Privacy at iba pang setting ng profile sa Play Games

Puwede mong piliin ang default na account para awtomatikong mag-sign in sa mga laro, gawing pampubliko ang iyong aktibidad ng laro, o baguhin ang iba pang setting.

Paano pinapangasiwaan ng Play Games ang iyong data

Profile sa Play Games

Ipinapakita ng profile mo sa Play Games ang iyong stats sa paglalaro, pag-usad, at mga achievement sa mga laro sa Android sa lahat ng device na gumagamit ng Google Account mo. Ipinapakita ang profile mo sa mismong Google Play para madaling makita kung ano'ng nakamit mo. Puwede ka ring bumuo ng sarili mong komunidad ng gaming at puwede mong iangkop ang iyong profile sa kagustuhan mo.

Para matulungan kang kumonekta sa iba pang player, puwede mong gawing pampubliko ang iyong profile para magawa mong mag-follow sa ibang player at makita ang mga update nila. Alamin kung paano pamahalaan ang visibility at following ng iyong profile.

Paano kinokolekta at ginagamit ng mga laro sa Google Play ang iyong data

Para mapagana ang mga feature ng iyong profile sa Play Games at patuloy na mapaganda ang experience mo sa Play Games, ganito namin pinapangasiwaan ang iyong data ng gaming.

  • Data na kinokolekta at pinoproseso ng Google: Nangongolekta at nagpoproseso ang Play Games ng data na pangunahing nauugnay sa iyong aktibidad ng laro, tulad ng mga larong na-install mo, nilaro sa iyong mga device, at kung gaano mo katagal nilaro ang mga ito, pati na rin ilang nauugnay na data tulad ng performance at impormasyon ng device.
  • Data na puwedeng matanggap ng Google mula sa mga kalahok na developer ng laro: Para sa mga partikular na laro, puwede ring makatanggap ang Google Play ng partikular na impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa laro, tulad ng mga achievement, ranking sa leaderboard, event, at naka-save na pag-usad, mula sa mga kalahok na developer ng laro. Kinokolekta ng mga kalahok na developer ng laro ang impormasyong ito batay sa kanilang mga tuntunin ng serbisyo at patakaran sa privacy.

Mahalaga ang data na kinokolekta ng iyong profile sa Play Games sa pag-enable sa mga feature na nagpapaganda sa experience mo sa gaming sa pamamagitan ng pag-track sa iyong mga istatistika at pag-usad sa iba't ibang laro at device. Gagamitin ang impormasyong ito para:

  • Maibigay ang mga feature at serbisyo ng profile sa Play Games (tulad ng pagsubaybay sa stats at pag-usad sa lahat ng game).
  • Mapaganda ang pangkalahatang experience sa gaming sa Google Play, makapagpahusay at makapag-develop ng mga karagdagang feature at serbisyo, masuri at maunawaan kung paano ginagamit ang mga feature, masubaybayan ang mga outage, at mapigilan ang panloloko at pang-aabuso.

Depende sa iyong Mga kontrol ng aktibidad, may ilang partikular na aktibidad sa gaming (gaya ng kung anong mga laro ang nilaro mo, at iyong mga achievement) na puwede ring i-save sa Google Account mo para makapagbigay ng mga mas naka-personalize na experience. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa Pamahalaan ang iyong Mga kontrol ng aktibidad. Para matuto pa tungkol sa kung bakit pinoproseso ng Google ang impormasyon mo, pumunta sa aming Patakaran sa Privacy.

Anong impormasyon ng gamer profile ang puwedeng matanggap ng mga kalahok na developer ng laro

Puwedeng makatanggap at/o mangolekta ang mga kalahok na developer ng impormasyon tungkol sa iyong profile, aktibidad (sa loob ng partikular na laro nila), at mga pagbiling ginawa sa laro nila. Para alamin pa kung paano ginagamit ng mga developer ng laro ang impormasyong ito, tingnan ang patakaran sa privacy ng developer.

