Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-off ang Google Assistant sa Nest Wifi point

May built-in na speaker na may Google Assistant ang mga Nest Wifi point, kaya makakapag-play ka ng musika, mapapamahalaan mo ang iyong Wi-Fi network, makakahanap ka ng mga sagot, makokontrol mo ang iyong mga nakakonektang device, at higit pa gamit lang ang boses mo. 

Puwede mong i-adjust ang volume ng speaker ng Nest Wifi point at liwanag ng ilaw mula sa mga setting ng iyong device. Isa itong magandang opsyon kung gusto mong i-customize ang volume at liwanag ng point para sa iyong bahay pero gusto mo pa ring gamitin ang Assistant.

I-adjust ang volume at liwanag ng iyong Nest Wifi point

I-adjust ang volume

Lakasan ang volume 

Mag-tap sa kanang bahagi ng Nest Wifi point.

Maitotodo ang volume sa 10 pag-tap sa kabuuan.

Tandaan: Ang ia-adjust lang nito ay ang volume ng media at ng iyong Google Assistant. Kapag antas 0 na ang volume, mamu-mute ang lahat ng media pero magsasalita pa rin sa minimum na antas ang iyong Google Assistant. Hindi nito ia-adjust ang volume ng mga alarm at timer.

Nest Wifi point volume up
Hinaan ang volume

Mag-tap sa kaliwang bahagi ng Nest Wifi point. 

Kapag nag-tap nang 10 beses, mamu-mute ang lahat ng audio maliban sa iyong Google Assistant.

Tandaan: Ang ia-adjust lang nito ay ang volume ng media at ng iyong Google Assistant. Kapag antas 0 na ang volume, mamu-mute ang lahat ng media pero magsasalita pa rin sa minimum na antas ang iyong Google Assistant. Hindi nito ia-adjust ang volume ng mga alarm at timer.

Nest Wifi point volume down

I-adjust ang liwanag ng ilaw sa ibaba  

  1. Buksan ang Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Mga Ilaw.
  5. Sa ilalim ng “Liwanag ng ilaw sa ibaba,” i-adjust ang liwanag ng ilaw ng device.

I-off ang Google Assistant sa iyong Nest Wifi point

Puwede mong i-off ang Google Assistant anumang oras sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba.

I-off ang mikropono

Kapag na-off ang mikropono, hindi makakapakinig o makakasagot sa iyong mga query ang Nest Wifi point. Puwede mo itong patuloy na gamitin bilang speaker sa pamamagitan ng Cast o Bluetooth.

  1. Gamitin ang switch sa likod ng Nest Wifi point sa tabi ng power cord para i-off ang mikropono. 
  2. Malalaman mong naka-off ang mikropono kapag orange ang switch para sa pag-on o pag-off.

Nest Wifi point mic on-off

​I-off ang ilaw sa pag-mute sa Nest Wifi point

Kapag naka-off ang mikropono sa Nest Wifi point, may makikita kang umiilaw na orange sa ilalim ng device. Puwede mong piliing i-off ang umiilaw na orange na ito sa ilalim ng mga setting ng device:

  1. Buksan ang Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Mga Ilaw.
  5. I-on ang I-off ang ilaw sa pag-mute.

Matuto pa tungkol sa seguridad at privacy ng data sa aming mga device para sa nakakonektang home na may Google Assistant.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16294224811704093405
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false