Patakaran sa mga reklamo sa Google Payments

Nakatuon kami sa pagbibigay sa iyo ng de-kalidad na serbisyo. Kung hindi ka nasisiyahan sa serbisyong natanggap mo, gusto naming malaman ang iyong opinyon.

Patakaran sa mga reklamo para sa US at Singapore

Bago ka maghain ng reklamo, makipag-ugnayan sa amin para sa tulong.

Nagsisikap ang Google Payments na makapagbigay ng magandang karanasan para sa lahat. Kung hindi ka nasisiyahan sa serbisyong natanggap mo mula sa Google Payments, o kung may reklamo ka laban sa Google Payments, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming online na form.
Brazil
Puwedeng magsumite ng reklamo ang mga user sa Brazil sa pamamagitan ng channel ng Ombudsman ng Google Pay.
United Kingdom

Mahalaga: Hindi nalalapat ang patakarang ito sa pagkadismaya sa produkto, mga patakaran, o antas ng customer service ng isang nagbebenta. Para malaman kung paano kami makakatulong, makipag-ugnayan sa amin.

Nalalapat ang patakarang ito sa ilang partikular na reklamo tungkol sa mga awtorisadong serbisyo sa pagbabayad, na ibinibigay ng Google Payment Ltd (GPL) sa ilalim ng lisensya nito bilang Electronic Money Institution.

Sa patakarang ito:

  • Napapadali ang paghahain mo ng reklamo
  • Natutugunan ang iyong reklamo sa pinakamabilis na paraan
  • Natitiyak na nasisiyahan ka sa naging pangangasiwa sa reklamo mo

Maghain ng reklamo

Kung sinubukan mo nang makipag-ugnayan sa amin, para maghain ng opisyal na reklamo tungkol sa serbisyo sa pagbabayad ng GPL, kumpletuhin ang aming online form.

Puwede ka ring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng koreo sa:

  • Google Payment Limited
  • 5 New Street Square
  • London
  • EC4A 3TW

Ang dapat isama sa iyong reklamo

Para matulungan kaming suriin at lutasin ang iyong reklamo nang mabilis hangga't maaari, tiyaking isama ang sumusunod:

  • Ang iyong pangalan
  • Ang email address na ginagamit mo para mag-sign in sa Google Payments
  • Ang iyong numero ng telepono, kasama ang dialing code
  • Isang malinaw na paglalarawan ng iyong reklamo
  • Ang iyong status bilang:
    • Pribadong consumer
    • Kinatawan ng negosyong wala pang 10 empleyado, at may taunang turnover o balance sheet na katumbas ng o hindi hihigit sa £2 milyon
    • Kinatawan ng charity na may taunang kitang wala pang £6.5 milyon
    • Trustee ng trust na may net na asset na wala pang £5 milyon ang halaga
    • Wala sa mga nabanggit
  • Ang email address kung saan mo gustong makatanggap ng mga mensahe (opsyonal)

Tagal ng pagsagot

Mahalaga: Posibleng mas matagalan ang pagresolba sa mga kumplikadong sitwasyon. Sa ilang partikular na sitwasyon, puwedeng abutin nang hanggang 35 business days mula sa petsa kung kailan namin natanggap ang iyong reklamo bago ito maresolba. Kung gayon, makakatanggap ka ng update sa status sa loob ng 15 business days mula nang isinumite mo ang iyong reklamo.

Susubukan naming kumpirmahing natanggap namin ang iyong reklamo sa loob ng isang business day, at ibigay ang aming sagot sa reklamo mo sa loob ng 3 araw, at nang hindi lalampas sa 15 business days.

Sa aming sagot, sasabihin namin kung paano tinugunan ang iyong reklamo, o kung bakit hindi pa ito matutugunan, at kung ano ang mga susunod na dapat gawin.