Iyong Kontrol: Pamahalaan ang iyong profile at data

Ikaw pa rin ang may kontrol sa iyong profile sa Play Games at nauugnay na data.

  • I-delete ang iyong profile at data sa Play Games: Kung ayaw mo na ng profile sa Play Games, puwede mo itong i-delete nang tuluyan kasama ang anumang nauugnay na data sa Play Games. Alamin kung paano i-delete ang iyong profile at data sa Play Games.
  • Pagkontrol sa visibility ng iyong profile sa Play Games: May opsyon kang gawing pampubliko ang profile mo, na nagbibigay-daan sa ibang player na i-follow ka at makita ang iyong mga update. Alamin kung paano pamahalaan ang visibility at following ng iyong profile.
  • Pamahalaan ang iyong Mga kontrol ng aktibidad:
    • Batay sa iyong Mga kontrol ng aktibidad, may ilang partikular na aktibidad sa gaming mula sa mga sinusuportahang laro (gaya ng kung anong mga laro ang nilaro mo, at iyong mga achievement) na puwede ring i-save sa Google Account mo para makapagbigay ng mga mas naka-personalize na experience.
    • Para tingnan at i-delete ang aktibidad sa gaming na naka-save sa iyong Google Account, puwede mong gamitin ang Aking Aktibidad.
    • Kapag nag-delete ka ng aktibidad sa gaming sa Aking Aktibidad, posibleng kailangan ng Google na magpanatili ng impormasyon para sa mga partikular na layunin. Kabilang dito ang pagbibigay sa iyo ng profile sa Play Games at mga feature at serbisyo ng platform ng Play Games. Alamin kung paano gumagana ang pag-delete ng aktibidad.

Mahalaga: Kinokolekta ng iyong profile sa Play Games ang iyong aktibidad sa paglalaro. Hiwalay sa data ng “Aktibidad sa Web at App” ang aktibidad na iyon. Kapag na-delete ang iyong profile sa Play Games o partikular na data sa profile mo sa Play Games, hindi made-delete ang data mula sa iyong “Aktibidad sa Web at App.” Ganito rin sa kabaligtaran. Alamin kung paano pamahalaan ang dalawang ito.

Awtomatikong mag-sign in sa mga laro

Puwede kang awtomatikong mag-sign in sa mga sinusuportahang laro para ma-save ang iyong progreso at magkaroon ng mga achievement. Masa-sign in ka sa iyong mga kasalukuyang laro at sa anumang lalaruin mo sa hinaharap. Puwede mong baguhin ang default na account lang para sa mga bagong laro, para sa lahat ng laro, o mag-sign out sa lahat ng laro. Kung babaguhin mo ang default na account:

Para sa mga bagong laro: Hindi ka mawawalan ng access sa pag-usad at mga setting para sa mga nilaro mo. Gayunpaman, posibleng mahati sa pagitan ng mga account ang iyong pag-usad.

Para sa lahat ng laro: Posibleng mawalan ka ng access sa pag-usad at mga setting para sa mga nilaro mo. Para ilapat ang mga pagbabago mo, ire-restart namin ang laro.

Sa isang Android phone o tablet
  1. Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting.
  2. Mag-tap sa iyong account (Mga serbisyo ng Google at preference) o Google, tulad ng naaangkop para sa iyong device.
  3. I-tap ang Lahat ng Serbisyo at pagkatapos Play Games.
  4. I-tap ang Account sa pag-sign in at pagkatapos Palitan.
  5. Palitan ang default na account.
Sa Google Play
  1. Buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng Profile mo.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkataposPangkalahatan at pagkatapos Profile sa Play Games.
  4. I-tap ang Account sa pag-sign in.
  5. Palitan ang default na account.

