Pangkalahatang-ideya ng Karapatang Makalimutan

I. Ano ang Karapatang Makalimutan?

Ang "karapatang makalimutan" ay karaniwang pangalan para sa karapatang unang ginawa noong Mayo 2014 sa European Union bilang resulta ng pasya ng Court of Justice ng Europe. Napag-alaman ng Court of Justice na binibigyan ng batas sa proteksyon ng data sa Europe ang mga indibidwal ng karapatang humiling sa mga search engine tulad ng Google na mag-delist ng ilang partikular na resulta para sa mga query na may kaugnayan sa pangalan ng isang tao. Sa pagpapasya sa kung ano ang dapat i-delist, dapat isaalang-alang ng mga search engine kung ang pinapatungkulang impormasyon ay “hindi tumpak, hindi naaangkop, walang kaugnayan, o sobra-sobra,” at kung mayroong pampublikong interes sa impormasyong nananatiling available sa mga resulta ng paghahanap.

Noong 2018, ipinagtibay ng EU ang Pangkalahatang Regulasyon para sa Proteksyon ng Data (General Data Protection Regulation o ang GDPR). Nagtatakda ang Artikulo 17 ng GDPR ng ‘karapatan sa pagbura’ na katulad ng karapatang kinilala ng Court of Justice ng Europe sa ilalim ng mas lumang batas na pinalitan ng GDPR. May mga katulad ding batas na ipinagtibay ang ilang bansa sa labas ng European Union. Para magbigay ng ilang halimbawa, noong Hulyo 2015, nagpasa ang Russia ng batas na nagbibigay-daan sa mga mamamayan na mag-delist ng link sa mga search engine sa Russia kung “nilalabag nito ang mga batas ng Russia o kung mali o lipas na ang impormasyon,” [26] at gumawa rin ang Turkey at Serbia ng kanilang mga bersyon ng karapatang makalimutan mula noon.

II. Sino ang puwedeng humiling na mag-delist ng content sa ilalim ng mga batas sa proteksyon ng data?

Sa pangkalahatan, nalalapat lang ang mga panuntunan sa proteksyon ng data sa pagpoproseso ng personal na data na may kaugnayan sa mga indibidwal. Karaniwang walang karapatan ang mga korporasyon at iba pang legal na entity na mag-delist ng content para sa mga query na batay sa pangalan ng kanilang korporasyon.

Karamihan sa mga kahilingan ay direktang nagmumula sa taong apektado, pero puwede kang humiling para sa ibang tao, hangga't makukumpirma mong legal kang pinapahintulutang gawin ito. Pakisuri ang iyong mga lokal na batas para matuto pa tungkol sa mga legal na karapatan mo at kung kwalipikado ka.

III. Ano ang masusuri mo bago magsumite ng kahilingan

Kung ikaw mismo ang nag-publish ng content, posibleng matanggal mo ang materyal sa Web, o posibleng mapigilan mo itong lumabas sa mga resulta ng paghahanap. Maraming social network ang nagbibigay ng mga kontrol sa privacy para protektahan ang content na ginawa mo, pati na rin ng mga paraan para magtanggal ng mapang-abusong content na na-post ng iba.

Tumingin ng listahan ng ilang karaniwang tool

Posibleng maging mas epektibo ang pag-aalis ng materyal sa Web kaysa sa pag-aalis lang nito sa Google sa mga paghahanap para sa iyong pangalan.

Kung maaalis mo ang content sa Web, mag-a-update ang mga resulta ng Google pagkatapos ng susunod na pag-access ng aming mga search crawler sa page. Kung hindi ipapakita ng preview ng resulta ng paghahanap (o ‘snippet’) ng Google ang kasalukuyang bersyon ng page, puwede kang humiling ng pansamantalang pag-block ng snippet sa pamamagitan ng tool na ito.

IV. Paano ako magsusumite ng kahilingan?

Sagutan ang webform na ito para magsumite ng kahilingan. Pakitiyak na isasama mo ang mga bagay na ito:

  • Ang (mga) partikular na URL para sa content na gusto mong i-delist. Puwede mong malaman kung paano hanapin ang tamang URL dito.
  • Isang paglalarawan kung paano nauugnay sa iyo ang content, at kung bakit namin dapat i-delist ito sa mga resulta ng paghahanap sa Google.
  • Ang query sa paghahanap kung nasaan ang content na gusto mong i-delist namin, ibig sabihin, ang iyong buong pangalan. Puwede mo ring hilingin sa aming mag-delist ng content para sa ibang pangalan, halimbawa, para sa isang nickname. Sa ganitong sitwasyon, pakisabi sa amin kung paano nauugnay ang pangalang ito sa iyong pagkakakilanlan.
  • Isang email address kung saan puwedeng makipag-ugnayan sa iyo.