Mag-escalate ng mga reklamo

Layunin naming lutasin ang iyong reklamo sa mabilis at ganap na paraan. Kung hindi ka masisiyahan sa aming sagot sa anumang dahilan, puwedeng suriin ang iyong kaso sa mas mataas na antas. Para idulog ang reklamo, hilingin sa espesyalista ng Google Payments na humahawak sa reklamo mo na gawin ito para sa iyo.

Financial Ombudsman Service

Ang Financial Ombudsman Service (FOS) sa UK ay isang hiwalay na pamamaraan sa paglutas ng di-pagkakasundo para sa mga reklamo tungkol sa mga pinansyal na serbisyo.

Puwede mong ipasuri ang iyong reklamo sa FOS kung:

  • Hindi ka nasisiyahan sa aming notification para sa huling sagot.
  • Sa amin mo inihain ang iyong reklamo pero hindi ka nakatanggap ng sagot sa loob ng 15 business days.

Ibinibigay ang serbisyo nang libre sa mga nagrereklamo. Gayunpaman, may ilang limitasyon sa kung ano ang puwedeng suriin ng FOS. Halimbawa, isinasaalang-alang lang ng FOS ang mga reklamo na:

  • Tungkol sa mga pinapangasiwaang pinansyal na serbisyo at produkto
  • Mula sa mga “kwalipikadong” nagrereklamo

Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa:

  • Financial Ombudsman Service
  • Exchange Tower
  • Harbour Exchange Square
  • London
  • E14 9SR

Puwede ka ring tumawag sa FOS sa 0800 023 4567 (kung tatawag ka mula sa labas ng UK, i-dial ang +44 20 7964 1000). Para sa higit pang impormasyon tungkol sa FOS, pumunta sa www.financial-ombudsman.org.uk at basahin ang leaflet ng impormasyon para sa consumer sa https://www.financial-ombudsman.org.uk/publications/consumer-leaflet.htm.

Ang Google Payment Ltd ay awtorisado at pinapangasiwaan ng Financial Conduct Authority ng United Kingdom bilang Electronic Money Institution. Ang reference number ng Google Payment Ltd sa Financial Services Register ng FCA ay 900008.

Matuto pa tungkol sa iyong mga karapatan kapag nagbabayad sa Europe.

Matuto pa tungkol sa Payment Services Directive.

European Economic Area - Hindi UK

Bago maghain ng reklamo, subukang makipag-ugnayan sa amin para malaman kung makakatulong kami.

Kung sinubukan mo nang makipag-ugnayan sa suporta at gusto mong maghain ng opisyal na reklamo, ang pinakamainam na paraan ay sa aming online form.

Matuto pa tungkol sa iyong mga karapatan kapag nagbabayad sa Europe.

Matuto pa tungkol sa Payment Services Directive.

Australia

Nalalapat ang patakarang ito sa mga reklamo tungkol sa serbisyo ng Google Payments, na pinapatakbo ng Google Payment Australia Pty Ltd (GPAL). Hindi ito nalalapat sa mga reklamong posibleng mayroon ka sa mga mamimili o nagbebenta.

Sa patakarang ito:

  • Napapadali ang paghahain mo ng reklamo
  • Natutugunan ang iyong reklamo sa pinakamabilis na paraan
  • Natitiyak na nasisiyahan ka sa naging pangangasiwa sa reklamo mo

Maghain ng reklamo

Para maghain ng reklamo, kumpletuhin ang aming online form.

Puwede ka ring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng koreo sa:

  • Google Payments - Complaints
  • Google Australia Pty Ltd.
  • Level 5, 48 Pirrama Road,
  • Pyrmont, NSW 2009
  • Australia

Ang dapat isama sa iyong reklamo

Para matulungan kaming suriin at lutasin ang iyong reklamo nang mabilis hangga't maaari, tiyaking isama ang sumusunod:

