Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Gumamit ng mga smart light sa mga Google Nest o Home device

Mga sinusuportahang smart light

Made for Google

Kapag pumili ka ng mga bumbilyang Made for Google, puwede mong i-set up ang mga ito mula umpisa hanggang dulo sa Google Home app. Hindi mo kakailanganin ng bridge o hub o ang app ng gumawa ng bumbilya.

Mga bumbilyang Made for Google:

Works with the Google Assistant

Compatible ang mga bumbilyang Works with the Google Assistant sa Google Assistant, pero hindi Made for Google ang mga ito. Para makapag-set up ng mga bumbilyang Works with the Google Assistant, kakailanganin mo ang Google Home app at ang app ng gumawa ng bumbilya. Baka kailanganin mo rin ng bridge o hub mula sa gumawa ng bumbilya. I-explore ang mga partner ng Google Assistant na gumagawa ng mga bumbilyang Works with Google Assistant.

I-set up at i-link ang iyong bumbilya

Mga bumbilyang Made for Google

  1. Ikabit ang iyong bumbilya sa kuwarto kung nasaan ang Google Nest o Home speaker o display mo.
  2. I-set up ang iyong speaker o display, kung hindi mo pa iyon nagagawa.
  3. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  4. I-tap ang Mga Device Magdagdag Google Nest o partner device Google Nest or partner device.
  5. Piliin ang bumbilyang gusto mong i-set up. Magbi-blink ang iyong ilaw kapag napili ito.
  6. Nasaan ang device na ito? Piliin kung nasaang kuwarto ang iyong bumbilya.
    1. Para gumawa ng custom na kuwarto, i-tap ang Magdagdag ng custom na kuwarto at pagkatapos ay i-type ang pangalan ng kuwarto at pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
  7. Gumawa ng natatanging pangalan. I-type ang gusto mong pangalan para sa iyong bumbilya na gagamitin mo para sa mga command gamit ang boses. Inirerekomendang gumamit ng pangalang nagbibigay ng konteksto gaya ng "reading light" o "overhead light." Para sa pinakamahuhusay na resulta, huwag isama ang pangalan ng kuwarto sa pangalan ng ilaw (alam na ng iyong speaker o display kung nasaang kuwarto ito).
  8. Sine-set up ang iyong smart light. Puwedeng mag-blink nang ilang beses ang iyong bumbilya.
  9. Handa na ang ilaw mo. I-tap ang Tapos na.
  10. Matagumpay ang pag-set up. Puwede mo nang kontrolin ang iyong mga ilaw gamit ang speaker o display mo.

Mga bumbilyang Works with the Google Assistant

  1. Sundin ang mga tagubilin ng gumawa ng bumbilya para i-set up ang iyong bumbilya. Baka kailanganin mong mag-set up ng bridge o hub, kung hindi mo pa iyon nagagawa.
  2. Ikabit at i-on ang iyong mga bumbilya sa kuwarto kung nasaan ang speaker o display mo.
  3. I-set up ang iyong speaker o display.
  4. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  5. I-tap ang Mga Device   Magdagdag   Gumagana sa Google Home Works with Google Home.
  6. I-tap ang logo ng gumawa ng iyong bumbilya at pagkatapos ay sundin ang mga hakbang para tapusin ang pag-set up. Baka kailanganin mong mag-sign in sa app ng gumawa ng iyong bumbilya. Gagabayan ka ng app sa mga natitirang hakbang.

Kontrolin ang iyong mga ilaw gamit ang iyong speaker o display

Mga basic na command gamit ang boses

Para gawin ito: Sabihin ang “Hey Google," at pagkatapos ay:
Para i-on o i-off ang ilaw "Turn on or off <light name> (I-on o i-off ang <pangalan ng ilaw>)"
Mag-dim ng ilaw "I-dim ang <pangalan ng ilaw>"
Gawing mas maliwanag ang ilaw "Gawing mas maliwanag ang <pangalan ng ilaw>"
Itakda kung gaano kaliwanag ang ilaw sa isang partikular na porsyento "Itakda ang <pangalan ng ilaw> sa 50%"
I-dim o gawing mas maliwanag ang mga ilaw sa isang partikular na porsyento

"Dim <light name> by 50% (I-dim ang <pangalan ng ilaw> nang 50%)"

“Brighten <light name> by 30% (Gawing mas maliwanang ang <pangalan ng ilaw> nang 30%)”

Baguhin ang kulay ng isang ilaw "Gawing berde ang <pangalan ng ilaw>"
I-on o i-off ang lahat ng ilaw sa kwarto “I-on o i-off ang mga ilaw sa <pangalan ng kwarto>"
I-on o i-off ang lahat ng ilaw “Turn on or off all of the lights (I-on o i-off ang lahat ng ilaw)”

Gamitin ang Google Home app

Buksan ang Google Home app Google Home app at pagkatapos ay pindutin nang matagal ang ilaw na gusto mo. May makikita kang mga kontrol para sa liwanag. Kung may mga opsyon sa kulay ang iyong bumbilya, may makikita ka ring mga kontrol ng kulay.

