Mag-claim ng mga reward na gift card

Ang ilang gift card ay may mga kasamang promosyong magbibigay sa iyo ng mga karagdagang reward kapag na-redeem mo ang gift card. Puwedeng kasama sa mga reward na ito ang digital na content, gaya ng rental ng pelikula o aklat, o in-app na item. Makukuha mo ang reward kapag na-redeem mo ang iyong gift card o promo code. 

Mag-redeem ng mga reward 

Para mag-claim ng reward, mag-redeem ng kwalipikadong gift card sa Google Play Store app:

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay I-redeem ang gift code.
  4. Ilagay ang code.
  5. Kapag nakakuha ka ng mensahe ng kumpirmasyon na na-redeem mo ang gift card at nakakuha ka ng reward:
    • Para i-claim ang iyong reward, i-tap ang Kunin.
    • Para gamitin ang reward sa ibang pagkakataon, i-tap ang Hindi ngayon.

Tandaan: Kung in-app na item ang iyong reward, make-claim mo lang ito kapag ni-redeem mo ang iyong gift card gamit ang Play Store app. Kung ire-redeem mo ang iyong gift card sa play.google.com, idaragdag ang reward sa account mo pero kakailanganin mo itong i-claim sa app sa iyong device. Pumunta sa “Tingnan ang mga naka-save na reward” sa ibaba para maghanap at gumamit ng mga regalo sa Play Store app. 

Tingnan ang mga naka-save na reward

Upang tingnan at gamitin ang iyong mga naka-save na reward:

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga notification at alok at pagkatapos ay Mga Alok.
  4. Sundin ang mga tagubilin para gamitin ang iyong reward.

Mga isyu kapag nag-redeem ka ng mga reward

Mayroon na ng in-app na item

Hindi ka makakapag-redeem ng mga reward para sa mga in-app na item na mayroon ka na. 

Puwedeng kasama sa mga in-app na item ang mga bagay tulad ng espadang nagbibigay sa iyo ng higit pang kapangyarihan sa isang laro o isang susing nag-a-unlock ng mas maraming feature sa isang app. 

Kung mayroon kang item na kapareho ng iyong reward, gamitin ang dati mo nang item bago mo i-claim ang reward:

Hakbang 1: Gamitin ang iyong dati nang in-app na item

  1. Buksan ang app o laro kung nasaan ang in-app na item.
  2. Gamitin ang item.
  3. Magpatuloy sa Hakbang 2. 

Hakbang 2: Gamitin ang iyong reward

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga notification at alok at pagkatapos ay Mga Alok.
  4. Sundin ang mga tagubilin para gamitin ang iyong reward.
Ni-redeem ko ang gift code ko sa computer ko

Kung ang iyong reward ay isang in-app na item, make-claim mo lang ito kapag na-redeem mo ang iyong gift card gamit ang Play Store app.

Kung ire-redeem mo ang iyong gift card sa play.google.com, maidaragdag ang reward sa iyong account ngunit kakailanganin mo itong i-claim sa app sa iyong device.

Upang makita at magamit ang iyong reward na in-app na item sa app:

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga notification at alok at pagkatapos ay Mga Alok.
  4. Sundin ang mga tagubilin para gamitin ang iyong reward.
Ni-redeem ko ang gift code ko mula sa hindi sinusuportahang device

Hindi ka makakapag-claim ng mga reward kapag nagre-redeem ka sa hindi sinusuportahang device. 

Kung magre-redeem ka ng code mula sa hindi sinusuportahang device, maidaragdag ang balanse ng iyong gift card pero hindi maidaragdag ang reward sa account mo. 

I-redeem ulit ang iyong code mula sa sinusuportahang device para makuha ang reward mo:

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay I-redeem ang gift code.
  4.  Ilagay ang code ng gift card.
    • Kung makakakuha ka ng mensaheng nagsasabing:  "Congrats! Nakakuha ka ng reward. Kunin ito ngayon!" ibig sabihin, idinagdag na ang reward sa iyong account.
  5. Piliin kung kailan mo ike-claim ang iyong reward. 
    • Para i-claim ang iyong reward, i-tap ang Kunin.
    • Para gamitin ang reward sa ibang pagkakataon, i-tap ang Hindi ngayon.
Na-redeem ko ang gift code ko sa device na nasa hindi kwalipikadong carrier

Hindi ka makakapag-claim ng mga reward na hindi available sa mga device na nasa ilang carrier.

Kung magre-redeem ka ng code sa device na gumagamit ng isa sa mga carrier na ito, maidaragdag ang balanse ng iyong gift card pero hindi maidaragdag ang reward sa account mo. 

I-redeem ulit ang iyong code mula sa device na nasa sinusuportahang carrier para makuha ang reward mo:

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay I-redeem ang gift code.
  4.  Ilagay ang code ng gift card.
    • Kung makakakuha ka ng mensaheng nagsasabing:  "Congrats! Nakakuha ka ng reward. Kunin ito ngayon!" ibig sabihin, idinagdag na ang reward sa iyong account.
  5. Piliin kung kailan mo ike-claim ang iyong reward. 
    • Para i-claim ang iyong reward, i-tap ang Kunin.
    • Para gamitin ang reward sa ibang pagkakataon, i-tap ang Hindi ngayon.
Ni-redeem ko ang gift code ko mula sa bansa kung saan hindi available ang reward

Hindi ka makakapag-claim ng mga reward mula sa bansa kung saan hindi available ang mga reward.

Kung magre-redeem ka ng code mula sa mga ganoong bansa, maidaragdag ang balanse ng iyong gift card pero hindi maidaragdag ang reward sa account mo. 

Paki-update ang iyong pinagmulang bansa sa Google Payments at subukang i-redeem ulit ang code mo:

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay I-redeem ang gift code.
  4.  Ilagay ang code ng gift card.
    • Kung makakakuha ka ng mensaheng nagsasabing:  "Congrats! Nakakuha ka ng reward. Kunin ito ngayon!" ibig sabihin, idinagdag na ang reward sa iyong account.
  5. Piliin kung kailan mo ike-claim ang iyong reward. 
    • Para i-claim ang iyong reward, i-tap ang Kunin.
    • Para gamitin ang reward sa ibang pagkakataon, i-tap ang Hindi ngayon.

 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10887756047587622850
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false