Palaging kapaki-pakinabang na ibigay sa amin ang lahat ng maibibigay na background na impormasyon na kinakailangan para masuri namin nang maayos ang iyong kahilingan sa pamamagitan ng pagsusuri sa lahat ng available na impormasyon. Kung minsan, kailangan namin ng higit pang impormasyon para magpasya sa iyong kahilingan. Kung kailangan namin ito, mag-e-email kami sa iyo at hihingan ka namin ng higit pang impormasyon, at hihintayin namin ang sagot mo bago kami magpatuloy.

V. Ano ang proseso sa pagpapasya ng Google?

Manual na susuriin ng aming mga propesyonal na reviewer ang iyong kahilingan. Sa pangkalahatan, pag-iisipan ng reviewer kung may pampublikong interes ba sa impormasyon at sa anong paraan may pampublikong interes dito, at titimbangin niya ito laban sa iyong mga karapatan sa ilalim ng naaangkop na batas sa proteksyon ng data.

Maraming dahilan kung bakit posibleng magkaroon ng pampublikong interes sa impormasyon. Bilang bahagi ng proseso ng balanseng pagtitimbang, sumasangguni sa iba't ibang source ang Google, tulad ng mga alituntuning ginawa ng mga regulator ng proteksyon ng data sa Europe, kasama ang mga alituntunin sa pagpapatupad ng pasya ng hukuman sa Europe at ang mga alintuntunin ng European Data Protection Board ng Article 29 Working Party, at ang batas sa kaso ng European Court of Justice na naglilinaw sa pangkalatang pag-unawa sa mga batas sa proteksyon ng data sa EU.

Sinusuri ng aming mga reviewer ang mga salik na tulad ng mga ito:

Ang iyong tungkulin sa pampublikong buhay

Ang mga pampublikong personalidad ay mga taong gaya ng mga pulitiko, celebrity, mga pinuno ng negosyo o relihiyon, na may partikular na posisyon sa lipunan dahil sa kanilang trabaho, tungkulin, o mga obligasyon, na nagreresulta sa impluwensya sa lipunan sa pamamagitan ng posisyong iyon.

  • Tinitingnan namin kung may kaugnayan ba at paano nauugnay ang impormasyon sa iyong pampublikong tungkulin. Kapag mas mahina ang direktang kaugnayan ng impormasyon sa paraan kung paano ka nakilala ng publiko, mas malamang mag-delist kami.

    Halimbawa, posibleng walang kaugnayan ang impormasyon tungkol sa iyong personal na buhay sa pampubliko mong tungkulin bilang architect. Pero kung naglalaman ng kritisismo ang content tungkol sa performance sa iyong tungkulin bilang architect, mas mababa ang posiblidad na mag-delist kami. Ang diskarte namin dito ay i-assess kung, sa pamamagitan ng access sa impormasyon, mapoprotektahan ang publiko laban sa maling pampubliko o propesyonal na asal, o kaya naman ay maipapaalam nito sa publiko ang tungkol sa pangkalahatan mong record bilang propesyonal o sa iyong pampublikong tungkulin.

  • Sinusuri din namin ang kahalagahan ng iyong pampublikong tungkulin. Halimbawa, ang mga kandidatong tumatakbo sa halalan para sa posisyon sa pamahalaan ay humihiling sa mga botante na pagpasyahan ang kanilang kaangkupan para sa posisyon batay sa maraming salik. Mas mababa ang posibilidad na mag-delist kami ng impormasyon tungkol sa mga kandidato sa pulitika, senior official ng estado, at mga gaya nito.
  • Kapag iniwan na ng isang tao ang isang partikular na pampublikong tungkulin, magdedepende ang patuloy na interes ng publiko sa tungkuling iyon sa kung gaano siya katagal sa kanyang dating tungkulin, sa tungkuling ginagampanan niya ngayon, at kung gaano katagal na panahon na ang lumipas. Kung, halimbawa, may isang taong malamang na tumakbo ulit sa halalan para sa posisyon sa pamahalaan, o kung may interes pa rin ang publiko sa taong ito na mayroon nang ibang posisyon at mayroon pa rin siyang impluwensya sa publiko, madalas ay papanatilihin naming available ang impormasyon tungkol sa kanya para sa mga layuning may kaugnayan sa kasaysayan. Halimbawa, bihirang bihira para sa amin na mag-delist ng anumang impormasyon tungkol sa isang pinuno ng pamahalaan.

