Saan naka-store ang data ng iyong telepono
Ina-upload ang mga backup sa mga server ng Google at ine-encrypt ang mga ito gamit ang password ng iyong Google Account. Para sa ilang data, ginagamit din ang PIN, pattern, o password ng lock ng screen ng iyong telepono sa pag-encrypt ng data mo para ligtas itong ma-back up.
Mabubura ang data ng iyong backup (maliban sa iba-back up mo sa Google Photos) kung:
- Hindi mo gagamitin ang iyong device nang 57 araw
- Io-off mo ang pag-back up sa Android
Ang sine-save ng Backup by Google One
Awtomatikong sine-save ng Backup by Google One ang data mula sa iyong telepono. Kasama rito ang:
- Data ng app
- History ng tawag
- Mga contact
- Mga setting
- Mga SMS message
- Mga larawan at video
- Mga MMS message
Puwede mong tingnan kung anong data at aling mga app ang kasama sa iyong backup.
- Sa iyong Android phone, buksan ang Google One app .
- Sa ibaba, i-tap ang Storage.
- Mag-scroll papunta sa seksyon sa pag-backup ng device.
- Kung ito ang una mong pag-back up ng telepono: I-tap ang I-set up ang pag-back up ng data.
- Kung hindi ito ang una mong pag-back up ng telepono: I-tap ang Tingnan ang mga detalye.
- Para suriin ang iyong mga setting ng pag-back up, i-tap ang Pamahalaan ang pag-back up.
Awtomatikong i-back up ang iyong telepono
Puwede mong i-set up ang iyong telepono para awtomatikong i-back up ang mga file mo.
- Sa iyong Android phone, buksan ang Google One app .
- Sa ibaba, i-tap ang Storage.
-
Mag-scroll papunta sa "I-back up" at i-tap ang Tingnan.
-
Kung ito ang una mong pag-back up ng telepono: I-tap ang I-set up ang pag-back up ng data.
-
Kung hindi ito ang una mong pag-back up ng telepono: I-tap ang Tingnan ang mga detalye.
-
-
Para suriin ang iyong mga setting ng pag-back up, i-tap ang Pamahalaan ang pag-back up.
-
Piliin ang iyong mga setting ng pag-back up.
-
Kung papayuhan kang mag-install ng app, mag-update ng app, o baguhin ang iyong mga setting, sundin ang mga hakbang sa screen. Pagkatapos, bumalik sa Google One app para tapusin ito.
-
-
Kung tatanungin, i-tap ang Payagan ang mga pahintulot.
-
Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Bumalik.
Puwedeng abutin nang hanggang 24 na oras ang iyong pag-back up sa Google One. Kapag na-save ang iyong data, makikita ang "Naka-on" sa ibaba ng mga napili mong uri ng data.
Tip: Malapit nang ibilang sa iyong storage ng Google Account ang mga backup ng WhatsApp sa Android. Matuto pa tungkol sa backup ng WhatsApp.
Simulan o ihinto ang isang pag-back up
Kapag napili mo na ang iyong mga setting ng pag-back up, puwede kang magsimula kaagad ng pag-back up. Puwede mo ring i-off ang mga awtomatikong pag-back up anumang oras.
Magsimula ng pag-back up
- Sa iyong Android phone, buksan ang Google One app .
- Sa ibaba, i-tap ang Storage.
- Mag-scroll papunta sa seksyon sa pag-backup ng device.
- Kung ito ang una mong pag-back up ng telepono: I-tap ang I-set up ang pag-back up ng data.
- Kung hindi ito ang iyong unang pag-back up ng telepono: I-tap ang Tingnan ang iyong mga detalye.
- Para makita ang iyong mga setting ng pag-back up, i-tap ang Pamahalaan ang pag-back up.
- Para i-back up ang data sa iyong telepono, i-on ang Data ng device.
- Para i-back up ang iyong media sa pinakamagandang kalidad, i-on ang Mga larawan at video sa buong resolution.
- Para i-back up ang iyong mga MMS text, i-on ang Mga multimedia message.
- I-tap ang I-back up ngayon.
Ihinto ang mga pag-back up ng device sa hinaharap
- Sa iyong Android phone, buksan ang Google One app .
- Mag-scroll sa seksyong pag-back up ng device at i-tap ang Tingnan ang mga detalye.
- I-off ang mga uri ng data na ayaw mong i-back up.
Dalhin ang iyong data sa isang bagong telepono
Available na ngayon sa Google Photos ang iyong mga larawan at video. Pero mare-restore mo ang natitirang data na na-back up mo habang sine-set up mo ang iyong bagong device sa unang pagkakataon o pagkatapos mag-factory reset. Sa pag-set up, para i-restore ang iyong data, sundin ang mga hakbang sa screen.