Mga Tip:

  • Kung gusto mong mag-sign in sa ibang Google Account para sa isang laro, mag-sign out sa larong iyon at mag-sign in ulit.
  • Hindi puwedeng magkaroon ng maraming profile sa Play Games ang isang sinusubaybayang Google Account.
  • Para sa mga sinusubaybayang Google Account, hindi lahat ng laro ay may suporta sa awtomatikong pag-sign in gamit ang profile sa Play Games.
  • Kung magsa-sign out ka sa lahat ng laro, posibleng mawalan ka ng access sa pag-usad at mga setting ng mga nilaro mo. Para ilapat ang mga pagbabago mo, ire-restart namin ang laro.

Baguhin kung kailan maa-access ng mga laro ang listahan ng iyong komunidad ng gaming

  1. Buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng Profile mo.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkataposPangkalahatan at pagkatapos Profile sa Play Games.
    • Sa "Visibility ng Listahan ng Komunidad ng Gaming," piliin kung puwedeng awtomatikong ma-access ng mga larong nilalaro mo ang listahan ng iyong komunidad ng gaming (mga follower mo na fina-follow mo rin).

Sa mga setting ng device

  1. Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang iyong account (Mga serbisyo ng Google at preference).
  3. Sa itaas, i-tap ang Lahat ng serbisyo.
  4. Piliin ang Play Games at pagkatapos Privacy at Mga Setting.
  5. Sa "Visibility ng Listahan ng Komunidad ng Gaming," piliin kung puwedeng awtomatikong ma-access ng mga larong nilalaro mo ang listahan ng iyong komunidad ng gaming (mga follower mo na fina-follow mo rin).

Puwede mong itakda ang visibility para sa lahat ng laro, o i-adjust ito para sa bawat indibidwal na laro.

Tip: Walang access sa feature na mga follower sa Play Games ang Mga Profile sa Play Games para sa mga sinusubaybayang Google Account. Hindi puwedeng baguhin ang setting na ito.

Paano maa-access at magagamit ng mga laro ang listahan ng iyong komunidad ng gaming

Kapag nagbigay ka ng access sa laro sa listahan ng iyong komunidad ng gaming (mga follower mo na fina-follow mo rin), nagse-share ka ng listahan ng kanilang mga gamer name sa laro. Hindi kasama sa listahang ito ang mga email address ng mga follower mo. Puwedeng gamitin ng mga laro ang impormasyong ito para magbigay-daan sa iyo na madaling makita at makalaro ang iyong komunidad ng gaming, nang napapailalim sa kanilang mga patakaran sa privacy, na puwede mong makita sa mga laro at sa mga page ng Play Store para sa mga laro.

Bukod pa rito, para sa paggamit ng listahan ng komunidad ng gaming ng bawat laro, inaatasan ng Google Play Games ang developer ng bawat laro na sumang-ayong:

  • Gamitin lang ang listahan ng komunidad ng gaming na ito para sa layunin ng pagpapakita sa iyo ng listahan ng komunidad ng gaming sa loob ng laro o pag-enable sa mga kaugnay na functionality para sa komunidad ng gaming na nakikita ng end user, at hindi para sa anupamang layunin, tulad ng pag-advertise
  • Hindi iso-store o papanatilihin ang listahan ng komunidad ng gaming na ito nang higit sa 30 araw. Pagkalipas ng 30 araw, inaatasan ang laro na i-delete o i-refresh ang listahan ng komunidad ng gaming
  • Huwag gawing available ang listahan ng komunidad ng gaming na ito sa mga third party, maliban na lang kung kinakailangan para makasunod sa naaangkop na batas

Baguhin ang mga setting ng notification para sa iyong mga laro

Puwede mong pamahalaan ang mga notification ng laro sa pamamagitan ng pangunahing app na Mga Setting ng device, direkta mula sa notification sa pamamagitan ng matagal na pagpindot dito, o sa sariling menu ng mga setting ng laro.

Dahil puwedeng mag-iba-iba ang mga hakbang depende sa device at bersyon ng Android, pumunta sa Kontrolin ang mga notification sa Android.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
2164871158141395038
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
84680
false
false
false
false