Puwede kang maghanap at mag-download ng mga app at digital na content sa Google Play Store .
Ano'ng puwede mong gawin sa Google Play
- Kumuha ng mga laro para sa mga Android device at Chromebook. I-download ang Mobile App ng Google Play Games.
- Magrenta o bumili ng mga pelikula at palabas sa TV. I-download ang Google TV app.
- Magbasa ng mga aklat, balita, at subscription sa publication, o makinig sa mga ito. I-download ang Google Play Books.
Kung plano mong bumili ng mga app o kahit ano mula sa mga app na na-download mo, mag-set up ng paraan ng pagbabayad.
Magtakda ng paraan ng pagbabayad na gagamitin sa lahat ng app
Puwede mong gamitin ang paraan ng pagbabayad na ito para bumili ng mga app, o item sa mga app na na-download mo mula sa Google Play, kasama ang mga app na nabanggit sa itaas. Kapag nagdagdag ka ng paraan ng pagbabayad, awtomatiko kang magkakaroon ng access sa libo-libong aklat, pelikula, palabas sa TV, at laro.
- Sa iyong Android phone, pumunta sa mga paraan ng pagbabayad mo sa Google Play.
- I-tap ang Magdagdag ng paraan ng pagbabayad.
- Piliin ang paraan ng pagbabayad na gusto mong idagdag.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Makakuha ng tulong sa Google Play
Makatanggap ng tulong para sa mga problema sa iyong account
- Pamahalaan ang iyong mga setting ng Google Play
- Pamahalaan ang mga device sa iyong account
- I-clear ang iyong history ng paghahanap
Magtanong sa isang eksperto sa Google Play
Ang forum ay may aktibong komunidad ng mga ekspertong makakatulong sa Google Play. Mag-browse sa mga nakaraang talakayan o i-post ang iyong tanong para makatanggap ng payo. Bisitahin ang Forum ng Tulong ng Google Play.