  • Ang iyong pangalan
  • Ang email address na ginagamit mo para mag-sign in sa Google Payments
  • Ang iyong numero ng telepono, kasama ang dialing code
  • Ang iyong Google Payments ID (mga nagbebenta lang)
  • Isang malinaw na paglalarawan ng iyong reklamo
  • Ang iyong status bilang pribadong indibidwal o kinatawan ng isang organisasyon, pati na rin kung ang iyong organisasyon ay may kitang mahigit sa A$1m bawat taon
  • Ang email address kung saan mo gustong makatanggap ng mga mensahe (opsyonal)

Tagal ng pagsagot

Mahalaga: Posibleng mas matagalan ang pagresolba sa mga kumplikadong sitwasyon. Sa ilang partikular na sitwasyon, puwedeng abutin nang hanggang 45 business days mula sa petsa kung kailan namin natanggap ang iyong reklamo bago ito maresolba. Kung gayon, makakatanggap ka ng update sa status sa loob ng 4 na linggo.

Sinusubukan naming kumpirmahin ang pagkakatanggap namin sa iyong reklamo sa loob ng isang business day, at sagutin ang reklamo mo sa loob ng 5 business days.

Sa aming sagot, sasabihin namin sa iyo kung paano tinugunan ang reklamo mo, o kung bakit hindi pa ito matutugunan, at kung ano ang mga susunod na dapat gawin.

Mag-escalate ng mga reklamo

Kung hindi ka nasiyahan sa aming sagot, puwedeng suriin ang iyong sitwasyon sa mas mataas na antas. Para gawin ang pagsusuring ito, hilingin sa espesyalista ng Google Payments na humahawak sa iyong reklamo na i-escalate ang reklamo para sa iyo. Kapag isinumite mo ang iyong reklamo, kukumpirmahin naming natanggap namin ito sa loob ng 5 business days.

Financial Ombudsman Service

Ang Google Payment Australia Pty Ltd. ay miyembro ng Australian Financial Complaints Authority (AFCA). Ang AFCA ay nagsisilbing hiwalay na pamamaraan sa paglutas ng di-pagkakasundo para sa mga serbisyong pampinansyal sa Australia. Ang aming numero ng lisensya para sa Google Payment Australia Pty Ltd. ay 318755.

Puwede mong ipasuri ang iyong reklamo sa AFCA kung:

  • Hindi ka pa rin nasisiyahan matapos mong matanggap ang notification ng aming huling sagot.
  • Inihain mo sa amin ang iyong reklamo pero hindi ka nakatanggap ng sagot sa loob ng 30 business days.

Ibinibigay ang serbisyo nang libre. Gayunpaman, may ilang limitasyon sa kung ano ang puwedeng suriin ng Financial Ombudsman Service.

Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa:

  • Australian Financial Complaints Authority Limited
  • GPO Box 3
  • Melbourne, VIC 3001

Puwede mo ring i-email ang AFCA sa info@afca.org.au. Para sa kumpletong impormasyon tungkol sa AFCA, pumunta sa https://www.afca.org.au/about-afca/contact-us/.

Korea


Nalalapat ang patakarang ito sa mga reklamo tungkol sa serbisyo ng Google Payments, na pinapatakbo ng Google Payment Korea Limited. Hindi ito nalalapat sa mga reklamong posibleng mayroon ka sa mga mamimili o nagbebenta.

Sa patakarang ito:

  • Napapadali ang paghahain mo ng reklamo
  • Natutugunan ang iyong reklamo sa pinakamabilis na paraan
  • Natitiyak na nasisiyahan ka sa naging pangangasiwa sa reklamo mo

Maghain ng reklamo

Puwede kang makipag-ugayan sa aming Consumer Protection Manager (GPK Complaints Manager) sa:

  • Address

    Gangnam Finance Center 22nd Fl

    152 Teheran-ro, Gangnam-gu

    Seoul 06236 South Korea

    Numero ng Telepono 080-085-1500
    Numero ng Fax 02-6322-9852
    Email Magpadala ng email

Ang dapat isama sa iyong reklamo

Para matulungan kaming suriin at lutasin ang iyong reklamo nang mabilis hangga't maaari, tiyaking isama ang sumusunod:

