Magdagdag ng mga bookmark, tala, at highlight sa e-book

Gumagamit ang karamihan sa mga aklat sa Google Play Books ng mode na Tuloy-tuloy na text para magkasya sa iyong screen kapag nagbago ka ng mga feature sa page tulad ng laki ng font o spacing ng linya. Puwede kang magtala, magdagdag ng mga bookmark, magsalin, maghanap ng kahulugan, at maghanap ng mga salita.

Alamin kung nasa mode ka na Tuloy-tuloy na text

Kung magha-highlight ka ng salita at may lumabas na listahan ng mga opsyon, nasa Flowing text mode ka.

Magdagdag ng mga bookmark, highlight, at tala

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Magbukas ng aklat.
    • Para magdagdag ng bookmark, mag-tap sa kanang bahagi sa itaas ng page.
      • Para mag-alis ng bookmark, mag-tap ulit sa kanang bahagi sa itaas.
    • Para mag-highlight ng text, pindutin nang matagal ang salita. Para pumili ng higit sa isang salita, gamitin ang mga asul na slider at pagkatapos ay pumili ng kulay ng highlight.
      • Para mag-alis ng higlight, i-tap ang naka-highlight na text at pagkatapos ay Alisin Alisin.
  3. Para magdagdag ng tala, pindutin nang matagal ang salita. Para pumili ng higit sa isang salita, gamitin ang mga asul na sliderat pagkatapos ay I-tap ang Magdagdag ng tala Magdagdag ng tala.
    • Para mag-edit ng tala, i-tap ang naka-highlight na text kung saan ka nagdagdag ng tala.
    • Para mag-delete ng tala, i-tap ang naka-highlight na text, pagkatapos ay i-tap ang I-delete.
    • Para mahanap ang lahat ng iyong tala, i-tap ang gitna ng page. I-tap ang Mga Content Mga Nilalamanat pagkatapos ay Mga Tala.

Magsalin, alamin ang kahulugan, o maghanap ng salita

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Magbukas ng aklat.
  3. Pumindot nang matagal para piliin ang text. Para pumili ng higit sa isang salita, gamitin ang mga asul na slider.
  4. Pumili ng opsyon:
    • Para maghanap ng kahulugan, mag-highlight ng salita. Isang salita lang ang puwedeng piliin.
    • Para magsalin, i-tap ang Isalin Isalin. Piliin kung sa anong wika magmumula at patungo ang pagsasalin.
    • Para hanapin ang seleksyon sa aklat o sa web, i-tap ang HanapinSearch.

I-on ang pagse-save ng tala

Mahahanap mo sa Google Drive ang iyong mga tala, highlight, at bookmark sa Play Books. Nase-save ang iyong mga tala sa isang dokumentong partikular sa aklat na binabasa mo.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile.
  3. I-tap ang Mga Setting ng Play Books at pagkatapos ay I-save ang mga tala, highlight, at bookmark sa Google Drive.
  4. Pangalanan ang folder kung saan mo gustong i-save ang iyong mga tala. Bilang default, "Mga Tala sa Play Books" ang pangalan ng folder.
  5. I-on ang I-save ang mga tala, highlight, at bookmark.
  6. I-tap ang Tapos na.
Para i-rename ang iyong folder, buksan ulit ang Mga Setting sa Google Play Books app at baguhin ito roon.

I-sync ang mga talang idinagdag mo bago mo na-on ang pag-save ng mga tala 

Kung nagdagdag ka ng mga tala bago mo na-on ang pag-sync, kailangan mong:
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Buksan ang aklat.
  3. Magdagdag ng bagong tala, highlight, o bookmark. Gagawa ito ng bagong dokumento na naglalaman ng lahat ng talang mula sa aklat na iyon.

Hanapin ang iyong mga tala, highlight, at bookmark

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Drive Drive.
  2. Tiyaking naka-sign in ka sa account na ginagamit mo rin para sa Google Play Books.
  3. Buksan ang folder na ginawa mo para i-store ang iyong mga tala. Bilang default, “Mga Tala sa Play Books” ang pangalan ng folder.

Bakit hindi ko makita ang naka-highlight na text sa dokumento ng mga tala sa Drive?

May dalawang dahilan kung bakit hindi lumalabas ang naka-highlight na text:

  • Kung walang lumalabas na highlight: Hindi na-enable ng publisher ng aklat na ito ang feature na kopyahin at i-paste.
  • Kung may lumalabas na ilang highlight: Lampas na ang dami ng mga highlight na ginawa mo sa maximum na pagkopya at pag-paste na itinakda ng publisher para sa aklat na ito.

Para tingnan ang text na na-highlight mo, piliin ang numero ng page sa dokumento ng mga tala.

Mag-edit ng dokumento ng mga tala

Kung mag-e-edit ka ng dokumento ng mga tala sa Drive, pagkatapos ay magdaragdag ng mga tala sa aklat ding iyon, made-delete ang iyong mga pagbabago sa dokumento sa Drive. Para mag-edit at mag-save sa naka-sync na dokumento, gumawa ka muna ng kopya ng dokumento.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang dokumento ng mga tala.
  2. I-click ang File at pagkatapos ay Gumawa ng kopya.
  3. Pangalanan ang bago mong dokumento.
  4. Gumawa ng pag-edit sa bagong dokumento.

Tip: Kung magdaragdag ka ng mga tala sa isang aklat, mase-save lang ang mga ito sa orihinal na dokumento ng mga tala. Kung gusto mong isama ang mga ito sa iyong bagong dokumento, kakailanganin mong manual na idagdag ang mga ito sa bagong dokumento.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13644610320691036803
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false