Isaayos at pagbukud-bukurin ang mga aklat sa iyong library

Para mapadali ang paghahanap ng aklat, puwede mong isaayos ang mga aklat sa iyong library. ​

Isaayos ang iyong mga aklat sa mga grupo

Pumili ng maraming libro nang sabay-sabay
  1. Buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. I-tap ang Library.
  3. I-tap at i-hold ang unang librong gusto mong piliin.
  4. Mag-tap ng iba pang libro para idagdag ang mga iyon sa pagpili.

Tip: Kapag tapos ka nang pumili ng mga libro, magagawa mo ang mga sumusunod na pagkilos nang maramihan:

  • Idagdag sa shelf
  • I-download
  • Alisin ang download
  • Markahan bilang tapos na o hindi pa tapos
  • Idagdag sa Family Library o Alisin sa Family Library
  • Permanenteng i-delete
Gumawa ng shelf
  1. Buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. I-tap ang Library at pagkatapos ay Mga Shelf at pagkatapos ay Gumawa ng Bago.
  3. Para pangalanan ang bago mong shelf, i-tap ang pamagat. 
  4. Para i-save, i-tap ang Tapos na Tapos na.
Magdagdag ng mga aklat sa shelf
  1. Buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. I-tap ang Library.
  3. I-tap at i-hold ang librong gusto mong idagdag sa shelf. Piliin ang higit pa para magdagdag ng maraming libro.
  4. I-tap ang Idagdag sa shelf.
  5. I-tap ang gustong shelf.

Tip: Para magdagdag ng mga libro sa isang shelf mula sa shelf nang direkta, i-tap ang Idagdag ang Mga Libro.

Mag-alis ng libro sa shelf
  1. Buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. I-tap ang Library.
  3. Pumunta sa shelf.
  4. I-tap at i-hold ang librong gusto mong alisin.
  5. I-tap ang Alisin sa shelf na ito.

Mag-filter ng mga libro ayon sa genre, may-akda, pag-usad, at higit pa

Mahalaga: Available lang ang mga filter na ito sa bersyon 5.3 at mas bagong bersyon ng Play Books app. 

  1. Buksan ang Google Play Books app Play Books .
  2. I-tap ang Library.
  3. I-tap ang mga filter na gusto mong ilapat.
  4. Mag-scroll para makita ang mga resulta.
Tip: Para mabilis na maglapat ng maraming filter, i-tap ang Mga Filter Sort, pumili ng maraming filter, pagkatapos ay i-tap ang Ilapat. Sa bersyon 2023.04.17.00 at mas bago ng Android Play Books app lang available ang feature na ito.

Maghanap ng mga librong hindi mo pa nasisimulan

  1. ​Sa iyong Android device, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. I-tap ang Library.
  3. Mag-scroll sa mga filter at i-tap ang Pag-usad
  4. I-tap ang Hindi pa nasisimulan.

Hanapin ang lahat ng aklat sa isang series

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Play Books app .
  2. I-tap ang Library.
  3. Sa itaas, i-tap ang Series.

Tip: Ipinapakita ng listahang ito ang lahat ng libro sa serye, hindi lang ang mga librong pag-aari mo. Puwede kang mag-filter ayon sa Pagmamay-ari at i-tap ang Mga Nabili para makita ang mga librong pagmamay-ari mo.

Maghanap ng libro o may-akda gamit ang alphabetical index

Mahalaga: Sa bersyon 2023.04.17.00 at mas bago ng Android Play Books app lang available ang feature na ito.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. I-tap ang Library.
  3. I-tap ang Filter view I-filter at pagkatapos ay Piliin ang List view.
  4. Pagbukod-bukurin ayon sa May-akda o Pamagat.
  5. Gamitin ang index para mag-scroll papunta sa isang partikular na titik sa alpabeto.

Tip: Lalabas ang index kung mayroon kang mahigit 25 libro pagkatapos mong maglapat ng mga filter. Kapag nagbukod-bukod ka ayon sa pinakabago, hindi lalabas ang index.

Makahanap ng mga pre-order o paparating na aklat na kinaiinteresan mo

Puwede mong ipakita ang mga kasalukuyang pre-order, paparating na aklat mula sa mga serye kung saan ka naka-subscribe, at sa mga aklat na available na i-pre-order mula sa iyong library. Matuto pa tungkol sa mga pre-order at mga subscription sa serye.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. I-tap ang Library and then Paparating.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17599783688400772987
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false