Pangunahing pinapahalagahan sa Google ang transparency.
Bilang bahagi ng aming mga pagsisikap para manatiling transparent, puwede kaming magpadala ng kopya ng bawat legal na notice na matatanggap namin sa proyektong Lumen para sa publication. Ang Lumen ay isang independent na proyekto ng pananaliksik na pinapamahalaan ng Berkman Klein Center for Internet & Society sa Harvard Law School. Naglalaman ang database ng Lumen ng milyon-milyong kahilingan sa pagtanggal ng content na boluntaryong ibinahagi ng iba't ibang kumpanya, kabilang ang Google. Layunin nitong bigyang-daan ang pang-akademya at pang-industriyang pananaliksik kaugnay ng availability ng online na content. Ire-redact ng Lumen ang personal na impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng nagsumite (ibig sabihin, ang numero ng telepono, e-mail, at address).
Puwede kang tumingin ng halimbawa ng Publication ng Lumen dito.
Posible rin kaming mag-publish ng katulad na impormasyon mula sa iyong notice sa aming Transparency Report na nagbibigay ng data sa mga kahilingang natatanggap namin mula sa mga may-ari ng copyright at pamahalaan na mag-alis ng impormasyon sa aming mga produkto.