Makinig ng mga aklat na binabasa nang malakas sa Google Play Books

Pakinggang binabasa nang malakas ang text sa mga ebook gamit ang Basahin nang Malakas, VoiceOver, o text-to-speech.

Available ang Basahin nang Malakas sa Play Books mobile app.

I-on ang Basahin nang Malakas para sa mga ebook

Mahalaga: Para gamitin ang Basahin nang Malakas, tingnan ang ebook sa flowing text mode. Matuto tungkol sa mga opsyon sa pagtingin sa Play Books.

  1. Buksan ang Play Books app Play Books.
  2. Magbukas ng aklat.
  3. Para pumasok sa skim mode, i-tap ang page.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu.
  5. I-tap ang Basahin nang malakas.

Awtomatikong i-on ang Basahin nang Malakas

  1. Buksan ang Play Books app Play Books.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile.
  3. I-tap ang Mga Setting ng Play Books at pagkatapos ay Awtomatikong basahin nang malakas.
  4. Kapag nagbukas ka ng libro, mao-on ang Basahin nang Malakas.

Tip: Hindi lahat ng aklat ay may ganitong opsyon. Pipiliin ng mga publisher kung available ang Basahin nang Malakas para sa kanilang mga aklat.

Gumamit ng mas natural na boses ng pagbabasa

Mahalaga: Magagamit mo lang ang mode na ito kapag nakakonekta ang device mo sa internet. Para gamitin ang Basahin nang Malakas habang offline ang device, i-off ang natural na boses ng pagbabasa.

  1. Buksan ang Play Books app Play Books.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile.
  3. I-tap ang Mga Setting ng Play Books.
  4. I-on ang Mas natural na boses ng pagbabasa.

Palitan ang default na boses at wika

 
  1. Buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Accessibility.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Text-to-speech output.
    1. Sa tabi ng “Gustong engine,” i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
    2. I-tap ang I-install ang data ng boses.
    3. Piliin ang wikang gusto mong gamitin.
  4. Bumalik sa menu ng Text-to-speech output, para pumili ng iyong huling wika. 
    1. I-tap ang Wika.
    2. Pumili ng wika.

Baguhin ang bilis ng pagsasalita

 
  1. Buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Accessibility.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Text-to-speech output.
  4. Sa ilalim ng “Bilis ng pagsasalita,” itakda ang gusto mong bilis.

Mga Tip:

  • Kung mayroon kang text-to-speech app, puwede mo itong itakda bilang default. 
  • Ginagamit ng Play Books app ang iyong default na text-to-speech app.

I-on ang text-to-speech gamit ang TalkBack

 
  1. Buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Accessibility at pagkatapos ay TalkBack.
  3. I-on ang TalkBack
  4. Mag-scroll at i-tap ang Mga Setting.
  5. Mag-scroll at i-off ang Explore by touch.

Mga Tip:

  • Sa Play Books app, maririnig mo muna ang mga pamagat ng libro, at pagkatapos, ang mga opsyon sa menu. 
  • Para marinig muna ang mga opsyon sa menu, mag-swipe pakaliwa.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6503032556952991482
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false