Maghanap o mag-recover ng file

Kung may mga file kang hindi mo mahanap sa Google Drive, puwede mong gamitin ang mga tip na ito para subukang i-recover ang mga iyon. Kung sa palagay mo ay may nag-access sa iyong Google Drive nang walang pahintulot mo, inirerekomenda naming gumawa ka ng mga hakbang para gawing mas secure ang iyong account.

Mag-restore ng mga file na na-delete mo

Kung may na-delete ka kamakailan gamit ang Google Drive o ang desktop app ng Google Drive, baka ma-restore mo ang file nang mag-isa.

I-restore mula sa iyong Trash

  1. Sa computer, pumunta sa drive.google.com/drive/trash.
    • Tip:Puwede mong pagbukud-bukurin ang iyong mga file na nasa trash ayon sa petsa noong inilagay sa trash para makita ang mga file na pinamatagal o pinakabagong nailagay sa trash.
  2. I-right click ang file na gusto mong i-recover.
  3. I-click ang I-restore.
  4. Mahahanap mo ang mga na-restore na file sa orihinal na lokasyon ng mga ito.
    • Kung wala na ang orihinal na lokasyon, tingnan ang "Aking Drive."
Maghanap ng file na sa tingin mo ay hindi mo na-delete

Steps to find or recover a file in Google Drive

Subukan ang mga hakbang na ito

Tingnan ang panel ng aktibidad

  1. Sa computer, pumunta sa drive.google.com.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Impormasyon Impormasyon.
  3. I-click ang "Aktibidad" para suriin ang panel ng aktibidad.
  4. Mag-scroll pababa at hanapin ang iyong file.

Gumamit ng advanced na paghahanap

  1. Sa computer, pumunta sa drive.google.com.
  2. Sa search bar, i-click ang icon sa pinakakanan.
  3. Gamitin ang mga advanced na opsyon sa paghahanap para hanapin ang iyong file. Halimbawa, para makita ang mga spreadsheet, sa tabi ng 'Uri,' i-click ang pababang arrow, pagkatapos ay i-click ang 'Mga Spreadsheet.'

Using the search field with search operators in Google Drive.

Alamin kung bakit may mga nawawalang file

Kung ikaw ang gumawa sa file

Kung hindi mo mahanap ang file na ginawa mo sa Drive, baka nawala mo ang folder kung nasaan ito. Hindi pa nade-delete ang file, pero mas mahirap na itong hanapin.

Paano nawawala ang folder ng mga file

  • May ginawa kang file sa folder ng ibang tao at na-delete niya ang folder na iyon. Hindi na-delete ang file. Awtomatiko itong inilipat sa iyong Aking Drive.
    Mahalaga: Ikaw lang ang makakapag-delete ng mga file na pagmamay-ari mo.
  • Nagbahagi ka ng folder sa isang tao at inalis niya sa folder ang iyong file. Hindi na-delete ang file, awtomatiko itong inilipat sa iyong Aking Drive.

Maghanap ng hindi nakaayos na file

  1. Sa computer, pumunta sa drive.google.com.
  2. Sa search bar, ilagay ang: is:unorganized owner:me
  3. Kapag nahanap mo ang file, ilipat ito sa folder sa Aking Drive para mas madali itong mahanap sa susunod.

Maghanap ngayon

Kung iba ang gumawa ng file

Kapag may gumawa ng file, maaari niya itong i-delete, palitan ng pangalan, at i-restore. Makipag-ugnayan sa taong gumawa ng file at hilingin sa kanyang i-restore ito o ibahagi itong muli sa iyo.

Kung nasa folder ito na ginawa ng iba

Kung may nag-delete sa folder na iyon, hindi mo na makikita ang folder na iyon sa iyong Drive.

Maghanap ng mga file na ginawa mo sa mga na-delete na folder

Hanapin ang lahat ng file na nasa mga na-delete na folder

Para mas padaliin ang paghahanap sa file na iyon sa hinaharap, ilipat ito sa folder sa "Aking Drive."

Higit pang impormasyon tungkol sa kung paano maghanap ng mga file

Subukan ang advanced na paghahanap

Para pinuhin ang iyong paghahanap sa Drive, gumamit ng parirala sa paghahanap sa computer mo gamit ang isa sa mga opsyong ito:

Maghanap ng Halimbawa
Eksaktong parirala

"Gumamit ng mga panipi sa paligid ng eksaktong parirala"

Magbukod ng salita

Tubig pero hindi lawa:

tubig -lawa

May-ari ng file

Mga file na pagmamay-ari ni Papa:

owner:papa@gmail.com

Mga file na ibinahagi ng iba

Mga file na ibahagi sa iyo ni Mama:

from:mama@gmail.com

Mga file na ibinahagi mo

Mga file na ibinahagi mo kay Mama:

to:mama@gmail.com

Mga item na may star

is:starred

Mga na-delete na item

is:trashed

Uri ng file

Uri ng file na spreadsheet:

type:spreadsheet

Time frame

Bago ang Enero 18, 2015 o pagkatapos nito.

before:2015-01-18

after:2015-01-18

Pamagat

title:"Dito ilalagay ang pamagat"

App

Mga file na binuksan sa Google Drive:

app:"Drive"

Mga na-recover na uri ng file

Para sa mga personal na account, mare-recover mo ang mga kamakailang na-delete na file sa loob ng limitadong panahon pagkatapos ma-delete ang mga ito kung ginagamit mo ang:

  • Google Drive gamit ang account ng consumer.
  • Hindi sa pamamagitan ng trabaho, paaralan, o iba pang grupo

Totoo ang isa sa mga ito:

  • Ginawa mo ang file.
  • Na-upload mo ang file sa Google Drive.
  • Tinanggap mo ang pagmamay-ari sa file mula sa isang tao.

Kung na-delete ang iyong Google Account, baka hindi mo ma-recover ang iyong mga file.

Gumamit ng Mga Chip ng Paghahanap

Para limitahan ang listahan ng mga file sa Drive, puwede mong gamitin ang mga chip ng paghahanap. Puwede kang maghanap at mag-filter:

  • Uri
  • Mga Tao (lahat, pag-aari, o ibinahagi ni)
  • Binago

Lalabas ang mga chip na ito sa ibaba ng search bar at maghahanap sa lahat ng file, folder, at subfolder sa loob ng view na iyon (halimbawa Aking Drive, Kamakailan, o Trash).

  • Para mag-alis ng chip ng paghahanap: Sa kanan ng chip, i-click ang .
  • Para alisin ang lahat ng chip ng paghahanap: Sa dulo ng mga chip, i-click ang .

Tip: May mga chip ng paghahanap bilang default, para itago ang mga ito, i-click ang button ng filter .

Mag-recover ng mga email mula sa Gmail

Alamin kung paano mag-recover ng mga email sa Gmail.

Para makipag-ugnayan sa amin, mag-sign in sa iyong Google Account.

Hindi sa lahat ng wika available ang suporta sa Drive. Kung nagsasalita ka ng English, magagawa mong baguhin ang iyong wika at makipag-ugnayan sa espesyalista sa Drive.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Help Center ng Google Drive.
  2. Sa ibaba ng page, i-click ang iyong wika.
  3. Piliin ang English.
  4. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu at pagkatapos Makipag-ugnayan sa amin.
  5. Piliin ang iyong isyu at kung paano mo gustong makipag-ugnayan sa amin.

Tandaan: Kapag tapos ka na, puwede mong ibalik ang iyong wika sa gusto mong wika.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4781156969867568710
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5044059
false
false