Puwedeng abutin nang hanggang 24 na oras ang mga pagbabago.
I-delete ang iyong data sa mga pag-back up
Kung io-off mo ang Backup by Google One sa iyong device, made-delete ang mga backup mo. Mananatiling naka-save sa iyong Google Photos ang mga larawan at video na dati mo nang na-back up.
Kung hindi mo gagamitin ang iyong device nang 57 araw, mabubura din ang data na na-back up mo (maliban sa mga larawan o video).
Ayusin ang mga problema sa pag-back up
Tingnan kung makakapag-back up nang wasto ang iyong telepono.
- Tiyaking online ang iyong device. Kung gumagamit ka ng mobile data, subukang kumonekta sa Wi-Fi para sa mas maayos na koneksyon.
- Tiyaking may charge ang baterya ng iyong telepono.
- I-install o i-update ang Google One app .
- Para mapabilis ang pag-sync ng Mga Larawan, buksan ang Google Photos app .
- Sa Google One app, tingnan ang iyong storage. Kung wala ka nang storage, puwede kang pumili sa mga opsyong ito:
- Bumili ng higit pang storage
- Mag-clear ng storage space
Tiyaking sa tamang lugar ka naghahanap. Sa ibang app sine-save ang iyong mga file, hindi sa Google One.
- Para sa mga numero ng telepono at iba pang impormasyon sa pakikipag-ugnayan, tingnan ang website o app ng Google Contacts.
- Para sa mga meeting at paalala, tingnan ang website o app ng Google Calendar.
- Para sa mga larawan at video, tingnan ang website o app ng Google Photos.
Kung ayaw pa ring ma-back up ng iyong media
Puwede mong manual na i-upload ang iyong mga file.
Alamin kung paano:
Kung ayaw ma-back up ng isa o higit pang uri ng data, subukan ang mga hakbang ito. Pagkatapos ng bawat hakbang, tingnan kung gumagana na ang iyong pag-back up.
- Tiyaking online ang iyong device.
- Kung gumagamit ka ng mobile data, subukang kumonekta sa Wi-Fi para sa mas maayos na koneksyon.
- I-install o i-update ang Google One app.
- Buksan ang Google One app. Kung wala ka nang storage, puwede kang pumili sa mga opsyong ito:
- Sa Google One app, i-tap ang Mga Setting Pamahalaan ang mga setting ng pag-back up. Kung makakakita ka ng payong mag-update o mag-install ng app, sundin ang mga hakbang sa screen.
- Tip: Kung maraming kailangang update ang iyong device, puwedeng abutin nang ilang oras ang pag-back up ng telepono mo.
- Sa Google One app, sa itaas, i-tap ang Home.
Kung ayaw pa ring ma-back up ng iyong data
Puwede kang manual na mag-back up:
Ayusin ang mga problema sa pag-restore
Hindi mo masimulan ang proseso ng pag-restoreKung naka-gray out ang anumang opsyon sa Pag-restore o kung makakatanggap ka ng mensahe ng error, posibleng kailanganin mong magsagawa ng ilang karagdagang hakbang. Ang isang karaniwang solusyon ay ang alamin kung updated ang iyong Android operating system. Para ma-back up at ma-restore ang iyong telepono, gumagamit dapat ito ng Android 8 o mas bago.
Kung wala ang isa o higit pang uri ng file pagkatapos mong mag-restore ng backup sa Google One, subukan ang mga hakbang na ito:
- Tiyaking online ang iyong device.
- Kung gumagamit ka ng mobile data, subukang kumonekta sa Wi-Fi para sa mas maayos na koneksyon.
- I-install o i-update ang Google One app.
- Buksan ang iyong mga setting ng Android. Kumpirmahing:
- May sapat na space ang lokal na storage ng device at kasya rito ang backup.
- Ang bersyon ng Android ng iyong bagong device ay kapareho o mas bago sa luma mong device. Alamin kung paano tingnan ang iyong bersyon ng Android.
- Mananatili ang iyong backup hangga't ginagamit mo ang iyong device. Kung mahigit 57 araw na ang lumipas mula nang huli mong gamitin ang iyong device, hindi na available ang backup.
Mga file na nare-restore sa pag-set up
May ilang data na nare-restore lang kapag na-set up mo ang iyong device, gaya ng data ng app, data ng mga setting, at mga mensahe. Para i-restore ang data na ito, i-reset ang iyong device sa mga factory setting at pagkatapos, gawin ang proseso ng pag-set up ng Android.