Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Face Match sa Google Nest Hub Max

Gumagana ang Face Match kasama ng Voice Match para magbigay ng proactive na experience na iniangkop sa bawat user. Kapag nakilala ng Nest Hub Max ang mukha mo, puwede itong proactive na magpakita sa iyo ng naka-personalize na content, gaya ng mga nalalapit na event sa kalendaryo. Sa unang beses na lapitan mo ang Nest Hub Max bawat araw, mapipili mo ring tingnan ang mga bagay gaya ng lagay ng panahon, mga suhestyon sa mapapakinggang musika, at nangungunang ulo ng balita sa araw na iyon.

Mahalaga: Hindi panseguridad na feature ang Face Match. Ginagamit ito para gawing mas kasiya-siya, madali, at partikular sa iyo ang karanasan mo sa iyong Nest Hub Max. Posibleng hindi matukoy ng iyong device ang pinagkaiba mo at ng, halimbawa, isang larawan ng iyong mukha. Kung kamukhang-kamukha mo ang isa pang miyembro ng inyong sambahayan, baka tukuyin siya ng iyong device bilang ikaw.

I-set up ang Face Match

Tandaan: Kailangan mong i-set up ang Voice Match para magamit ang Face Match. Kung hindi mo pa nase-set up ang alinman sa mga ito, simulan ang pag-set up ng Voice Match para sa iyong Nest Hub Max. Kapag tapos ka na sa Voice Match, dadalhin ka ng Google Home app sa pag-set up ng Face Match.

Kung na-set up mo na ang Voice Match sa display na nakakagamit ng Face Match, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Make sure your mobile device or tablet is linked to the same account as your display.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. Tap Home at pagkatapos ay Settings .
  4. Under "Features," tap Google Assistant Face Match.
  5. Follow the in-app steps.
  6. If you want to automatically add Face Match to new devices in the same home, turn on "Devices you add later."
  7. If you want to simply look at your display to talk to Google, turn on "Look and Talk."
Tandaan:
  • Hindi gagana ang mga hakbang na ito gamit ang Google Workspace account. Alamin kung paano gumamit ng Google Workspace account sa isang device.
  • Hindi sinusuportahan ng Google Pixel Tablet ang pag-set up at pamamahala ng Face Match. Kung ise-set up mo ang Nest Hub Max sa iyong Google Pixel Tablet, kakailanganin mong gamitin ang Google Home app sa iba pang compatible na mobile device para ma-set up ang Face Match at mapamahalaan ang iyong mga setting.

Tiyaking makikilala ka ng iyong device

Pinakamahusay na gumagana ang Face Match kapag malinaw na nakikita ng camera na naka-built in sa iyong Nest Hub Max ang mukha mo. Ang pinakamagandang paraan para gawin ito ay bawasan ang backlight at tiyaking naiilawan nang maayos ang iyong mukha. Kung masyadong maliwanag ang ilaw sa likod mo, puwedeng mamuti ang camera o magkaroon ng madilim na anino sa iyong mukha. Totoo ito partikular na kung nakatutok ang ilaw sa camera. Kung masyadong maliwanag sa likod o kung hindi sapat ang liwanag sa iyong mukha, posibleng hindi ma-detect ang mga katangian ng mukha mo.

Mga karagdagang tip sa pag-set up ng Face Match

  • Sa pagkuha ng mga larawan habang nagse-set up, tiyaking pareho o mas madilim sa liwanag sa harap mo ang liwanag sa iyong likod para hindi magkaroon ng anino sa mukha mo. Tiyaking walang nakatutok sa camera na anumang maliwanag na ilaw o sinag ng araw.
  • Kapag kinukunan mo ng larawan ang iyong mukha sa pag-set up, huwag gumalaw nang masyadong mabilis.
  • Sa katulad na paraan, kapag inilagay mo ang iyong Nest Hub Max, tiyaking walang maliwanag na ilaw na nakatutok sa camera, at mas madilim o pareho sa liwanag sa harap mo ang liwanag sa iyong likod.

I-off ang Face Match

I-off ang Face Match para sa isang bahay sa Google Home app

  1. Tiyaking ang iyong mobile device o tablet ay naka-link sa account kung saan din naka-link ang Google Nest display mo.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap ang Home  at pagkatapos ay Mga Settings at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Face Match.
  4. I-tap ang Alisin ang Face Match sa bahay at sundin ang mga hakbang.

