Gumamit ng paraan ng pagbabayad ng pamilya sa Google Play

Kapag kabilang ka sa isang grupo ng pamilya, puwede kang bumili sa Google Play gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya o ang isang hiwalay na paraan ng pagbabayad.

Paano gumagana ang paraan ng pagbabayad ng pamilya

  • Kapag gumawa ng isang grupo ng pamilya, puwedeng magdagdag ng paraan ng pagbabayad ng pamilya ang manager ng pamilya.
  • Puwedeng gamitin ng mga miyembro ng pamilya ang paraan ng pagbabayad ng pamilya para sa mga pagbili sa Google Play o in-app na pagbili gamit ang system ng pagsingil ng Google Play.
  • Ang manager ng pamilya ang may responsibilidad sa anumang binibili ng mga miyembro ng pamilya niya gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.
  • Makakatanggap ang manager ng pamilya ng resibo sa email sa tuwing may bibilhin ang isang miyembro ng pamilya gamit ang system ng pagsingil ng Google Play.
  • Puwedeng i-on ng manager ng pamilya ang mga pag-apruba sa pagbili para hilingin sa mga miyembro ng pamilya na hingin ang kanyang pag-apruba para makabili sa ilang partikular na sitwasyon.

    Mahalaga: Inilalapat lang ang mga setting ng pag-apruba sa pagbili sa mga pagbili gamit ang system ng pagsingil ng Google Play.

Bumili gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya

Puwedeng bumili ang mga miyembro ng pamilya gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya, o iba pang paraan ng pagbabayad.

Mga pagbiling puwede mong gamitan ng paraan ng pagbabayad ng pamilya

Puwedeng gamitin ng mga miyembro ng pamilya ang paraan ng pagbabayad ng pamilya para gumawa ng mga in-app na pagbili at para bilhin ang sumusunod na content sa pamamagitan ng system ng pagsingil ng Google Play sa Google Play:

  • Mga App
  • Mga Aklat
  • Mga Pelikula
  • Mga Laro
  • Mga palabas sa TV
  • Mga isyu ng magazine

Tip: Kung kwalipikadong idagdag ang content sa Family Library, makikita mo ang icon ng Family Library Family Library sa page ng mga detalye.

Mga pagbiling hindi mo puwedeng gamitan ng paraan ng pagbabayad ng pamilya

Ang paraan ng pagbabayad ng pamilya ay hindi puwedeng gamitin para sa ilang partikular na uri ng mga pagbili, pati sa:

  • Mga Subscription
  • Mga device mula sa Google Store, tulad ng mga telepono at tablet
  • Balanse sa Google Play
  • Mga pagbili gamit ang Google Pay
  • Alternatibong system ng pagsingil

Mga opsyon sa pagbabayad para sa manager ng pamilya

Kung ikaw ang gumawa ng iyong grupo ng pamilya, gamitin ang mga tagubilin sa ibaba para pamahalaan ang paraan ng pagbabayad ng pamilya mo at subaybayan ang mga pagbili.

Magdagdag ng paraan ng pagbabayad ng pamilya

Mahalaga:

  • Dapat mong idagdag ang paraan ng pagbabayad ng pamilya sa Google account ng manager ng pamilya. Manager ng pamilya lang ang puwedeng magdagdag, mag-ugnay, mag-edit, o mag-delete ng paraan ng pagbabayad ng pamilya.
  • Dapat kang gumamit ng credit o debit card bilang paraan ng pagbabayad ng pamilya. Hindi kwalipikado ang iba pang paraan ng pagbabayad, kabilang ang mga gift card ng Google Play.
  1. Sa iyong Android device, i-set up ang Family Library sa Google Play.
  2. Sundin ang mga tagubilin sa screen para i-set up ang Family Library at paraan ng pagbabayad ng pamilya.
Baguhin ang paraan ng pagbabayad ng iyong pamilya
  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay Mga paraan ng pagbabayad at pagkatapos ay Baguhin ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.
  4. Pumili ng bagong paraan ng pagbabayad.
  5. I-tap ang OK.
Pumili ng mga setting ng pag-apruba sa pagbili para sa bawat miyembro ng pamilya

Piliin ang mga setting ng pag-apruba sa pagbili para sa mga miyembro ng iyong pamilya. Nalalapat lang ang mga setting ng pag-apruba sa pagbili sa mga pagbili gamit ang system ng pagsingil ng Google Play.

Tingnan ang mga binili ng mga miyembro ng pamilya

Puwedeng makakita ang manager ng pamilya ng listahan ng lahat ng pagbiling ginawa gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya sa pamamagitan ng system ng pagsingil ng Google Play.

  1. Buksan ang Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile at pagkatapos ay Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay Badyet at history.
  3. I-tap ang History ng pagbili.
  4. Mag-scroll sa lahat ng nakaraang pagbili. Kung ibang tao sa iyong pamilya ang bumili, makikita mo ang "Binili ni" at ang kanyang pangalan.

Tip: Kung nagpapagamit ka ng credit card sa mga miyembro ng iyong pamilya, puwedeng may access na sila sa credit card na ginagamit mo bilang paraan ng pagbabayad ng pamilya. Makikita mo lang ang mga pagbili gamit ang credit card na ito sa iyong history ng pag-order kung pipiliin ng miyembro ng iyong pamilya ang paraan ng pagbabayad ng pamilya para bumili.

Mahalaga: Makikita lang ng manager ng pamilya ang mga pagbiling ginawa ng isang miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng system ng pagsingil ng Google Play. Ang ibig sabihin nito, hindi makikita ng manager ng pamilya ang mga pagbiling ginawa ng isang miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng alternatibong system ng pagsingil.

Mag-troubleshoot ng mga problema

Hindi lumalabas ang paraan ng pagbabayad ng pamilya

Kung hindi lumalabas ang paraan ng pagbabayad ng pamilya bilang opsyon kapag may binibili ka, ito ay dahil hindi puwedeng gamitin ang paraan ng pagbabayad ng pamilya para sa ganoong uri ng pagbili.

Error na "Invalid ang paraan ng pagbabayad ng iyong pamilya"

Para ayusin ito, ipagawa sa manager ng pamilya ang mga sumusunod:

  1. Buksan ang Google Play app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga pagbabayad at subscription at pagkatapos ay Mga paraan ng pagbabayad at pagkatapos ay Baguhin ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.
  4. Pumili ng bagong paraan ng pagbabayad.
  5. I-tap ang OK.
Kailangan ko ng refund sa paraan ng pagbabayad ng pamilya

Magagawa ng manager ng pamilya o ng miyembro ng pamilya na bumili sa content na humiling ng refund para sa content na binili gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya.

Isinasauli ang mga refund sa paraan ng pagbabayad ng pamilya.

Matuto pa tungkol sa kung paano gumawa ng mga kahilingan at sa mga patakaran sa refund ng Google Play.

Limitahan ang paggamit ng bata sa paraan ng pagbabayad ng pamilya

Kung wala pang 18 taong gulang ang iyong anak at pinapamahalaan ang kanyang account gamit ang Family Link, puwede kang magtakda ng mga pag-apruba sa pagbili para limitahan ang paggamit niya sa paraan ng pagbabayad ng pamilya.

Tip: Magagamit lang ang mga pag-apruba sa pagbili para limitahan ang mga pagbiling ginawa gamit ang paraan ng pagbabayad ng pamilya sa pamamagitan ng system ng pagsingil ng Google Play.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1370384812009217731
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false