Gumamit ng screen reader sa Google Play

Puwede kang magbasa ng mga aklat, magazine, at artikulo ng balita o makinig ng musika sa Google Play gamit ang screen reader.

Puwede kang magbasa ng mga artikulo ng balita o manood ng mga pelikula gamit ang screen reader ng VoiceOver.

Kung hindi mo pa na-on ang VoiceOver, bisitahin ang site ng tulong ng Apple para sa mga tagubilin.

Maghanap at makinig ng mga balita at pelikula

Maghanap at mag-play ng mga pelikula

Mag-navigate sa mga pelikula

  1. Kung hindi mo pa ito nagagawa, i-on ang VoiceOver.
  2. Buksan ang Play Movies Play Movies.
  3. Mapupunta ka sa Home screen.
  4. Mag-swipe o pumindot para i-explore ang screen. Habang nagsa-swipe ka, magna-navigate ka sa listahan ng mga pelikula/button. Kapag nag-double tap ka sa mga button, bubukas ang page ng mga detalye ng mga ito, at kapag nag-swipe ka pataas o pababa, bubukas ang mga custom na pagkilos ng mga ito.

Mag-play ng pelikula

  1. Kung hindi mo pa ito nagagawa, i-on ang VoiceOver.
  2. Buksan ang Play Movies Play Movies.
  3. Pakitandaan, maaari kang mag-play ng pelikulang binili mo, at mag-play ng trailer ng pelikulang inirerekomenda para sa iyo.
    • Para mag-play ng pelikula, mag-double tap sa button ng pelikula para mapunta sa page ng mga detalye at mag-swipe o hanapin ang button na I-play. I-double tap ito at awtomatikong magsisimulang mag-play ang pelikula.
    • Para mag-play ng trailer ng pelikula, mag-swipe o hanapin ang button ng pelikula at mag-swipe pataas o pababa para sa mga custom na pagkilos. Mag-double tap sa “I-play ang Trailer” at awtomatiko itong magsisimulang mag-play.

Magbasa ng balita

Mag-navigate sa mga artikulo ng balita

  1. Kung hindi mo pa ito nagagawa, i-on ang VoiceOver.
  2. Buksan ang Newsstand Play Newsstand.
  3. Mapupunta ka sa Home screen. Sa pamamagitan ng mga tab sa ibaba, makakapag-navigate ka sa iba't ibang bahagi ng app, gaya ng "Para sa Iyo," "Library," "Explore," at "Basahin sa Ibang Pagkakataon."
    • Menu: Nasa kaliwang bahagi sa itaas.
    • Para sa Iyo: Nasa kaliwang bahagi sa ibaba. May mga iminumungkahing artikulo ng balita sa tab na ito.
    • Library: Nasa ibaba. Nasa tab na ito ang iyong mga pinagkukunan at paksa kung saan ka interesado.
    • Explore: Nasa ibaba. Nasa tab na ito ang isang listahan ng mga paksang maaari mong idagdag sa iyong Library.
    • Basahin sa Ibang Pagkakataon: Nasa kanang bahagi sa ibaba. Nasa tab na ito ang mga artikulong na-save mo para basahin sa ibang pagkakataon.

Magbasa ng artikulo

  1. Kung hindi mo pa ito nagagawa, i-on ang VoiceOver.
  2. Buksan ang Newsstand Play Newsstand.
  3. Mag-swipe o mag-explore sa pamamagitan ng pagpindot para maghanap ng artikulo, pagkatapos ay i-double tap ito para magsimulang magbasa.
  4. Opsyonal: Para i-save ang artikulo para sa ibang pagkakataon, pumunta sa kanang bahagi sa itaas at piliin ang Basahin sa ibang pagkakataon Magdagdag ng bookmark.

Tip: Hindi mo kailangang buksan ang artikulo para ma-save ito para sa ibang pagkakataon. Kung gusto mo ang ulo ng balita, mag-swipe pataas o pababa, pagkatapos ay piliin ang custom na pagkilos na "Idagdag sa Basahin sa ibang pagkakataon."

Mga Tip

  • Pagkatapos awtomatikong magsimulang mag-play ang iyong pelikula o trailer ng pelikula, mag-swipe para hanapin ang mga kontrol ng player (gaya ng I-play at I-pause) at slider na nagsasaad sa haba ng pelikula o trailer.
  • Bubukas ang pelikula o trailer ng pelikula sa landscape mode. Tandaan ito kapag nagsa-swipe pakaliwa o pakanan para maabot ang mga kontrol.

 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15999844459717406485
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false