Mag-install at mag-enable ulit ng mga app

Magagamit mo ang mga app na binili mo sa Google Play sa anumang Android device nang hindi kinakailangang magbayad ulit. Naka-sign in dapat sa parehong Google Account ang lahat ng device. Alamin kung paano mag-sync ng mga app sa maraming device.

Kung io-off mo ang isang app na kasama sa iyong device, puwede mo itong i-on ulit. Alamin kung paano mamahala ng mga hindi ginagamit na app sa Android.

Puwede ka ring mag-install ulit ng app na binili mo dati pero na-delete mo.

Mag-install ulit ng mga app o i-on ulit ang mga app

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Store Google Play.
  2. Sa kanan, i-tap ang icon ng profile.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang mga app at device at pagkatapos ay Pamahalaan.
  4. Piliin ang mga app na gusto mong i-install o i-on.
    • Kung hindi mo makita ang app, sa itaas, i-tap ang Ang device na ito at pagkatapos ay Hindi naka-install.
  5. I-tap ang I-install o I-enable.

Mga hakbang sa pag-troubleshoot

Kung hindi ka maka-install ulit ng mga app, subukan ang mga hakbang sa ibaba.

Mag-uninstall at mag-install ulit ng mga update sa Google Play Store

Para mag-uninstall ng mga update sa Play Store:

  1. Sa home o app screen ng iyong device, hanapin ang Google Play Store app.
  2. Pindutin nang matagal ang Google Play Store app Google Play.
  3. I-tap ang Impormasyon ng app.
  4. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-uninstall ang mga update.
  5. Suriin ang impormasyon at i-tap ang OK.

Para i-install ulit ang mga update sa Play Store app:

  1. Buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang larawan sa profile.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Tungkol sa.
  4. Sa ilalim ng “Bersyon ng Play Store,” i-tap ang I-update ang Play Store.

I-clear ang cache at data ng Google Play Store

Mahalaga:

  • Ang pag-clear ng cache sa Google Play Store ang pinakakaraniwang solusyon sa mga isyu kapag nagda-download ka ng mga app mula sa Google Play Store.
  • Kapag na-clear mo ang cache at data, posibleng ma-delete nito ang ilang setting sa Google Play Store app tulad ng parental controls at proteksyon ng password. Hihilingin nito sa iyo na sumang-ayon ulit sa Mga Tuntunin ng Serbisyo sa susunod na bubuksan mo ang Google Play Store.

  1. Hanapin ang Google Play Store app sa home o app screen ng iyong device.
  2. Pindutin nang matagal ang Google Play Store app.
  3. I-tap ang Impormasyon ng App Impormasyon.
  4. I-tap ang Storage at cache at pagkatapos ay I-clear ang Cache.
  5. I-tap ang I-clear ang storage at pagkatapos ay I-delete.

I-enable ulit ang proteksyon ng password at parental controls.

Maghanap ng mga dating binili o na-download na app

Kung hindi mo makita ang isang app o kung hihilingin sa iyong bilhin ito ulit, tiyaking ginagamit mo ang mismong Google account na ginamit mo sa pagbili nito.

Android Computer
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12730908252210754739
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false