  • Ang iyong pangalan
  • Ang email address na ginagamit mo para mag-sign in sa Google Payments
  • Ang iyong numero ng telepono, kasama ang dialing code
  • Ang iyong Google Payments ID (mga nagbebenta lang)
  • Isang malinaw na paglalarawan ng iyong reklamo
  • Transaction ID (kung naaangkop)
  • Ang email address kung saan mo gustong makatanggap ng mga mensahe (opsyonal)

Tagal ng pagsagot

Sinusubukan naming kumpirmahin ang pagkakatanggap namin sa iyong reklamo sa loob ng isang business day, at sagutin ang reklamo mo sa loob ng 10 business days. 

Magagawa mong iulat ang iyong reklamo sa mga external na organisasyon para sa paglutas sa di-pagkakasundo at magpatuloy sa proseso ng paglutas sa di-pagkakasundo kung kinakailangan.

Japan


Nalalapat ang patakarang ito sa mga reklamo tungkol sa serbisyo ng Google Payments. Hindi ito nalalapat sa mga reklamong posibleng mayroon ka sa mga mamimili o nagbebenta.

Sa patakarang ito:

  • Napapadali ang paghahain mo ng reklamo
  • Natutugunan ang iyong reklamo sa pinakamabilis na paraan
  • Natitiyak na nasisiyahan ka sa naging pangangasiwa sa reklamo mo

Maghain ng reklamo

Para maghain ng reklamo, kumpletuhin ang aming online na form. Kung hindi ka nasisiyahan sa serbisyong natanggap mo kaugnay ng iba pang produkto ng Google, makipag-ugnayan sa amin.

Ang dapat isama sa iyong reklamo

Para matulungan kaming suriin at lutasin ang iyong reklamo nang mabilis hangga't maaari, tiyaking isama ang sumusunod:

  • Ang iyong pangalan
  • Ang email address na ginagamit mo para mag-sign in sa Google Payments
  • Ang iyong numero ng telepono, kasama ang dialing code
  • Ang iyong Google Payments ID (mga nagbebenta lang)
  • Isang malinaw na paglalarawan ng iyong reklamo
  • Transaction ID (kung naaangkop)
  • Ang email address kung saan mo gustong makatanggap ng mga mensahe (opsyonal)

Tagal ng pagsagot

Sinusubukan naming kumpirmahin ang pagkakatanggap namin sa iyong reklamo sa loob ng isang business day, at sagutin ang reklamo mo sa loob ng 10 business days.

Malaysia

Nalalapat ang patakarang ito sa mga reklamong nauugnay sa mga serbisyong ibinibigay ng Google Payment Malaysia Sdn. Bhd (GPMY).
Sa patakarang ito:

  • Napapadali ang paghahain mo ng reklamo
  • Natutugunan ang iyong reklamo sa pinakamabilis na paraan
  • Natitiyak na nasisiyahan ka sa naging pangangasiwa sa reklamo mo

Maghain ng reklamo

Para maghain ng opisyal na reklamo, kumpletuhin ang aming online form.

Ang dapat isama sa iyong reklamo

Para matulungan kaming suriin at resolbahin ang iyong reklamo nang mabilis hangga't posible, isama ang sumusunod na impormasyon:

  • Ang iyong pangalan
  • Ang email address na ginagamit mo para mag-sign in sa Google Payments
  • Ang iyong numero ng telepono, kasama ang dialing code
  • Ang iyong Google Payments ID (mga nagbebenta lang)
  • Isang malinaw na paglalarawan ng iyong reklamo
  • Ang iyong status bilang pribadong indibidwal o kinatawan ng isang organisasyon, pati na rin kung ang iyong organisasyon ay may kitang mahigit sa £1m/€1m bawat taon
  • Ang email address kung saan mo gustong makatanggap ng mga mensahe (opsyonal)

Tagal ng pagsagot

Susubukan naming kumpirmahin na natanggap namin ang iyong reklamo sa loob ng isang business day, at sagutin ang reklamo mo sa loob ng 60 araw sa kalendaryo mula sa petsa kung kailan namin natanggap ang iyong reklamo.