Saan nagmumula ang impormasyon

  • Kung nasa site ng pamahalaan ang page, isinasaalang-alang namin ang katunayang nagpasya ang pamahalaan na i-publish ang pinapatungkulang impormasyon at gawin itong available sa mga search engine, sa tuloy-tuloy na paraan. Lubos naming inaayunan ang ganitong pagpapasya. May mahalagang tungkulin ang mga tala ng pamahalaan sa pagpapanatiling nakakakuha ng impormasyon ang lipunan pagdating sa mga usapin ng pampublikong interes, at ang pasya ng pamahalaan na patuloy itong i-publish ay isang malaking tanda na itinuturing nito na mayroon pa ring pampublikong interes.
  • Kung nasa site ng balita ang impormasyon at isinulat ito bilang bahagi ng aktibidad sa pamamahayag, nagpasya ang mga mamamahayag na may pampublikong interes sa content. Isinasaalang-alang namin ang mga pasya sa pagpapahayag ng media sa pagtukoy sa kung aling impormasyon ang may kaugnayan sa pampublikong interes at kung may interes ba ang publiko rito, lalo na para sa mga materyal na mas kamakailan lang na-publish.

Gaano na katagal ang content

  • Ina-assess namin kung may kaugnayan pa rin ang impormasyong nakasaad sa isang resulta ng paghahanap. Madalas, ang pagkakaroon ng kaugnayan ay malapit na nauugnay sa tagal ng content.
  • Sinusuri namin kung makatuwiran pa ang tagal ng available na impormasyon at hindi pa ito napapaglipasan dahil sa isang bagay na nangyari pagkatapos nitong ma-publish. Halimbawa, posibleng mas mabilis mapaglipasan ang balita tungkol sa isang nalalapit na kriminal na paglilitis kung natapos ang paglilitis nang walang paghahatol, o kung ipinagpaliban ang paghatol dahil sa apela.
  • Kung may kaugnayan ang impormasyon sa isang tungkulin sa pampublikong buhay na ginampanan mo sa panahon ng pag-publish, titingnan namin kung iniwan mo na ang tungkuling iyon at kung may ginagampanan ka bang katulad na posisyon sa kasalukuyan o wala, sa paraang wala nang kaugnayan ang impormasyon sa iyo. Halimbawa, kung ang impormasyon ay tungkol sa iyong tungkulin bilang pinuno ng isang kumpanya at pinapamunuan mo pa rin ang kumpanyang iyon o ang isang katulad na kumpanya, mas mababa ang posibilidad na i-delist namin ito kahit na matagal nang panahon ang lumipas mula nang ma-publish ito.

Ang epekto sa mga user ng Google

  • Pinag-iisipan namin kung ang mga taong pumupunta sa Google Search para hanapin ang pangalan mo ay may mahalagang interes na malaman ang pinapatungkulang impormasyon. Halimbawa, kung nagbibigay ka ng mga propesyonal na serbisyo, malamang na magkaroon ng lehitimong interes ang mga kliyente sa hinaharap para sa mga review sa mga serbisyong iyon na mula sa mga dating kliyente.
  • Gayundin, kung may kaugnayan ang impormasyon sa isang kriminal na paghatol, pinag-iisipan namin kung maghipit bang kinakailangang patuloy na ipakita ang impormasyong iyon para maprotektahan ang kalayaan sa impormasyon ng aming mga user, at para maprotektahan din ang kanilang mga sarili mula sa posibilidad ng mga katulad na krimen sa hinaharap sa pamamagitan ng pagkakaroon ng impormasyong iyon. Sa pagsasaalang-alang sa yugto ng panahon bago kami mag-delist ng impormasyon tungkol sa isang krimen, sinusuri din namin ang mga lokal na panuntunan sa panahon kung kailan lilipas o mabubura ang mga paghatol, o mga bagay na tulad ng mga ito - ibig sabihin, ang mga pamamaraang nagbibigay-daan sa mga taong nahatulan ng krimen na kalimutan ang hatol sa opisyal na paraan.

