Para makapagsimula, gumawa ng nakalaang profile sa paglalaro na naka-link sa iyong Google Account na may gamer name at avatar. Kapag nag-sign in ka sa mga sinusuportahang laro, magagawa mong:
- Maglaro sa iba't ibang Android phone, tablet, o computer.
- Sumali sa mga leaderboard.
- Makakuha ng mga achievement.
- Awtomatikong i-save ang iyong laro.
Pamahalaan ang iyong profile sa pamamagitan ng mga setting ng Android
Para makita ang iyong profile:
- Sa iyong Android phone, i-tap ang Mga Setting Google.
- Piliin ang tab na Lahat ng serbisyo.
- I-tap ang Mga setting para sa mga Google app Play Games.
Pamahalaan ang pag-usad na naka-link sa iyong Google Account
Mahalaga: Sa mga manlalarong wala pang Games Profile lang ito naaangkop. Kung mayroon ka nang Games Profile, sumangguni sa Privacy at iba pang setting ng profile sa Play Games.
Sa setting na ito, makikita mo ang iyong pag-usad sa laro na naka-link sa Google Account mo. Pagkatapos mong gawin ang iyong profile sa Play Games, mali-link ang pag-usad mo na naka-link sa iyong Google Account sa profile mo sa Play Games. Dahil dito, magiging mas madali para sa iyo na maglaro sa iba't ibang device.
- Sa iyong Android phone, i-tap ang Mga Setting Google.
- Piliin ang tab na Lahat ng serbisyo.
- I-tap ang Mga setting para sa mga Google app Play Games Pamahalaan ang pag-usad na naka-link sa iyong Google Account.
- Gumawa ng mga adjustment sa mga link ng pag-usad.
- Para i-save ang mga pagbabago, i-tap ang I-save.