Mag-ulat ng spam sa Gmail

Sa Gmail, puwede mong iulat na spam ang mga hindi gustong email. Idaragdag sa Spam ang mga email na iuulat mo na spam. Habang dumarami ang spam na iniuulat, mas mahusay na natutukoy ng Gmail na spam ang mga katulad na email.

Mag-ulat ng mga email bilang spam

Mahalaga: Kapag may iniulat ka na spam o may inilipat kang email sa Spam, makakatanggap ang Google ng kopya ng email at puwede itong suriin ng Google para makatulong sa pagprotekta ng mga user mula sa spam at pang-aabuso.

Animation na nagpapakita kung paano mag-ulat ng spam sa iyong computer. Awtomatikong made-delete ang mga mensaheng namarkahan bilang spam pagkalipas ng 30 araw.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Pumili ng isa o higit pang email.
  3. Sa itaas, i-click ang Iulat bilang spam .

Tip: Kung nag-sign up ka para makatanggap ng mga mensahe mula sa isang partikular na tagapadala at ayaw mo nang matanggap ang mga ito, i-click ang Mag-unsubscribe o Pumunta sa website. Alamin kung paano mag-block ng o mag-unsubscribe mula sa mga email.

I-delete ang spam

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa pangunahing menu, sa kaliwa, i-click ang Higit pa at pagkatapos ay Spam.
  3. Sa itaas, i-click ang I-delete ang lahat ng spam na mensahe ngayon.
    • Puwede mo ring piliin ang mga partikular na email na gusto mong alisin, pagkatapos ay i-click ang I-delete nang tuluyan.

Mag-alis ng email sa Spam

Animation na nagpapakita kung paano mag-alis ng email sa folder ng spam sa iyong computer.

Kung nagkamali ka sa pag-uulat ng email bilang spam, puwede mo itong alisin sa Spam:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Gmail.
  2. Sa pangunahing menu, sa kaliwa, i-click ang Higit pa at pagkatapos ay Spam.
  3. Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng email na gusto mong alisin.
  4. Sa itaas, i-click ang Hindi spam.

Pigilang mapunta sa Spam ang mga valid na email

Mahalaga: Kapag nag-block ka ng sender, kahit na inalis mo na ang mga email niya sa Spam, awtomatiko pa ring tutukuyin ng Gmail na spam ang mga email niya.

Kung awtomatikong ilalagay ng Gmail sa Spam ang mga email mula sa mga taong kilala mo, magagawa mo ang sumusunod:

Matuto pa tungkol sa mga uri ng spam sa Gmail

Sa Spam:

  • Makakatanggap ka ng mga kahina-hinalang email na awtomatikong tinukoy ng Gmail na spam.
  • Makikita mo ang mga email na tinukoy mong spam.
  • Makakakita ka ng mga babala sa itaas ng bawat email na nagpapaliwanag kung bakit ito inilagay ng Gmail sa Spam.
Mga ginayang email address

Ang ibig sabihin ng babalang ito

Kamukhang-kamukha ng email address ang email address ng isang kilalang tagapadala. Halimbawa, puwedeng pinalitan ng numerong "0" ang titik "O" sa email address.

Ang dapat gawin kung matatanggap mo ang babalang ito

Huwag sumagot sa email na ito o magbukas ng anumang link hanggang sa ma-verify mong tama ang email address

Tip: Kung may mapapansin kang ginayang email address, pero hindi ito namarkahan na may babala, tiyaking iuulat ito na spam.

Mga phishing scam

Ang ibig sabihin ng babalang ito

Posibleng nililinlang ka ng email na mag-share ng personal na impormasyon, tulad ng mga password o numero ng credit card.

Ang dapat gawin kung matatanggap mo ang babalang ito

  • Huwag sumagot sa email o magbukas ng anumang link.
  • Kung hindi ka sigurado kung nagmula sa isang pinagkakatiwalaang tagapadala ang email, iulat ang email bilang phishing.

Tip: Hindi hihingi ang Google ng personal na impormasyon sa email. Alamin kung paano iwasan at iulat ang mga scam sa Google.

Mga mensahe mula sa hindi nakumpirmang sender

Ang ibig sabihin ng babalang ito

Hindi makumpirma ng Gmail kung sino ang nagpadala sa iyo ng email. Para sa higit pang impormasyon, tingnan kung na-authenticate ang iyong mensahe sa Gmail.

