Gamitin ang Google Play Family Library

Puwede mong ibahagi ang mga biniling app, laro, pelikula, palabas sa TV, at e-book at audiobook mula sa Google Play sa hanggang 5 miyembro ng pamilya gamit ang Google Play Family Library.

Mag-sign up para sa Family Library

Mahalaga:  Kung hindi ka bahagi ng isang grupo ng pamilya, kailangan mo munang gumawa ng grupo.

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Pamilya at pagkatapos ay Mag-sign up para sa Family Library.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen para i-set up ang Family Library. 

Tandaan: Kailangang sundin ng bawat isa sa iyong mga kapamilya ang mga tagubilin sa itaas para makapag-set up ng Family Library.

Mga Kinakailangan

Mga kinakailangan para sa manager ng pamilya

Kung hindi ka pa bahagi ng isang pamilya, ikaw ang magiging manager ng pamilya kapag nag-sign up ka para sa Family Library. Dapat matugunan ng mga manager ng pamilya ang lahat ng kinakailangang ito:

  • 18 taong gulang o mas matanda (o nasa naaangkop na edad sa iyong bansa)
  • May valid na credit card o debit card na magagamit bilang paraan ng pagbabayad ng pamilya
  • Hindi bahagi ng iba pang grupo ng pamilya sa Google

Tandaan: Hindi ka puwedeng gumawa ng pamilya gamit ang Google Account mula sa iyong trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon.

Mga kinakailangan para sa miyembro ng pamilya

Para sumali sa isang grupo ng pamilya, dapat mong matugunan ang mga kinakailangang ito:

  • May Google Account. Kung wala ka pang 13 taong gulang o wala ka pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa, kailangan kang gawan ng Google Account ng manager ng pamilya mo.
  • Nakatira sa bansa kung saan nakatira ang manager ng pamilya.
  • Hindi bahagi ng iba pang grupo ng pamilya sa Google.
Mga Bansa

Available ang Family Library sa karamihan sa mga bansa kung saan mo puwedeng gamitin ang Google Play.

Magdagdag o mag-alis ng mga biniling content sa Family Library

Awtomatikong maidagdag sa Family Library ang mga kwalipikadong biniling content, o puwedeng ikaw mismo ang magdagdag ng mga ito pagkatapos mong bilhin ang mga ito. Posibleng limitado sa ilang bansa ang mga app at laro, mga pelikula at palabas sa TV, at Pagbabahagi ng mga aklat sa Family Library.

Kapag nag-alis ka ng mga biniling content sa Family Library o umalis ka sa grupo ng pamilya mo, mawawalan ng access ang mga miyembro ng iyong pamilya sa mga biniling content na idinagdag mo sa Family Library.

Mahalaga:

  • Mga Pelikula o Palabas sa TV: Para maiwasan ang mga potensyal na isyu kapag nagdaragdag ka ng content sa Family Library, gamitin ang paraan ng pagbabayad ng pamilya sa halip na ang iyong personal na credit o debit card para bumili.
  • Mga Libro, App, o Laro: Kwalipikado para sa Family Library gamit ang anumang paraan ng pagbabayad, basta't:
    • May naka-file na credit card ng pamilya.
    • Valid pa rin ang credit card ng pamilya.
    • Naka-on ang pag-share sa pamilya.
Magdagdag o mag-alis ng mga indibidwal na biniling content

Mga app at laro

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang mga app at device at pagkatapos ay Naka-install.
  4. I-tap ang biniling app o larong gusto mong idagdag.
  5. Sa page ng mga detalye ng content, i-on ang Family Library.

Para alisin ang content, i-off ang Family Library.

Mga pelikula at palabas sa TV

  1. Buksan ang Play Movies & TV app Play Movies.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Library.
  3. Sa tab na "Mga Pelikula" o "Mga palabas sa TV," hanapin ang biniling content na gusto mong idagdag.
  4. Sa page ng mga detalye ng content, i-on ang Family Library.

Para alisin ang content, i-off ang Family Library.

Tandaan: Kapag nagdagdag ka ng mga palabas sa TV mula sa Play Movies & TV app, idinaragdag mo ang lahat ng episode ng palabas. Kung gusto mong magdagdag o mag-alis ng ilang partikular na season o episode na binili nang hiwalay, hanapin ang content sa Play Store app at idagdag ito sa Family Library mula sa page ng episode o mga detalye ng palabas.

