Paano i-update ang Play Store at mga app sa Android

Puwede mong i-update ang iyong mga Android app at ang Play Store app nang paisa-isa, sabay-sabay lahat, o awtomatiko. Kapag na-update ang iyong mga app sa pinakabagong bersyon, magkakaroon ka ng access sa mga pinakabagong feature at huhusay ang seguridad at stability ng app.

Mahalaga:

  • Kung mapagpasyahan ng Google na maaayos ng isang update sa app ang isang kritikal na kahinaan sa seguridad, puwede kaming gumawa ng ilang partikular na update sa app. Puwedeng magkaroon ng mga update na ito anupaman ang mga setting ng pag-update sa app o sa iyong device. Para sa higit pang impormasyon, basahin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Play.
  • Kung gumagamit ka ng Google Play sa Chromebook, alamin ang tungkol sa mga update sa app dito.

Paano mag-update ng Android app

  1. Buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang mga app at device at pagkatapos ay Pamahalaan.
  4. I-tap ang app na gusto mong i-update.
    • Tip: May label na "May available na update" ang mga app na may available na update.
  5. I-tap ang I-update.

Paano i-update ang Google Play Store

  1. Buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Tungkol Dito at pagkatapos ay Bersyon ng Play Store.
  4. Makakatanggap ka ng mensaheng magsasabi sa iyo kung up to date ang Play Store. I-tap ang OK.
    • Kung may update, awtomatiko itong ida-download at ii-install sa loob ng ilang minuto.

Paano awtomatikong i-update ang lahat ng Android app

  1. Buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Mga Kagustuhan sa Network at pagkatapos ay Awtomatikong i-update ang mga app.
  4. Pumili ng opsyon:
    • Sa pamamagitan ng anumang network para i-update ang mga app sa pamamagitan ng Wi-Fi o mobile data.
    • Sa pamamagitan lang ng Wi-Fi para i-update lang ang mga app kapag nakakonekta sa Wi-Fi.

Tandaan: Kung nagkaka-error sa pag-sign in ang isang account sa iyong device, baka hindi awtomatikong ma-update ang mga app.

I-update ang mga app gamit ang limitadong dami ng mobile data

Mahalaga: Available sa limitadong grupo ang opsyong ito.
  1. Buksan ang Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Mga kagustuhan sa network at pagkatapos ay Awtomatikong i-update ang mga app.
  4. I-tap ang Mag-update gamit ang limitadong dami ng mobile data.
Paano ito gumagana
Puwedeng gumamit ang Google Play ng limitadong bahagi ng iyong buwanang mobile data para awtomatikong i-update ang iyong mga app. Isinasapriyoridad ng Google Play ang mga update sa app gamit ang ilang salik, tulad ng mga app na may mga bagong feature o mga app na sa tingin namin ay pinakamalamang na gagamitin mo. Palaging sinusubukan ng Google Play na mag-update ng mga app gamit ang Wi-Fi muna.
Gaano karaming mobile data ang ginagamit ng setting na ito
Kapag naka-on ang setting na ito, pumipili ang Google Play ng badyet batay sa ilang salik. Halimbawa:
  • Kung manual kang nag-update ng mga app gamit ang mobile data sa loob ng nakalipas na 30 araw, ginagamit ng Google Play ang kabuuang dami ng mobile data na iyon bilang badyet.
  • Kung hindi ka nag-a-update ng mga app gamit ang mobile data, ginagamit ng Google Play ang average na dami ng mobile data na ginagamit ng karamihan ng mga tao sa iyong bansa/rehiyon na nagbibigay-daan pa rin sa iyong awtomatikong i-update ang mga app na pinakamadalas mong ginagamit.

Ginagamit ang lahat ng impormasyon alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Google.

Kung iki-clear mo ang data ng Play Store, mare-reset ang iyong mga setting at dating badyet.

Paano awtomatikong mag-update ng mga Android app nang paisa-isa

  1. Buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang mga app at device.
  4. I-tap ang Pamahalaan, pagkatapos ay hanapin ang app na gusto mong awtomatikong i-update.
  5. Para buksan ang page na "Mga Detalye" ng app, i-tap ang app.
  6. Sa page na "Mga Detalye" ng app, i-tap ang Higit pa Higit pa.
  7. I-on ang I-enable ang awtomatikong pag-update.

Kapag available ang mga update, awtomatikong maa-update ang app. Para i-off ang mga awtomatikong pag-update, i-off ang I-enable ang awtomatikong pag-update.

Mga Tip:

  • Kapag na-update ang ilang app, kailangan ng mga ito ng mga bagong pahintulot. Puwede kang makakuha ng notification na nagtatanong kung tinatanggap mo ang mga bagong pahintulot.
  • Para mag-update ng app, posibleng kailanganin mong i-restart ang iyong device.
  • Para maghanap ng partikular na app, i-tap ang Pamahalaan ang mga app at device at pagkatapos ay Pamahalaan.
  • Kung may available na update ang app, lalabas ang button na "I-update" sa page na "Mga Detalye" ng app.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3938280503927431522
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false