Mga Madalas Itanong tungkol sa Copyright

Mayroon akong pahintulot na gamitin ang content na ito. Bakit ito inalis?

Paano ako makakakuha ng pahintulot para gamitin ang kanta, mga larawan, o footage ng ibang tao?

Kung nagsumite na ako ng reklamo sa copyright sa Google, bakit kailangan kong ibigay ang lahat ng aking impormasyon sa tuwing may iba pa akong kahilingan?

Ano ang mga kahihinatnan ng paglabag sa copyright?

Inabisuhan ko ang Google tungkol sa isang page na lumabag sa aking copyright at inalis ito, pero kamakailan akong nakatanggap ng email na nagsasabing posible itong ibalik. Ano ang nangyayari?


Mayroon akong pahintulot na gamitin ang content na ito. Bakit ito inalis?

Kung binigyan ka ng mga karapatang gamitin ang ilang partikular na materyal na protektado ng copyright sa iyong page, mainam na alertuhin ang orihinal na may-ari ng content para maiwasan ang maling pag-aalis. Kung nagkamaling inalis ang iyong page, may opsyon kang humiling ng pagbawi mula sa naghahabol sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa kanya o pagsusumite ng counter notification.

Bago ka maglabas ng counter notice, mainam na itanong sa iyong sarili ang ilang bagay para matiyak na isa itong valid na dispute:

  • Ikaw ba ang may-ari ng copyright ng gawa?
  • Mayroon ka bang pahintulot sa lahat ng third-party na materyal na ginamit sa gawa mula sa naaangkop na (mga) may-ari ng copyright?
  • Dapat bang ituring ang iyong paggamit ng anumang naka-copyright na materyal bilang patas na paggamit o patas na transaksyon, o kwalipikado ba ito para sa pagbubukod sa ilalim ng naaangkop na batas sa copyright?

Kung nalalapat sa iyong content ang isa sa mga kundisyon sa itaas, mainam na magsaliksik ka para alamin ang pinakanaaangkop na proseso sa pag-dispute o kumonsulta ka sa isang abugado. Kung hindi, posibleng lumalabag ka sa mga batas sa copyright.

Paano ako makakakuha ng pahintulot para gamitin ang kanta, mga larawan, o footage ng ibang tao?

Kung pinaplano mong magsama sa iyong gawa ng materyal na protektado ng copyright, posibleng kailanganin mo munang humingi ng pahintulot para magawa ito. Hindi maibibigay sa iyo ng Google ang mga karapatang ito at hindi ka namin matutulungan sa paghahanap at pakikipag-ugnayan sa mga partidong makakapagbigay sa iyo ng mga ito. Isang bagay ito na kailangang ikaw mismo at magsaliksik at gumawa o nangangailangan ng tulong ng isang abugado.

Kung nagsumite na ako ng reklamo sa copyright sa Google, bakit kailangan kong ibigay ang lahat ng aking impormasyon sa tuwing may iba pa akong kahilingan?

Alinsunod sa batas sa copyright, kinakailangan namin ang mga kumpletong abiso tungkol sa copyright para sa bawat kahilingan sa pag-aalis.

Ang pinakamadaling paraan para magsumite ng isa pang reklamo ay ang paggamit ng aming online na webform.

Ano ang mga kahihinatnan ng paglabag sa copyright?

Para sa Google, simple ang mga kahihinatnan ng paglabag sa copyright. Sumusunod kami sa Digital Millennium Copyright Act (DMCA). Sa ilalim ng batas na ito, kapag may maayos na abiso, puwede naming i-disable ang access sa content na lumalabag sa naaangkop na batas sa copyright.

Kung makakatanggap kami ng valid na notification sa paglabag na tumutukoy sa content na nauugnay sa iyong gawa, aalisin ito at posible kang makatanggap ng strike.

Bukod pa rito, posibleng piliin ng mga may-ari ng copyright na magdemanda dahil sa paglabag. Sa U.S., posibleng magresulta ang paglabag sa copyright sa mga legal na danyos na hanggang $150,000 para sa bawat nilabag na gawa, at sa ilang kaso, mga kriminal na parusa.

Inabisuhan ko ang Google tungkol sa isang page na lumabag sa aking copyright at inalis ito, pero kamakailan akong nakatanggap ng email na nagsasabing posible itong ibalik. Ano ang nangyayari?

Posibleng nakatanggap kami ng counter notification tungkol sa iyong kahilingan sa pag-aalis. Alinsunod sa batas, ibabalik ang content maliban kung magsusumite ka ng katibayang naghain ka ng pagkilos sa hukuman laban sa user na humihiling na pigilan ang di-umano'y lumalabag na content, o ng habol laban sa user sa U.S. Copyright Office Copyright Claims Board. Kung hindi namin matatanggap ang katibayang iyon mula sa iyo sa loob ng 10 araw, posible naming ibalik ang materyal sa Google.

Disclaimer: Hindi mo kami abugado at hindi legal na payo ang impormasyong nakasaad dito. Ibinibigay namin ito para sa layuning magbigay ng impormasyon.
Pangunahing menu
16640658446301895597
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false