Mga Aklat

  1. Buksan ang Play Books app Play Books.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Library.
  3. Hanapin ang mga e-book o audiobook na gusto mong idagdag.
  4. Pindutin nang matagal ang pamagat ng libro.
  5. Mag-scroll pababa para Idagdag sa Family Library.

Para alisin ang content, pindutin nang matagal ang pamagat ng libro. Pagkatapos ay mag-scroll sa Alisin sa Family Library.

Baguhin ang mga setting ng iyong Family Library

Bilang default, awtomatikong idinaragdag sa iyong Family Library ang mga kwalipikadong item na binili pagkatapos mong gumawa o sumali sa isang grupo ng pamilya.

Para baguhin ang mga setting ng Family Library, o alisin ang lahat ng biniling may partikular na uri:

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Pamilya at pagkatapos ay Mga setting ng Family Library.
  4. Piliin ang Mga App at Game, Mga Pelikula at TV, o Mga Aklat.
  5. I-tap ang Huwag awtomatikong idagdag, ako na mismo ang gagawa nito, o Awtomatikong idagdag ang mga item kapag binili at pagkatapos ay Oo, gusto ko iyon.
.
Paghigpitan ang content para sa ilang partikular na miyembro ng pamilya

Makikita ng lahat ng kasali sa iyong grupo ng pamilya ang lahat ng content na naidagdag sa Family Library.

Puwede kang mag-set up ng parental controls para paghigpitan ang content na nakikita ng mga miyembro ng pamilya.

Tingnan ang content ng Family Library

Mga app at laro

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Pamilya at pagkatapos ay Mga setting ng Family Library.
  4. Piliin ang Mga App at Game, Mga Pelikula at TV, o Mga Aklat.
    • Tip: Kung hindi nakalista ang isang tab, hindi pa nagdaragdag ang mga miyembro ng iyong pamilya ng anumang content sa kategoryang iyon.

Mga pelikula at palabas sa TV

  1. Buksan ang Google Play Movies & TV app Play Movies.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Library.
  3. I-tap ang tab na Mga Pelikula o Mga Palabas sa TV.
  4. Mag-scroll pababa sa listahang "Family Library." Kung wala kang nakikitang listahang "Family Library," ibig sabihin, hindi pa nagdaragdag ng kahit ano ang mga miyembro ng pamilya mo sa iyong Family Library.

Tandaan: Puwedeng mag-play ng mga pelikula offline sa hanggang 5 device kada miyembro ng pamilya at 12 device kada pamilya. Puwedeng mag-play ng 6 na pelikula nang sabay-sabay, pero isang tao lang ang puwedeng mag-stream ng bawat pelikula sa bawat pagkakataon.

Mga Aklat

  1. Buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Library.
  3. I-tap ang tab na Pamilya. Kung wala kang nakikitang tab na "Pamilya," ibig sabihin, hindi pa nagdaragdag ng anumang aklat ang mga miyembro ng pamilya mo sa iyong Family Library.

Tandaan: Mada-download ang bawat aklat sa hanggang 6 na device nang sabay-sabay. Kapag may nag-alis ng aklat sa kanilang device, magagawa itong i-download ng iba pang miyembro ng pamilya.

Tingnan kung kwalipikadong maidagdag ang content sa Family Library

Karamihan sa mga biniling app, laro, pelikula, palabas sa TV, at aklat ay puwedeng idagdag sa iyong Family Library. Kung kwalipikadong idagdag ang isang item, makikita mo ang icon ng Family Library sa page ng mga detalye ng content Family Library.

Mga pelikula at palabas sa TV

 

Maaaring idagdag sa Family Library ang anumang pelikula o palabas sa TV na binili mo bago mo ginawa ang iyong Family Library.

Pagkatapos mong mag-sign up sa Family Library o sumali sa grupo ng pamilya ng ibang tao, maidaragdag lang ang mga bagong biling pelikula at palabas sa TV kung binili mo ang mga ito sa pamamagitan ng paraan ng pagbabayad ng pamilya, gamit ang isang gift card ng Google Play o promo code.

