Puwede mong gamitin ang Google Groups para:
- I-email ang lahat ng nasa grupo gamit ang iisang email address. Gumawa ng grupo
- Makakilala ng mga taong may katulad na mga hobby, interes, o karanasan. Sumali sa isang grupo
- Alamin ang tungkol sa isang paksa at sumali sa mga talakayan. Magbasa at gumawa ng mga post
- Magsaayos ng mga meeting, kumperensya, at event. Magsaayos ng mga event
- Gumawa ng Collaborative na Inbox at magtalaga ng mga pag-uusap sa mga miyembro para sa pagsubaybay. Subaybayan ang mga itinalaga
May dalawang bersyon ng Groups—ang libreng bersyong para sa lahat, at isang bersyong para sa mga organisasyon (trabaho, paaralan, at iba pa). Nakadepende ang mga puwede mong gawin at feature na maa-access mo sa kung anong bersyon ang mayroon ka. Kung naka-sign in ka sa isang pantrabaho o pampaaralang account, iko-customize ng administrator mo ang mga gawain at feature na available sa iyo.
Kung mayroon ka ng parehong bersyon, baka kailanganin mong lumipat ng account para ma-access ang feature na gusto mo. Alamin kung paano mag-sign in sa maraming account nang sabay-sabay.