Katotohanan o kasinungalingan

  • Wala kami sa posisyon para suriin kung totoo o hindi totoo ang mga paratang sa iyo. Hindi gaya ng isang hukuman, hindi kami puwedeng tumawag ng mga saksi o kumuha ng mga sinumpaang ebidensya, at hindi namin palaging nalalaman ang lahat ng impormasyong makakatulong sa hukom sa pagpapasya kung totoo o hindi totoo ang isang bagay.
  • Kung mahalaga para sa iyo na maipakitang hindi totoo ang impormasyon, magbigay ng maaasahang ebidensya para doon. Halimbawa, kung pabor sa iyo ang pasya ng hukuman sa isang kasong tungkol sa mga paratang laban sa iyo, lubos naming aayunan ang pasyang iyon.

Sensitibong data

  • Isasaalang-alang namin kung gaano kasensitibo o kapribado ang content. Posibleng kasama sa sensitibong content ang, halimbawa, impormasyon tungkol sa kalusugan, sekswal na oryentasyon, lahi, etnisidad, o relihiyon ng isang tao. Mas malamang na mag-delist kami ng content na may ganitong impormasyon, lalo na kung hindi nagbigay ng pahintulot ang humihiling na gawin itong pampubliko.

Walang ganap sa mga salik na ito at hindi kumpleto ang listahan sa itaas. Madalas, may mga dapat isaalang-alang sa isang case na humahantong sa iba't ibang direksyon, at maingat naming isinasaalang-alang ang mga iyon bago kami magpasya. Kung wala sa amin ang lahat ng impormasyong kailangan namin, posibleng manghingi kami sa iyo ng higit pang impormasyon. Nakakatulong sa amin ang impormasyong iyon na maunawaan kung paano makakaapekto ang iba't ibang salik sa iyong kahilingan.

VI. Ano ang epekto ng pag-aalis sa ilalim ng batas sa proteksyon ng data?

Magde-delist lang kami ng content mula sa mga resulta ng paghahanap para sa mga query na may kaugnayan sa iyong pangalan. Posibleng manatili ang content na ide-delist namin para sa iyong pangalan sa aming mga resulta ng paghahanap para sa iba pang query.

Ginagalang namin ang saklaw sa teritoryo ng mga may kaugnayang batas sa iyong lokasyon. Halimbawa, sa European Union, nagde-delist kami ng mga URL mula sa mga bersyon ng mga resulta ng paghahanap ng Google para sa mga bansang naglalapat ng batas sa proteksyon ng data sa Europe. Gumagamit din kami ng mga geolocation signal (tulad ng mga IP address) para paghigpitan ang access sa mga na-delist na URL sa lahat ng serbisyo ng Google Search para sa mga user na pinapaniwalaan naming nasa bansa ng humihiling. Naaayon sapasya ng European Court of Justice noong 2019, hindi namin inilalapat ang mga pag-delist na ito sa mga serbisyo para sa mga bansa sa labas ng EU.

Kung gusto mong mag-delist ng page mula sa mga resulta ng paghahanap ng ibang bansa, puwede kang maghain ng kahilingan dito at ipaliwanag kung bakit inaatas ng batas ng bansang iyon ang pag-delist.

VII. Saan ako makakahanap ng higit pang impormasyon?

Basahin ang Mga FAQ sa mga kahilingan sa privacy sa Europe na may kaugnayan sa mga pag-aalis sa Search para sa higit pang impormasyon. Para sa mas malalim na impormasyon, puwede mong basahin ang “Limang taon ng Karapatang Makalimutan.”

Sa aming Transparency report, marami kang makikitang impormasyon tungkol sa data, at mga na-anonymize na halimbawa ng mga kahilingang natanggap namin. Pakitandaang mga totoong halimbawa ang mga ito, kaya kailangan naming protektahan ang privacy ng mga humiling. Nangangahulugan itong hindi kami makakapagbahagi ng anupamang impormasyon tungkol sa mga indibidwal na case o proseso ng pagpapasya.

Pangunahing menu
6608746692476331321
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false