Mag-iskedyul at magkontrol ng maraming ilaw gamit ang Mga Routine

Puwede kang gumamit ng Mga Routine para iiskedyul ang iyong mga ilaw at magkontrol ng maraming ilaw sa pamamagitan ng iisang command gamit ang boses.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Automation at pagkatapos ay Idagdag.
  3. Piliin ang Sambahayan o Personal pagkatapos ay ilagay kung anong nagsisimula ng routine at anong mga pagkilos ang mangyayari. Para sa mga pagkilos, i-tap ang I-adjust ang Mga Device para sa Tahanan at piliin kung aling mga ilaw ang gusto mo.

Magtakda ng mga nickname para sa iyong mga bumbilya

Para sa mas mahusay na pagkontrol, bigyan ng sariling nickname ang bawat isa sa iyong mga bumbilya.

  1. Para gumawa o magpalit ng nickname, buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Pangalan.
  5. Maglagay ng pangalan at pagkatapos ay i-tap ang I-save.

Tandaan: Para sa pinakamahuhusay na resulta, huwag isama ang pangalan ng kuwarto o huwag magsama ng numero sa nickname. Sa Google Home app lang lalabas ang nickname na ito. Kung gagamitin mo ang app ng gumawa ng iyong device, hindi lalabas ang nickname na ito.

Italaga ang iyong mga bumbilya sa isang kuwarto

Para mas madali mong makontrol ang iyong mga ilaw, italaga ang mga ito sa isang kuwarto sa isang bahay. Puwede kang gumawa ng bagong bahay, gumawa ng bagong kwarto, o puwede mong idagdag ang iyong mga ilaw sa kasalukuyang kwarto.

Tandaan: Makokontrol ng lahat ng miyembro ng bahay ang lahat ng ilaw sa bahay.

Idagdag ang bumbilya sa dati nang kuwarto sa kasalukuyan mong bahay

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. Pindutin nang matagal ang tile ng bumbilyang gusto mong idagdag sa kuwarto.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Kuwarto at pagkatapos ay pumili ng kuwarto at pagkatapos ay i-tap ang I-save.

Idagdag ang bumbilya sa bagong kuwarto sa kasalukuyan mong bahay

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. Pindutin nang matagal ang tile ng bumbilyang gusto mong idagdag sa kuwarto.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Kuwarto at pagkatapos ay mag-scroll papunta sa ibaba at i-tap ang Magdagdag ng custom na kuwarto at pagkatapos ay ilagay ang pangalan ng kuwarto at pagkatapos ay i-tap ang I-save.

Idagdag ang bumbilya sa kuwarto sa ibang bahay

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. Pindutin nang matagal ang tile ng bumbilyang gusto mong idagdag sa kuwarto.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Bahay at pagkatapos ay pumili ng bahay at pagkatapos ay i-tap ang Susunod at pagkatapos ay pumili ng kuwarto at pagkatapos ay i-tap ang Susunod.

I-unlink sa speaker o display ang iyong mga ilaw

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Alisin ang device at pagkatapos ay Alisin.

Impormasyong partikular sa produkto

C by GE

Puwede kang magkonekta ng hanggang 6 na C by GE na bumbilya para sa bawat speaker o display.

Maglipat ng mga C by GE na bumbilya sa Google Home app mula sa C by GE app

Kung mayroon kang mga bumbilyang naka-set up na sa C by GE app, puwede mong i-delete ang mga iyon mula sa C by GE app at i-set up ang mga iyon sa Google Home app.

I-on ang iyong mga C by GE na ilaw. Naka-on dapat ang mga bumbilya bago ka makapagpatuloy.

I-delete ang mga bumbilya sa C by GE app. Ifa-factory reset nito ang mga bumbilya. Magbi-blink ang mga ito nang 3 beses kung matagumpay ang pag-factory reset. Kung hindi magbi-blink ang mga ito, kakailanganin mong i-factory reset ang bawat bumbilya nang manual. Tandaang iba ang sequence ng pag-reset depende sa bersyon ng firmware ng iyong bumbilya. Kung hindi gagana ang unang sequence ng pag-reset, mas luma ang bersyon ng iyong firmware at kakailanganin mong gamitin ang pangalawang sequence ng pag-reset.

Buksan ang Google Home appGoogle Home app at sundin ang sequence ng pag-set up para sa Made for Google.

