Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-troubleshoot ang audio ng camera

Walang live o na-record na audio ng camera

  • Kung mayroon kang subscription sa Google Nest Aware, nire-record ang audio ng iyong camera sa history ng video mo hangga't naka-on ang mikropono.
    • Tiyaking naka-on ang mikropono ng iyong camera at tama ang mga setting ng audio.
      Puwede mong i-adjust ang volume ng speaker ng mga mas bagong camera at doorbell:
      • Sa Home app :  I-tap ang Mga Paborito o Mga Device   pindutin nang matagal ang tile ng iyong device  Mga Setting Nest settings icon  Audio at gamitin ang slider para i-adjust ang volume. Magagawa mo ring i-on o i-off ang mikropono at magpalit ng recording ng audio.
      • Sa Nest app, i-tap ang Camera Mga Setting Nest settings icon  Mikropono at i-on o i-off ang mikropono, o i-adjust ang sensitivity.
    • Hindi mababago ang volume ng speaker mga mas lumang Nest camera at doorbell. Kung kailangan, ilapit ang iyong camera sa malamang na magiging puwesto ng mga tao kapag nagsasalita.
    • Para sa higit pang impormasyon at tagubilin, pumunta sa Baguhin ang mga setting ng audio ng Nest camera.
  • Tiyaking malakas ang volume ng pag-playback ng media ng iyong telepono.
  • Kung gumagamit ka ng speaker o headphones na may kontrol ng volume, lakasan ang volume.
  • Kung nakikinig ka gamit ang app sa telepono at mahina ang iyong cellular na koneksyon, subukang lumipat sa lugar na may mas malakas na signal, o gumamit ng Wi-Fi. Kung mahina rin ang signal ng Wi-Fi, pumunta sa lugar kung saan mas malakas ang signal.
  • Kung mayroon kang mas lumang Nest Cam Indoor o Outdoor, para marinig ang sagot ng isang tao, bitawan ang button na Magsalita sa app (o i-click ang Tapos na sa computer).

Pagkaantala sa audio

Kapag nakikipag-usap ka sa mga tao gamit ang iyong camera o doorbell, karaniwang may maikling ilang segundong pagkaantala. Ito ay dahil hindi direktang nakakonekta sa iyong camera o doorbell ang telepono o Nest display mo. Mula sa iyong camera, nagsi-stream ang audio at mga video papunta sa serbisyo ng Nest at saka sa telepono mo. Kung mayroon kang mas bagong camera o doorbell at Google Nest smart display tulad ng Nest Hub Max, posibleng may maikling pagkaantala sa audio ang video at audio stream kapag awtomatikong lumilipat ang stream sa pagitan ng pag-stream sa serbisyo ng Nest at pag-stream nang direkta sa iyong display sa pamamagitan ng lokal na Wi-Fi network mo.

May ilang isyung posibleng magdulot ng matatagal na pagkaantala:

  • Posibleng may mga isyu sa koneksyon ang iyong camera o smart display, o pansamantalang nagkaroon ng overload sa bandwidth o pagbagal sa koneksyon mo sa internet. Posibleng nagkaka-isyu sa koneksyon ang network.
  • Posibleng maraming app na nakabukas sa iyong telepono, na puwedeng magpabagal sa pangkalahatang performance. Isara ang mga hindi mo kailangang app. Posible ring makatulong ang pag-restart ng iyong telepono.
  • Kung nakakakita ka ng alerto tungkol sa mahinang koneksyon sa Wi-Fi kapag tinitignan mo ang video stream ang iyong camera, subukang ilapit sa Wi-Fi router mo ang iyong camera. Para sa iba pang suhestyon, pumunta sa Pagkaantala o lag sa video.

Walang audio ang Magsalita at Makinig

Kapag nakikipag-usap ka sa mga tao gamit ang iyong camera o doorbell, karaniwang may maikling ilang segundong pagkaantala. Pero kung titigil sa paggana ang audio, i-tap lang nang dalawang beses ang icon na mikropono sa app. Ihihinto at ire-restart nito ang Magsalita at Makinig.

Hindi gumagana sa Safari ang Magsalita at Makinig

Kung hindi gumagana ang Magsalita at Makinig habang gumagamit ng Safari sa Mac na computer, puwede mong gawing Flash Player ang gusto mong video player. Para sa higit pang impormasyon at tagubilin, pumunta sa I-troubleshoot ang video ng camera sa computer.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2302024169269430811
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false