Tandaan: Kapag na-disable mo ang Face Match, made-delete ang iyong face model sa device mo, pero hindi made-delete ang mga larawan sa pag-enroll na ginamit para gawin ang iyong face model. Para i-delete ang mga larawan para sa pag-enroll sa Face Match, bisitahin ang https://myactivity.google.com/.

I-off ang Face Match para sa isang display

  1. Tiyaking ang iyong mobile device o tablet ay naka-link sa account kung saan din naka-link ang Google Nest display mo.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap ang Home  at pagkatapos ay Mga Settings at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Face Match.
  4. I-uncheck ang kahon sa tabi ng device kung saan mo gustong i-off ang Face match.

Tandaan:

  • Kapag na-off mo ang Face Match para sa isang device, aalisin sa device na iyon ang face model mo. Puwede mo ring piliin ang Alisin ang Face Match sa bahay na ito, na mag-aalis sa iyong face model sa lahat ng device sa bahay mo. Sa parehong sitwasyon, hindi nito aalisin ang mga larawan sa pag-enroll na ginamit para gawin ang iyong face model. Para alisin ang mga larawan sa pag-enroll sa Face Match, bisitahin ang g.co/assistant/match.
  • Kapag na-disable mo ang camera sensing, mao-off ang Face Match hanggang sa i-enable ulit ang camera sensing. Hindi maaalis ang iyong face model sa Hub Max mo kapag naka-disable ang sensing.
  • Puwede mo ring i-off ang Face Match anumang oras mula sa page ng mga setting ng Google app o Assistant app.
  • Kapag na-off mo ang Voice Match, mao-opt out ka rin sa Face Match at maaalis ang iyong face model sa device mo.

Voice Match at Face Match

Kailangang naka-on ang Voice Match para magamit ang Face Match. Nagbibigay-daan ang Voice Match na makilala ka ng Google Assistant kapag nagtatanong ka. Pinapaganda pa ng Face Match ang iyong karanasan sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa Google Assistant na aktibo kang makilala at magpakita sa iyo ng personal at kapaki-pakibanang na content nang hindi mo kailangang hilingin.

Halimbawa, gamit ang Voice Match, puwede kang magtanong tungkol sa iyong mga nalalapit na event sa kalendaryo. Puwedeng ipakita kaagad sa iyo ng Face Match ang mga ito kapag nadaan ka sa display.

Kinakailangan ng Face Match ang Voice Match para maibigay ang pinakamagandang karanasang posible. Halimbawa, kung may 2 naka-enroll na user ng Face Match na tatayo sa harap ng Nest Hub Max at may itatanong sa Assistant ang isa sa kanila, Voice Match ang tutukoy sa kung sino sa 2 user ang nagsalita. Dahil natutukoy kung sinong user ang gumawa sa kahilingan, nalalaman ng Google Assistant kung kaninong naka-personalize na content, sa 2 user, ang dapat ipakita sa device.

Mahalaga: Kailangang naka-enable ang Voice Match para gumana ang Face Match. Kapag na-off mo ang Voice Match para sa iyong Nest Hub Max, permanente rin nitong io-off ang Face Match para sa device na iyon. Hindi na makikilala ng Google Assistant ang boses mo at hindi na ito makakapagbigay sa iyo ng mga personal na resulta sa device na iyon, pero puwede mong i-on ulit ang mga personal na resulta. Kapag na-off mo ang Voice Match para sa bahay kung nasaan ang Nest Hub Max mo, permanente rin nitong io-off ang Face Match para sa iyong Nest Hub Max. Para i-access o alisin ang mga audio clips o larawang kinuha mo sa pag-set up ng Voice Match at Face Match, pumunta sa g.co/assistant/match.

Para maunawaan kung paano pinapangasiwaan ang iyong data kapag ginagamit mo ang Face Match sa iyong Nest Hub Max, sumangguni sa page na Mga FAQ ng Help Center ng Privacy para sa aming mga device at serbisyo para sa nakakonektang home. Matuto rin tungkol sa aming dedikasyon s pagpapanatili ng privacy sa bahay.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17773449628724784526
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false