Bago ka mag-install ng app sa Google Play, puwede mong tingnan ang Seksyon ng Kaligtasan ng Data ng app. Ginagamit ng mga developer ang Seksyon ng Kaligtasan ng Data para magbahagi ng impormasyon tungkol sa kung paano pinapangasiwaan ng app nila ang iyong data. Sa pamamagitan nito, puwede kang gumawa ng mas may kabatirang pagpapasya tungkol sa kung anong mga app ang gagamitin mo.
Hanapin ang impormasyon sa kaligtasan ng data ng isang app
- Buksan ang Google Play
.
- Mag-browse o gamitin ang search bar para humanap ng app.
- Mag-tap ng app.
- Sa ilalim ng "Kaligtasan ng data," makakakita ka ng buod ng mga kagawian sa kaligtasan ng data ng app.
- Para sa higit pang detalye, i-tap ang Tingnan ang mga detalye.
Tip: Nalalapat lang ang impormasyon sa Seksyon ng Kaligtasan ng App sa mga app na ipinapamahagi sa Google Play. Makikita mo lang ang Seksyon ng Kaligtasan ng App sa Android 5 at mas bago.
Maunawaan at suriin ang mga kagawian sa kaligtasan ng data ng app
Nagbibigay-daan ang Seksyon ng Kaligtasan ng Data ng listing ng app para mailarawan ng mga developer kung paano kinokolekta, ibinabahagi, at pinapangasiwaan ng kanilang mga app ng iba't ibang uri ng data. Ipinapaliwanag ng mga developer ang kanilang mga kagawian para sa:
- Pangongolekta ng data: Inilalarawan ng mga developer ang mga uri ng data ng user na kinokolekta ng kanilang app, kung paano nila ginagamit ang data na ito, at kung opsyonal ang pangongolekta ng data na ito. Karaniwang itinuturing na “kinokolekta” ang data kapag ginagamit ng developer ang kanyang app para kumuha ng data mula sa iyong device.
- Sa ilang sitwasyon, hindi kailangang ihayag ng mga developer ang data bilang "kinokolekta" kahit na kung tutuusin ay inilalabas sa iyong device ang data (halimbawa, kapag pinoproseso lang ang data sa ephemeral na paraan). Matuto pa tungkol sa mga sitwasyong ito sa ibaba.
- Pagbabahagi ng data: Inilalarawan ng mga developer kung ibinabahagi ng kanilang app ang iyong data sa mga third party at kung anong mga uri ng data ang ibinabahagi. Karaniwang itinuturing na "ibinabahagi" ang data kapag ina-access ito ng app at inililipat sa isang third party.
- Sa ilang sitwasyon, hindi kailangang ihayag ng mga developer ang data bilang "ibinabahagi" kahit na kung tutuusin ay inililipat ito sa ibang partido (halimbawa, kapag nagbigay ka ng pahintulot na maglipat ng data pagkatapos ipaliwanag ng app kung paano nito gagamitin ang data, o kapag ibinahagi ang data sa service provider ng developer). Matuto pa tungkol sa mga sitwasyong ito sa ibaba.
Ginagamit ng mga developer ang seksyong Kaligtasan ng data ng Google Play para ilarawan ang kabuuan ng pangongolekta at pagbabahagi ng data ng kanilang app sa lahat ng bersyon ng app na ipinapamahagi sa Google Play. Posibleng mag-iba-iba ang mga kagawian sa privacy at seguridad batay sa iyong paggamit, rehiyon, at edad. Puwedeng gamitin ng mga developer ang seksyong “Tungkol sa app” ng listing ng app sa Google Play, ang patakaran sa privacy, o ang iba pang dokumentasyon para magbahagi sa kanilang mga user ng impormasyong partikular sa bersyon ng app.
Maunawaan ang pangongolekta ng data at pagbabahagi ng data
Iba pang impormasyon sa Seksyon ng Kaligtasan ng Data
Mga uri ng data at layunin ng pangongolekta na sinasaklaw sa Seksyon ng Kaligtasan ng Data
Ipinapaliwanag ng Seksyon ng Kaligtasan ng Data ang layunin para sa pangongolekta at pagbabahagi ng mga partikular na uri ng data. Dapat gamitin ng mga developer ang mga parehong kategorya para ipaliwanag ang mga layuning ito para maihambing mo sa maaasahang paraan ang maraming app. Dapat ilarawan ng impormasyon ang lahat ng bersyon at variation ng app.
Matuto pa tungkol sa mga uri at layunin ng data na kasama sa Seksyon ng Kaligtasan ng Data.
Kontrolin ang mga pahintulot sa app at pangongolekta ng data
Badge na "Na-verify" ng Google Play para sa mga app na nangangasiwa ng sensitibong data ng user
Mahalaga: Hindi kumpleto ang listahan ng mga pamantayan at hindi ito ganap na kumakatawan sa lahat ng pamantayang ginagamit para ipakita ang badge.
Para i-highlight ang mga developer na transparent sa mga kagawian nila sa seguridad at privacy ng user sa seksyon na Kaligtasan ng data, ipinapakilala ng Google Play ang badge na "Na-verify." Kapag ibinigay, kitang-kitang ipinapakita ang bagong badge sa page ng mga detalye ng app at sa mga resulta ng paghahanap. Sa ngayon, sa mga VPN app lang available ang badge na ito. Para maisaalang-alang para sa badge na "Na-verify," dapat matugunan ng app ang ilang partikular na pamantayan:
- Nakakasunod sa mga alituntunin sa kaligtasan at seguridad ng Play.
- Nakapagsagawa ng Mobile Application Security Assessment (MASA) Level 2 validation.
- Nakapag-publish sa Google Play sa loob ng kahit man lang 90 araw.
- Nakakuha ng kahit man lang 10,000 pag-install at 250 review.
- May uri ng developer account na Organisasyon.
- Nakakatugon sa mga requirement sa target na level ng API para sa mga Google Play app.
- Nakapagsumite ng paghahayag ng seksyon na Kaligtasan ng data, na kinabibilangan ng paghahayag o pag-opt in sa:
- Independent na pagsusuri sa seguridad
- Pag-encrypt habang nagpapadala