Ang dapat gawin kung matatanggap mo ang babalang ito

  • Huwag sumagot sa email o magbukas ng anumang link.
  • Kung hindi ka sigurado kung nagmula sa isang pinagkakatiwalaang tagapadala ang email, iulat ang email bilang phishing.

Kung sigurado kang nagmula ang mensahe sa isang pinagkakatiwalaang tagapadala:

  • Piliin ang Iulat bilang hindi spam.
  • Para hindi mapunta sa iyong folder na Spam ang mga mensahe mula sa isang pinagkakatiwalaang sender, puwede mong alisin ang babala sa mga mensahe niya.
Mga patakarang itinakda ng administrator

Ang ibig sabihin ng babalang ito

Kung ginagamit mo ang Gmail sa iyong trabaho, paaralan, o organisasyon, posibleng magtakda ang iyong admin ng mga kontrol para mamarkahan ang ilang partikular na email bilang spam.

Ang dapat gawin kung matatanggap mo ang babalang ito

Kung makakakita ka ng mga email na hindi dapat namarkahan bilang spam, makipag-ugnayan sa iyong admin.

Sinubukan mong mag-unsubscribe sa tagapadalang ito

Ang ibig sabihin ng babalang ito

Kung may magpapadala ng email pagkatapos mong mag-unsubscribe, direktang mapupunta ang mga email niya sa Spam.

Ang dapat gawin kung matatanggap mo ang babalang ito

Kung ayaw mong mapunta sa Spam ang mga email na ito, alisin ang email niya sa Spam.

Walang content ang mga mensahe

Ang ibig sabihin ng babalang ito

Para malaman kung valid ang mga email address, kadalasan, nagpapadala ang mga spammer ng mga email na walang laman sa body o paksa. Pagkatapos, nagpapadala sila ng spam sa mga address na iyon sa ibang pagkakataon.

Ang dapat gawin kung matatanggap mo ang babalang ito

  • Kung mukhang kahina-hinala ang email, huwag sumagot. Puwede mo itong iulat bilang spam o phishing.
  • Kung mula sa kakilala mo ang email at sa palagay mo ay hindi ito dapat naipadala ng isang tao, iulat na hindi spam ang email.
Mga email na ipinadala mo sa Spam

Ang ibig sabihin ng babalang ito

Kapag iniulat mo ang isang email bilang spam, ililipat ito sa Spam mula sa iyong inbox. Ang mga email mula sa parehong tagapadala ay puwedeng ipadala sa folder na Spam sa hinaharap.

Ang dapat gawin kung matatanggap mo ang babalang ito

  • Kung ayaw mong nasa Spam ang email, alisin ito. Hindi mapupunta sa Spam ang lahat ng susunod na email mula sa sender.
  • Kung magkakamali ka sa pag-uulat sa mensahe bilang phishing, iulat ito bilang hindi phishing.
Spam na pang-aatake sa iyong Gmail account

Ang ibig sabihin ng babalang ito

Kung marami kang natatanggap na hindi kanais-nais na email, gaya ng mga subscription o pampromosyong alok, may hacker na sumusubok na punuin ang iyong Inbox. Hindi mo makikita ang mahahalagang alertong panseguridad mula sa mga website o serbisyo kung saan ka nag-sign up gamit ang iyong Gmail account.

Halimbawa, kung may hacker na sumusubok na pasukin ang iyong bank account, puwede kang abisuhan ng bangko mo sa pamamagitan ng email. Pero kung puno ng junk mail ang iyong Inbox, puwedeng hindi mo makita ang alerto ng bangko.

Ang dapat gawin kung matatanggap mo ang babalang ito

Spam mula sa isa sa iyong mga contact
Kung may magpapadala sa iyo ng spam mula sa listahan mo ng Google Contacts, may hacker na nakakuha sa kanyang account.
  1. Huwag sumagot sa email.
  2. Mula sa alerto sa spam, iulat ang email.
    • Magpapadala ang pagkilos na ito ng ulat na sisiyasatin ng Gmail team. Patuloy kang makakatanggap ng mga email mula sa contact na ito sa hinaharap.
  3. Ipaalam sa iyong contact na posibleng na-hack ang kanyang email account at imungkahing sundin niya ang mga tip sa seguridad ng Gmail.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10916696357221631888
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false