Paano mag-rate at mag-review ng mga app, laro, at aklat sa Google Play Store

Puwede kang mag-rate at mag-review para sa mga Android app, laro, at iba pang content sa Play Store. Puwede ka ring mag-rate at mag-review ng mga aklat sa Google Play Books app. Kapag nag-review ka ng isang bagay sa Google Play, mali-link ang review sa iyong Google Account at nakapampubliko ito. Kung ayaw mong lumabas sa publiko ang isang review, puwede mo itong i-delete.

Paano mag-rate ng app at mag-iwan ng review

Mahalaga: Makakapag-rate ka lang ng mga app na dati mo nang na-download at na-install. Kapag nag-download ka ng app, mali-link ito sa iyong Google Account. Kung na-download mo ang app pero hindi mo nakikita ang opsyong magsulat ng review, tiyaking naka-sign in ka sa tamang account.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. I-browse o hanapin ang app na gusto mong i-review. 
  3. Hanapin at piliin ang app para buksan ang page ng detalye.
    • Para mag-rate ng app: Sa ilalim ng “I-rate ang app na ito," piliin ang bilang ng mga star.
    • Para mag-iwan ng review: Sa ilalim ng star rating, i-tap ang Magsulat ng review.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen para magsulat ng review at magdagdag ng mga detalye.
  5. I-tap ang I-post

Mag-rate at mag-iwan ng review para sa mga aklat sa Google Play Books app

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app.
  2. Mag-browse o hanapin ang aklat na gusto mong i-review.
  3. Para buksan ang page ng detalye, pindutin nang matagal ang pamagat ng aklat.
  4. Sa ilalim ng “Higit pang Opsyon:”
    • Para i-rate ang aklat: Sa ilalim ng “I-rate ang ebook o audiobook na ito," piliin ang bilang ng mga star.
    • Para mag-iwan ng review:
      1. Sa ilalim ng “Star rating,” i-tap ang Sumulat ng review.
      2. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
      3. I-tap ang I-post.

Paano mag-delete o mag-edit ng review

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Store app Google Play o Google Play Books app.
  2. Pumunta sa page ng detalye ng na-review mong item.
  3. Mag-scroll sa seksyon ng mga review.
    • Para i-edit: I-tap ang I-edit ang iyong review. Gawin ang mga pagbabago at pagkatapos ay i-tap ang I-post.
    • Para i-delete: I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-delete.

Kailan ka puwedeng magsulat ng mga review sa Play Store

  • Puwede mo lang i-review ang mga app at larong na-download mo.
  • Hindi ka makakapag-iwan ng review mula sa isang enterprise account, tulad ng account para sa trabaho o paaralan.
  • Kung ang anumang account sa iyong device ay bahagi ng isang beta program para sa isang app, hindi ka makakapag-iwan ng review para sa app na iyon.
  • Puwede kang umalis sa isang beta program kung gusto mong magsulat ng review.
Android Computer
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
12705212574885274413
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
84680
false
false
false
false