Financial Ombudsman Service

Ang Google Payment Malaysia Sdn. Bhd ay miyembro ng Ombudsman for Financial Services, ang operator ng Financial Ombudsman Scheme (FOS) na inaprubahan ng Bank Negara Malaysia bilang pamamaraan sa paglutas sa di-pagkakasundo.

Kung ang iyong reklamo ay ang uri ng dispute na kwalipikado para sa pagsasaalang-alang, puwede mong ipasuri sa FOS ang iyong reklamo. Para maging kwalipikado para sa pagsasaalang-alang, dapat matugunan ang lahat ng sumusunod na kundisyon:

  • Inihain mo sa amin ang iyong reklamo nang may layuning makipag-areglo
  • Isinaalang-alang namin ang reklamo mo, ibinigay namin ang aming huling pasya, at hindi ka nasiyahan sa aming sagot. O hindi kami nakapagbigay sa iyo ng huling pasya sa loob ng 60 araw sa kalendaryo.

Dapat mo ring matugunan ang isa sa mga sumusunod na pamantayan:

Isasaalang-alang ng Ombudsman for Financial Services ang isang reklamo laban sa amin para sa direktang pagkalugi nang hanggang sa mga sumusunod na limitasyon sa pera:

# Uri ng Reklamo Limitasyon sa Pera
1 Isang reklamong kinasasangkutan ng mga pinansyal na serbisyo o produkto (o mga pinansyal na serbisyo o produkto sa Islam), na binuo, iniaalok, o mina-market namin RM 250,000.00
2 Isang dispute sa:
  • Hindi awtorisadong transaksyon gamit ang itinalagang paraan ng pagbabayad o itinalagang paraan ng pagbabayad sa Islam o channel ng pagbabayad gaya ng internet banking, mobile banking, telephone banking, o ATM
  • Hindi awtorisadong paggamit ng tseke tulad ng tinukoy sa seksyon 73 ng Bills of Exchange Act 1949

RM 25,000.00

Dapat mong ihain ang iyong reklamo sa Ombudsman for Financial Services sa loob ng 6 na buwan mula sa petsa kung kailan mo natanggap ang aming huling sagot o pagkalipas ng 60 araw sa kalendaryo mula sa petsa kung kailan mo unang ni-refer sa amin ang iyong reklamo. Ang mga reklamong lalampas sa limitasyon sa oras na iyon ay puwedeng maisaalang-alang ng Ombudsman for Financial Services sa sarili nilang pagpapasya.

Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa www.ofs.org.my/en/. Puwede mo ring basahin ang brochure ng mga tagubilin para sa Ombudsman for Financial Services sa English at Malaysian.

Puwede kang makipag-ugnayan sa Ombudsman for Financial Services online sa pamamagitan ng kanilang website gamit ang Form para sa Pagtatanong o sa pamamagitan ng koreo sa sumusunod na address:

  • Chief Executive Officer
  • Ombudsman for Financial Services (664393P)
  • (Dating kilala bilang Financial Mediation Bureau)
  • 14th Floor, Main Block
  • Menara Takaful Malaysia
  • No. 4, Jalan Sultan Sulaiman
  • 50000 Kuala Lumpur

Puwede mo ring i-fax ang iyong reklamo sa +603-2272 1577 o ihain nang personal ang reklamo mo sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang opisina sa address na ibinigay sa itaas.

Iba pa

Nagsisikap ang Google Payments na makapagbigay ng magandang experience para sa lahat ng user.

Kung hindi ka nasisiyahan sa serbisyong natanggap mo mula sa Google Payments, o kung mayroon kang reklamo, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming online form.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11343182544083372326
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5150109
false
false