Tandaan: Puwedeng magpatay-sindi ang bumbilya sa unang pag-update ng firmware nito pagkatapos ma-set up sa Google Home App.

Mga command gamit ang boses para sa pagkontrol ng ilaw para sa mga C-Sleep na bumbilya

Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," at pagkatapos ay:
Itakda ang mga C-Sleep na bumbilya sa kulay na Vibrant o para sa paggising "Set lights to bright white (I-set sa bright white ang mga ilaw)"
Itakda ang mga C-Sleep na bumbilya sa kulay na Aktibo o para sa pang-araw-araw "Set lights to soft white (I-set sa soft white ang mga ilaw)"
Itakda ang mga C-Sleep na bumbilya sa kulay na Kalmado o para sa pagtulog "Set lights to candlelight (I-set sa candlelight ang mga ilaw)"
Baguhin ang temperatura ng kulay ng mga C-Sleep na bumbilya "Change lights to 2700 kelvin (Gawing 2700 kelvin ang mga ilaw)" (hanay na 2000-7000)

 

I-unlink sa iyong speaker o display ang (mga) bumbilya mo

Tandaan: Hindi ka puwedeng mag-unlink ng mga indibidwal na C by GE smart light. Kapag nag-alis ka ng bumbilya sa pamamagitan ng flow na “I-unlink ang C by GE,” aalisin nito ang lahat ng C by GE na bumbilya.

  1. Tiyaking naka-on ang iyong (mga) bumbilya.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  4. Pindutin nang matagal ang tile ng C by GE na bumbilya.
  5. I-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Alisin ang device at pagkatapos ay Alisin. (Aalisin nito ang lahat ng iyong GE na bumbilya. Sa kasalukuyan, hindi nito sinusuportahan ang pag-aalis ng mga indibidwal na C by GE na bumbilya).

Kung hindi mahanap ng Google Home app ang iyong bumbilya habang sine-set up ito

Tandaan: Kung hindi lumalabas ang iyong mga bumbilya sa Google Home app o sa C by GE app, posibleng kailangang i-factory reset ang mga ito. Posibleng mas lumang firmware din ang ginagamit ng mga ito, kaya sundin ang pangalawang sequence ng pag-factory reset kung hindi gagana ang unang sequence.

Kung hindi tumutugon ang iyong bumbilya

  • Tiyaking may kuryente ang saksakan. Tingnan kung naka-on ang iyong wall switch.
  • I-off at i-on ang bumbilya. Inaabot nang hanggang isang minuto bago makakonekta ulit sa speaker o display ang bumbilya pagkatapos nitong magkakuryente. Subukan ang iyong ilaw at tingnan kung gumagana ito. Kung oo, tapos ka na.
  • Subukang gamitin ang bumbilya sa ibang lamp o saksakan.
  • Kung hindi gagana ang mga hakbang sa itaas, baka kailanganin mong i-factory reset ang iyong C by GE na bumbilya at i-set up ulit ang bumbilya.

Kung matatanggap mo ang mensahe ng error na "Nagkaproblema"

  • Baka hindi sapat ang lakas ng signal sa pagitan ng iyong bumbilya at ng speaker o display mo. Para palakasin ang signal, paglapitin ang bumbilya at ang iyong speaker o display. Hindi dapat lumampas sa 15 talampakan ang layo ng mga ito sa isa't isa.
  • Baka hindi ka miyembro ng bahay kung saan na-set up ang bumbilyaHilingin sa taong gumawa ng bahay na idagdag ka bilang miyembro.
  • Baka magdulot ng interference ang iba pang device na malapit sa iyong speaker o display, o mga C by GE na bumbilya. Kung mayroon kang kalapit na Wi-Fi router, cordless phone, microwave, o Bluetooth speaker, ilayo ito kung puwede.
  • Baka mayroon kang masyadong maraming C by GE na bumbilya sa isang speaker at display. Puwede kang magdagdag ng hanggang 6 na bumbilya sa bawat speaker at display.

Kung hindi mo pa rin malutas ang isyu, magbahagi ng feedback tungkol sa mga speaker at display.

I-factory reset ang iyong mga C by GE bulb

  1. Tiyaking naka-on ang lahat ng iyong bumbilya.
  2. I-factory reset ang iyong mga bumbilya. Tandaang iba ang sequence ng pag-reset depende sa bersyon ng firmware ng iyong bumbilya. Kung hindi magpapatay-sindi ang iyong mga bumbilya nang 3 beses pagkatapos mo sa unang sequence ng pag-reset, kakailanganin mong gamitin ang pangalawang sequence ng pag-reset.
  3. I-reboot ang speaker o display na ginagamit mo para i-set up ang iyong mga bumbilya. Pagkatapos, subukang i-set up ulit ang iyong mga bumbilya gamit ang Google Home app.

