Gumamit ng mga tool para gawing mas madaling basahin ang mga librong pambata

Puwede mong padaliin ang pagbabasa ng mga librong pambata sa Play Books sa pamamagitan ng hanay ng mga tool para matulungan ang mga nagsisimula pa lang na magbasa.

May mga tool para sa mga baguhan na available para sa mga librong ginawa para sa mga batang 0–8 taong gulang sa mga Android at iOS device. Available lang ang ilang feature, gaya ng “magbasa at makinig,” para sa mga librong may audio na nagsasalaysay.

Gumamit ng mga tool sa pagbabasa

Makinig ng malakas na pagbigkas sa isang salita

Para marinig kung paano bigkasin ang isang salita sa libro, i-tap ang salita. Babasahin nang malakas ng iyong device ang salita.

Hanapin ang kahulugan ng isang salita

Para malaman ang kahulugan ng isang salita sa libro:

  1. Mag-tap ng salita.
  2. Piliin ang Hanapin sa diksyunaryo Lookup.
    • Kung hindi ito lalabas: hindi available ang kahulugan ng salita.

Tip: Para marinig nang malakas ang kahulugan, i-tap ang Makinig Play sa card ng kahulugan.

Makinig ng malakas na pagbasa ng libro

Mahalaga: Sa mga librong pambata na may audio na nagsasalaysay lang available ang Magbasa at makinig. Sa page ng listing ng libro, kung available ang tool na ito, makikita mo ang Magbasa at makinig .

Para marinig ang malakas na pagbasa sa libro:

  1. Mag-tap kahit saan sa page ng libro.
  2. I-tap ang Makinig Play.
    • Kung hindi mo ma-tap ang icon: Hindi available ang Magbasa at makinig para sa libro.

Para ilipat ang page kapag nag-pause ang narration sa dulo ng isang page, manual na ilipat ang page, o itakda ang Play Books na awtomatikong ilipat ang page.

  1. Buksan ang Play Books app Play Books.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile.
  3. I-tap ang Mga Setting ng Play Books.
  4. I-on ang Awtomatikong lumipat ng page.

Magsanay sa pagbabasa

Mahalaga: Sa mga English na librong pambata na may audio na nagsasalaysay lang available ang tool na Pagsasanay sa pagbabasa. Sa page ng listing ng libro, kung available ang tool na ito, makikita mo ang Magsanay .

Para magsanay sa pagbabasa nang malakas, i-tap ang Magsanay . Sasabayan ka ng iyong device sa pagbigkas mo sa bawat sa salita, at iha-highlight nito nang dilaw kung nasaan ka na. Para magtakda ng bagong puwesto sa pagbabasa, mag-tap sa isang salita.

  • Sa dulo ng page, may matatanggap kang gabay para sa anumang salitang mali ang pagkakabasa mo. Para laktawan ang gabay, i-tap ang Laktawan .
  • Para makakuha ng tulong sa isang salita, mag-tap dito para basahin ito para sa iyo.
  • Para makatanggap ng higit pang tulong sa isang salita: i-tap ang Tulong :
  • Para marinig ang mga bahagi ng isang salita ayon sa mga tunog nito: I-tap ang Bigkasing maigi .
  • Para marinig na gamitin sa pangungusap ang isang salita: I-tap ang Pakinggan ang pangungusap .
  • Para mabasa at marinig ang kahulugan ng isang available na salita: I-tap ang Bigyan ng kahulugan .
Tip: Kailangan ng pahintulot sa mikropono ng tool sa Pagsasanay sa pagbabasa. Ipo-prompt kang payagan ang pahintulot sa mikropono sa unang pagkakataong ita-tap mo ang Magsanay . Kung tatanggihan mo ang pahintulot at gusto mo itong payagan sa hinaharap, puwede mong baguhin ang mga pahintulot sa app sa app na Mga Setting.

Mag-bookmark ng mga page sa libro

Para mag-bookmark ng page:

  1. Pumunta sa page.
  2. Mag-tap kahit saan sa page.
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-bookmark.

Para pumunta sa naka-bookmark na page:

  1. Sa libro, mag-tap kahit saan sa page.
  2. I-tap ang Laktawan para sa Skim view.
  3. Sa ibaba, mag-scroll para hanapin ang naka-bookmark na page.
  4. I-tap ang naka-bookmark na page.

Ayusin ang mga isyu sa mga tool sa pagbabasa

Kung nagkakaproblema ka sa mga tool para sa mga baguhan, sundin ang mga hakbang na nasa ibaba.

Alamin kung naka-on ang mga tool

  1. Buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile.
  3. I-tap ang Mga Setting ng Play Books.
  4. Tiyaking naka-on ang Mga tool para sa mga baguhan.

Tip: Kapag nag-sign in ka sa Play Books gamit ang account ng bata, naka-on bilang default ang mga tool.

Tingnan kung nagbabasa ka ng librong pambata

Para alamin ang sakop na edad ng libro:

  1. Buksan ang Play Books app Play Books.
  2. Mag-browse o maghanap ng libro.
  3. I-tap ang libro.
  4. Tingnan ang page ng mga detalye ng libro.
    • Kung 0–5 o 6–8 ang sakop na edad: Available ang mga tool para sa mga baguhan. 
    • Kung 8+ ang sakop na edad: Hindi available ang mga tool para sa mga baguhan.

Magpadala ng feedback

Kung nagkakaproblema ka pa rin sa mga tool, puwede kang magpadala ng feedback tungkol sa iyong karanasan. Hindi ka makakatanggap ng tugon, pero makakatulong sa amin ang iyong feedback na pahusayin ang mga tool sa pagbabasa.

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Google Play Books app Play Books.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong larawan sa profile.
  3. I-tap ang Tulong at feedback at pagkatapos ay Magpadala ng feedback.
  4. Ilarawan ang iyong isyu.
  5. I-tap ang Ipadala Ipadala.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11135487530203076521
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false