Mga Pelikula

  • Posibleng limitado ang pagbabahagi ng mga pelikula sa Family Library.
  • Kung bibili ka ng isang bundle ng mga pelikula, puwede ka lang magdagdag o mag-alis ng isang buong bundle sa iyong Family Library, ngunit hindi ng mga indibidwal na pelikula.
  • Hindi mo puwedeng idagdag sa Family Library ang mga rental na pelikula sa Play o mga pelikulang binili sa YouTube.

Mga palabas sa TV

  • Baka limitado ang pagbabahagi ng mga palabas sa TV gamit ang Family Library sa ilang bansa.
  • Hindi ka puwedeng magdagdag ng mga rental na palabas sa TV sa Family Library.
  • Hindi ka puwedeng magdagdag ng mga palabas sa TV na binili sa YouTube.
  • Hindi available sa lahat ng bansa ang mga palabas sa TV.
Mga app at laro
  • Posibleng limitado ang pagbabahagi ng mga app at laro sa Family Library sa ilang bansa.
  • Hindi mo maibabahagi sa mga miyembro ng iyong pamilya ang mga in-app na pagbili at app na na-download nang libre.
  • Kwalipikadong maidagdag sa Family Library ang anumang app o larong binili pagkalipas ng Hulyo 2, 2016. Kung binili mo ang app o laro bago sumapit ang Hulyo 2, 2016, kwalipikado itong maidagdag sa Family Library kung ginawang available ng developer ang mga nakaraang item na binili.

Para malaman kung kwalipikado itong idagdag sa Family Library:

  1. I-tap ang Tungkol sa laro/app na ito.
  2. Sa ibaba, sa ilalim ng "Higit pang impormasyon," nakasaad rito ang "Kwalipikado para sa Family Library" kung kwalipikado ito.
Mga Aklat
  • Kung pinapayagan ng publisher ng aklat na maidagdag ang mga e-book o audiobook sa Family Library, puwede mo itong ibahagi sa mga miyembro ng iyong pamilya.
  • Hindi ka puwedeng magdagdag sa Family Library ng mga sample na ibinigay nang libre, aklat na nasa pampublikong domain, personal na dokumentong na-upload mo, o aklat na nirentahan mo.
  • Sa ilang partikular na bansa lang puwedeng magdagdag ng mga aklat sa Family Library.
Newsstand

Hindi maidaragdag sa Family Library ang mga binili sa Newsstand.

Mag-troubleshoot ng mga problema

Nagkaroon ng error habang ginagawa ko ang aking pamilya Inalis ang content sa Family Library

Kung may taong nag-alis ng content sa Family Library, kung tuluyan siyang umalis sa grupo ng pamilya, o kung na-delete ang iyong grupo ng pamilya, kailangan mong bilhin ang content para magamit ito.

Pagkabili mo nito, magpapatuloy ka mula sa kung saan ka tumigil. Kung bumili ka ng mga in-app na item sa isang laro, makukuha mo ulit ang mga iyon pagkabili mo sa laro.

Bumili ako ng content, pero hindi ko ito maidagdag sa Family Library

Kung hindi mo maidagdag sa Family Library ang content na binili mo, posibleng dahil ito sa:

  • Hindi kwalipikadong maidagdag ang content sa Family Library.
  • Ginamit mo ang iyong personal na credit o debit card sa halip na ang paraan ng pagbabayad ng pamilya para bilhin ang pelikula o palabas sa TV.
"Invalid ang paraan ng pagbabayad ng iyong pamilya"

Kung nakikita mo ang mensaheng ito, hindi valid ang paraan ng pagbabayad ng iyong pamilya. Kung ikaw ang manager ng pamilya, i-update ang paraan ng pagbabayad ng iyong pamilya sa magagamit na credit card para makapagdagdag ka at ang mga miyembro ng iyong pamilya ng mga biniling item sa Family Library.

Habang hindi valid ang paraan ng pagbabayad ng pamilya, hindi awtomatikong maidaragdag sa Family Library ang mga item na binili gamit ang iba pang paraan ng pagbabayad. Kapag na-update na ang paraan ng pagbabayad ng iyong pamilya, kakailanganin mong manual na idagdag ang mga item na iyon sa Family Library mula sa page ng mga detalye.

true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12310764887981774221
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false