaralan?  Mag-sign up para sa isang Google Workspace libreng trial.

Tingnan kung na-authenticate ang isang mensahe

Mahalaga: Ang mga mensaheng hindi na-authenticate ay hindi naman talaga spam. Minsan, hindi gumagana ang pag-authenticate para sa mga tunay na organisasyong nagpapadala ng mail sa mga malaking grupo, tulad ng mga mensaheng ipinadala sa mga mailing list.

Tingnan ang mga mensahe sa Gmail
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Gmail app .
  2. Buksan ang isang email.
  3. I-tap ang Tingnan ang mga detalye at pagkatapos ay Tingnan ang mga detalye ng seguridad.
  4. Na-authenticate ang mensahe kung makikita mo ang:
  • "Mailed by" na header kasama ang domain name, tulad ng google.com.
  • "Signed by" na header kasama ang nagpadalang domain.

Hindi na-authenticate ang mensahe kung makikita mo ang isang tandang pananong sa tabi ng pangalan ng nagpadala. Kung makikita mo ito, mag-ingat sa pagtugon o pag-download ng anumang attachment.

Tingnan ang mga mensahe sa isa pang mail client, tulad ng Outlook
Kung tinitingnan mo ang iyong email sa isa pang email client, puwede mong tingnan ang mga header ng mensahe.
Matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang pag-authenticate (SPF at DKIM)

Puwedeng i-authenticate ang mga email gamit ang SPF o DKIM.

Tinutukoy ng SPF kung aling mga host ang pinapayagang magpadala ng mga mensahe mula isang partikular na domain sa pamamagitan ng paggawa ng tala ng SPF.

Nagbibigay-daan ang DKIM sa sender na maglagay ng electronic na lagda sa mga lehitimong email sa paraang puwedeng i-verify ng mga tatanggap gamit ang pampublikong key.

Tinitingnan ng ARC ang nakaraang status ng pag-authenticate ng mga ipinasang mensahe. Kung makakapasa sa pag-authenticate ng SPF o DKIM ang isang ipinasang mensahe, pero isasaad ng ARC na dati itong bumagsak sa pag-authenticate, ituturing ng Gmail na hindi na-authenticate ang mensahe.

Matuto pa tungkol sa pag-authenticate ng email.

Ayusin ang mga mensaheng hindi na-authenticate

Hindi na-authenticate ang isang mensaheng natanggap ko
Kung hindi na-authenticate ang isang mensaheng matatanggap mo mula sa isang pinagkakatiwalang pinagmulan, makipag-ugnayan sa tao o kumpanyang nagpadala sa iyo ng email. Kapag nakipag-ugnayan ka sa kanya, magbigay ng isang link papunta sa page ng tulong na ito para matutunan niya kung paano i-authenticate ang kanyang mga mensahe.
Hindi na-authenticate ang isang mensaheng ipinadala mula sa aking domain

Mahalaga:

  • Huwag gamitin ang tag ng haba (l=) ng DKIM sa mga header ng mensahe. Mas madaling nagagaya ang mga mensahe kapag may ganitong tag.
  • Kung dumating ang isang mensaheng ipinadala mo nang may tandang pananong "?" sa tabi ng iyong email address, hindi na-authenticate ang mensahe.

Kailangang i-authenticate ang mga mensahe para matiyak na mauuri nang tama ang mga ito. At saka, ang mga hindi na-authenticate na mensahe ay talagang malamang na tatanggihan. Dahil puwede ring mag-authenticate ang mga spammer ng mail, hindi sapat ang pag-authenticate lang para igarantiyang maihahatid ang iyong mga mensahe.

Ayusin ang mga mensaheng hindi na-authenticate

Tiyaking na-authenticate ang mga mensaheng ipinadala mo gamit ang DKIM (mas gusto) o SPF.

Puwede mong gamitin ang mga hakbang na ito para pigilang ma-block ng Gmail ang iyong mga email:

  • Gumamit ng mga RSA key na hindi bababa sa 1024-bit ang haba. Ang mga mensaheng napirmahan gamit ang mas mababa sa 1024-bit key ay itinuturing na hindi napirmahan at madaling magagaya.
  • Isinasama ng Gmail ang mga ulat ng user at iba pang signal, sa impormasyon ng pag-authenticate, kapag nag-uuri ng mga mensahe. Kinakailangan ang pag-authenticate para sa bawat tagapadala ng mail para matiyak na nauuri nang tama ang iyong mga mensahe. 
  • Alamin kung paano gumawa ng patakaran para tumulong na kontrolin ang hindi na-authenticate na mail mula sa iyong domain.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8556356879063647546
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false