Paano i-on o i-off ang Google Play Instant

Mababago mo kung paano nagbubukas ang iyong device ng mga link sa mga instant app o website sa mga setting mo. Kung io-on mo ang “I-upgrade ang mga web link,” at magki-click ka ng ilang partikular na link, puwedeng bumukas ang instant app at magagamit mo ang ilan sa mga feature nito, nang hindi aktwal na ini-install ang buong app. Kung naka-off ang setting, bubukas ang link sa isang website. Matuto pa tungkol sa mga instant app.

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Pangkalahatan at pagkatapos ay Google Play Instant.
  4. I-on o i-off ang I-upgrade ang mga web link.

Tip: Kung wala sa iyong mga setting ang Google Play Instant, posibleng hindi ito available para sa uri ng device mo.

Matuto pa tungkol sa mga instant app

Kapag nag-click ka sa mga link papunta sa isang app (mula sa paghahanap, mga email o mga ad, at higit pa), posibleng bumukas ang ilang app gamit ang Google Play Instant at hahayaan kang subukan ang mga ito bago mo i-install ang mga ito. Hahayaan ka ng mga app na ito, na tinatawag na “mga instant app,” na gamitin ang ilan sa mga feature ng mga ito nang hindi ini-install ang mismong app.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1794901180502444748
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false