Tandaan: Kung nakakonekta ang iyong mga bumbilya sa C by GE app, puwede mo ring i-factory reset ang iyong mga bumbilya sa pamamagitan ng pag-unlink ng mga ito sa C by GE app. Magpapatay-sindi nang 3 beses ang mga bumbilya kapag na-unlink sa app. Kinukumpirma nitong naisagawa ang pag-factory reset.

Philips Hue

Mga command gamit ang boses para sa mga eksena ng Philips Hue

Para gawin ito: Sabihin ang "Hey Google," pagkatapos:
Mag-activate ng eksena "Activate <pangalan ng eksena> (I-activate ang <pangalan ng eksena>)" o "Set <pangalan ng eksena> (Itakda ang <pangalan ng eksena>)"
"Set <pangalan ng kuwarto> to <pangalan ng eksena> (Itakda ang <pangalan ng kuwarto> sa <pangalan ng eksena>)"
Mag-deactivate ng eksena "Deactivate <scene name> (I-deactivate ang <pangalan ng eksena>)"

Kung hindi mo maipares ang iyong Philips Hue bridge sa speaker o display

  1. Sabihin ang command gamit ang boses na "Hey Google, sync all devices (Hey Google, i-sync ang lahat ng device)."
  2. Tingnan ang mga sumusunod na item sa iyong Philips Hue bridge:
    1. Naka-on ba ang iyong Philips Hue bridge?
    2. Ikinabit mo ba ang iyong bridge sa Wi-Fi router mo?
    3. Nakabukas ba ang lahat ng ilaw sa itaas ng bridge?
  3. Tiyaking nasa iisang Wi-Fi network at nakakonenta sa iisang router ang iyong speaker o display at Philips Hue bridge.
  4. I-reboot ang iyong speaker o display at Philips Hue bridge.

Pangkalahatang pag-troubleshoot

Panimulang checklist

  1. Naka-on ba ang iyong speaker o display?
  2. Naka-set up ba nang maayos sa iyong Wi-Fi network ang speaker o display mo?
  3. Na-set up ba sa iisang WiFi network ang iyong mga smart light bulb?
  4. Ginagamit mo ba ang mga sinusuportahang command gamit ang boses na nakalista sa itaas?
  5. Kung naka-set up rin ang iyong mga ilaw sa app ng gumawa ng device, nakokontrol mo ba ang iyong mga ilaw gamit ang app na iyon?

Mga hakbang sa pag-troubleshoot

  • Tiyaking nasa iisang Wi-Fi network ang iyong mobile device, ang speaker o display mo, at ang iyong mga smart light bulb. Kung gumagamit ka ng bridge, tingnan din ang Wi-Fi network ng bridge na iyon.
  • Tiyaking naka-link sa iisang Google Account ang iyong mobile device at mga speaker at display mo.
    • I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong Google device. Kung tama, i-tap ang para isara ang window ng account. Para lumipat ng account, i-tap ang icon ng dropdown , pagkatapos ay i-tap ang ibang account o Magdagdag ng ibang account.

    • Para tingnan ang account ng iyong speaker o display, buksan ang Google Home app Google Home app . I-tap ang Mga Paborito o Mga Device at pagkatapos ay pindutin nang matagal ang tile ng iyong device at pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Pagkilala at pagbabahagi at pagkatapos ay (Mga) Naka-link na account.
  • Tiyaking naka-link ang iyong mga bumbilya sa Google Home app.
    • Buksan ang Google Home app Google Home app . I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
    • Kung hindi mo mahanap ang iyong mga ilaw, sapilitang isara ang Google Home app at subukan ulit.
    • Kung hindi mo pa rin mahanap ang iyong mga ilaw, i-set up ulit ang mga ilaw mo sa Google Home app.
  • Sabihin ang command gamit ang boses na "Hey Google, sync all devices (Hey Google, i-sync ang lahat ng device)."
  • I-rename ang iyong bumbilya.
    • Alisin ang pangalan ng kuwarto sa pangalan ng ilaw. Halimbawa, gamitin ang "Desk Light" sa halip na "Bedroom Desk Light."
    • Alisin ang mga numero at special character sa pangalan ng ilaw. Halimbawa, gamitin ang "Favorite Light" sa halip na "The #1 Light."
    • Gawing natatangi ang lahat ng pangalan ng bumbilya. Halimbawa, "Ilaw sa Pagbabasa" at "Ilaw sa TV" ang gamitin sa halip na "Kanang Ilaw sa Sofa" at "Kaliwang Ilaw sa Sofa."

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12219322143448274322
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false