Mga pagtatanggal at pagtigil sa pagbebenta

Maaaring itigil ng isang publisher ang pagbenta sa ebook o audiobook ("Aklat") para sa kanyang mga sariling komersyal na dahilan, o maaaring itigil ng Google ang pagbenta sa partikular na Aklat, halimbawa kung nilalabag nito ang aming Mga Patakaran sa Content. Sa mga naturang sitwasyon, hindi mo na mabibili ang Aklat sa Google Play. Gayunpaman, kung nabili mo na ang Aklat, magagawa mo pa ring i-access ito sa iyong library, basahin sa web reader at sa lahat ng sinusuportahang device, at i-download ang Aklat. Hindi maaapektuhan ang paggamit mo ng Aklat.

Sa ilang partikular na sitwasyon, maaaring kailanganing alisin ng Google mula sa iyong library ang partikular na Aklat na binili mo. Maaari itong mangyari kung may taong nagpakilala bilang rightsholder sa pag-aalok sa Aklat upang ibenta, ngunit may isa pang taong dumating at naghabol sa pagmamay-ari niya ng mga karapatan at nagpadala sa amin ng legal na petisyon para sa pag-aalis. Sa mga ganitong sitwasyon, sinusubukan naming hikayatin ang hindi magkasundong partido na pahintulutan ang pananatili ng Aklat sa iyong library, ngunit kung hindi sila papayag ay obligado kaming alisin ito nang walang paunang abiso. Hindi mo na makikita ang Aklat sa library mo, at hindi mo na magagawang i-download muli ang aklat o basahin ito sa web reader. Makikipag-ugnayan kami sa iyo upang ipaalam ang pag-aalis, ire-refund namin ang binili mo, at susubukan ka naming hanapan ng kapalit na kopya ng Aklat, sa digital na anyo man mula sa isa pang provider o sa bago o ginagamit na aktwal na format. Susubukan namin ang aming makakaya hangga't maaari, upang tiyaking maa-access mo pa rin ang anumang komento ng reviewer o iba pang content tungkol sa Aklat na inilagay mo sa Google Books.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10793901846327349570
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false