Gamitin ang Gmail offline

Magagawa mong basahin, sagutin, at hanapin ang iyong mga mensahe sa Gmail kahit na hindi ka nakakonekta sa Internet sa pamamagitan ng pagbisita sa mail.google.com

Mga Tip:

  • Para mas mapadali ang paggamit sa Gmail kapag offline ka, inirerekomenda naming i-bookmark mo ang mail.google.com sa Chrome.
  • Kung gumagamit ka ng Gmail sa iyong account sa trabaho o paaralan, puwede mong hilingin sa admin mo na tulungan kang baguhin ang iyong mga setting.

I-on ang Gmail offline

Sa iyong computer, tiyaking na-download mo ang Chrome. Magagamit mo lang ang Gmail offline sa window ng Chrome browser, nang hindi gumagamit ng Incognito mode.

  1. Pumunta sa Mga setting ng Gmail offline.
  2. Lagyan ng check ang "I-enable ang offline na mail."
  3. Piliin ang iyong mga setting, gaya ng kung para sa ilang araw na mga mensahe ang gusto mong i-sync.
  4. I-click ang I-save ang mga pagbabago.

I-enable ang Gmail offline sa bawat device kung saan mo gusto ng offline na access.

I-bookmark ang Gmail para magamit offline 

Puwede mong i-bookmark ang iyong inbox para mas mapadali ang pag-access sa email mo offline. 

  1. Sa Chrome, buksan ang iyong inbox sa Gmail.
  2. Sa kanang bahagi ng address bar, i-click ang Star Lagyan ng Star. Matuto pa tungkol sa kung paano gumawa ng bookmark sa Chrome.

Gamitin ang Gmail offline

Para magamit ang Gmail kapag hindi ka nakakonekta sa Internet, pumunta sa mail.google.com, o i-click ang bookmark na ginawa mo para sa Gmail offline sa Chrome.

Tandaan: Kapag nagpadala ka ng mga email offline, mapupunta ang iyong email sa isang bagong "Outbox" na folder at ipapadala ito kapag online ka na ulit.

I-uninstall ang Gmail offline

Hakbang 1: Alisin ang iyong offline na data

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ibaba, i-click ang Advanced.
  4. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," i-click ang Mga setting ng content at pagkatapos ay Cookies.
  5. I-click ang Tingnan ang lahat ng cookies at data ng site at pagkatapos ay Alisin lahat.

Hakbang 2: I-off ang Gmail offline

  1. Pumunta sa Mga setting ng Gmail offline.
  2. I-uncheck ang "I-enable ang offline na mail."

I-troubleshoot ang mga problema

Marami akong Gmail account, pero isa lang ang nakikita ko sa Gmail Offline

Sini-sync lang ng Gmail Offline ang mga mensahe para sa account na iyong ginamit noong na-set up mo ito.

Kakailanganin mong mag-sign in sa isa mo pang Gmail account at i-on ang Gmail offline.

Huminto sa pag-sync ang aking mga mensahe

Posibleng naubusan ka na ng espasyo. Para mag-sync ulit, subukan ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Pumunta sa Mga Setting Mga settingat pagkatapos ayMga Setting.
  2. I-click ang tab na Offline.
  3. Sa seksyong "Mga setting ng pag-sync," pumili ng mas kaunting araw na isi-sync o i-uncheck ang kahon sa tabi ng "Mag-download ng mga attachment."

Hihinto rin sa pag-sync ang iyong mga mensahe kung isasara mo ang Chrome. Para simulan ulit ang pag-sync, buksan ang Chrome.

Hindi ko makita ang mga attachment sa email

Kapag offline ka, hindi mapi-preview sa Gmail ang mga attachment. Gayunpaman, puwede mong i-download at buksan ang mga ito sa isang application na naka-install sa iyong computer. 

Error na hindi sapat ang offline na storage

Ang pagkakaroon ng hindi sapat na storage ay posibleng sanhi ng mga sumusunod:

  • Walang sapat na space sa hard drive
  • Paggamit ng Chrome incognito tab
  • Paggamit ng Chrome Guest profile
  • Nakatakdang ma-clear ang mga setting ng Chrome kapag lumabas sa Chrome

Tingnan ang mga setting para sa cookies sa Chrome

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Pumunta sa Higit pa Higit paat pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ibaba, i-click ang Advanced
  4. Sa seksyong 'Privacy at seguridad,' i-click ang Mga setting ng content at pagkatapos ay Cookies. 
  5. Tiyaking hindi nakalista ang “mail.google.com” o “*.google.com” sa ilalim ng "I-clear sa paglabas."

Matuto pa tungkol sa kung paano pamahalaan ang cookies sa Chrome.

Tandaan: Gumagamit lang ang Gmail offline ng space na available sa iyong browser. Dahil kadalasang bahagi lang ito ng storage na available sa iyong computer, mas maliit ang available na storage na ipinapakita sa mga setting ng Gmail offline kaysa sa aktwal na available na storage sa computer mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4627852055513154406
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
17
false
false