Pag-optimize ng pag-install ng app sa Google Play

Makakatulong ang pag-optimize ng pag-install ng app para mapaganda ang karanasan ng pag-install ng app para sa lahat ng gumagamit ng Android device.

Paano ito gumagana

Kapag na-on mo ang pag-optimize ng pag-install ng app, matutukoy ng Google kung aling mga bahagi ng isang app ang gagamitin mo sa unang pagkakataong bubuksan mo ito pagka-install. Kapag may sapat na bilang ng taong gumagawa nito, mao-optimize ng Google ang app para ma-install, mabuksan, at mapagana ito nang mas mabilis para sa lahat.

Ang impormasyong kinokolekta ng Google

Kung naka-on ang pag-optimize ng pag-install ng app, ipapaalam ng iyong device sa Google kung aling mga bahagi ng app ang na-access mo at ang pagkakasunod-sunod ng pag-access sa mga ito sa unang pagkakataong bubuksan mo ang app pagka-install. Sinasama ang impormasyong ito sa data mula sa iba pang taong gumagamit ng app para makahanap ng mga trend at matukoy kung aling mga bahagi ng app ang pinakamahalaga para sa lahat.

Hindi kumokolekta ang feature na ito ng anumang personal na impormasyon, gaya ng iyong pangalan o email address, at hindi nito tinitingnan ang anuman sa labas ng app, gaya ng iba pang app o content sa iyong device. Hindi rin ito kumokolekta ng impormasyon tungkol sa content na na-upload o na-download sa app, gaya ng mga larawan sa isang social feed, o mga ranking sa isang leaderboard.

Paano ginagagamit ng Google ang impormasyong ito

Ang lahat ng impormasyon ay ginagamit alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Google.

Magagamit ng Google ang data na ito para:

  • Pabilisin ang pag-install para sa mga app mula sa Google Play
  • Bawasan ang tagal ng oras na inaabot para magbukas at magpagana ng mga app
  • Bawasan ang negatibong epekto sa CPU, baterya, at storage ng device

I-on o i-off ang pag-optimize ng pag-install ng app

Mahalaga: Kung io-off mo ang pag-optimize ng pag-install ng app, makikinabang pa rin ang iyong mga app sa data na nakuha mula sa ibang tao.

  1. Buksan ang Play Store app Google Play.
  2. I-tap ang Menu Menu at buksan ang Mga Setting.
  3. I-on o i-off ang Pag-optimize ng pag-install ng app.
false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15844197105023988941
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false