Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-troubleshoot ang mga alerto sa Nest camera

May advanced na pag-detect ng tunog at paggalaw ang mga Google Nest camera, na makakatulong sa iyong subaybayan ang mga bagay-bagay nang hindi naguguluhan sa aktibidad sa background. Pero kung masyadong marami o masyadong kaunti ang mga natatanggap mong alerto sa camera, o kung hindi ka naaabisuhan tungkol sa aktibidad sa panahong inaasahan mo, narito ang ilang bagay na puwede mong gawin para mapahusay ang mga alerto sa camera para sa iyo.

Tandaan: Nalalapat ito sa lahat ng Nest camera, Google Nest doorbell, at Nest Hub Max.

Pangkalahatang pag-troubleshoot

Kung hindi ka nakakatanggap ng anumang alerto sa camera sa panahong inaasahan mo, narito ang ilang bagay na dapat mong subukan:

  • Naka-off ang mga setting ng Home app bilang default. Puwede mong i-on o i-off ang mga notification anumang oras.

  • Tiyaking naka-on ang iyong camera. Kailangang isaksak sa outlet ang karamihan ng mga Nest camera para makapag-stream ng video at makapagpadala ng mga notification. Kung baterya ang ginagamit ng camera mo, tiyaking naka-charge ito.
  • Tiyaking online ang iyong camera sa app.
  • Tiyaking naka-on ang mga notification mula sa iyong camera sa app.

Tip: Posibleng gumana nang mas maayos ang mga alerto sa package kung naka-on din ang pag-detect ng tao. Kung hindi ka nakakatanggap ng mga alerto sa package kapag sa tingin mo ay dapat na nakakatanggap ka, tiyaking naka-on ang mga alerto para sa pag-detect ng tao ng camera o doorbell.

I-on ang pag-detect ng tao sa Home app
I-on ang pag-detect ng tao sa Nest app

Masyadong kaunting alerto sa camera

May na-detect ang iyong camera pero hindi ka nakatanggap ng alerto sa camera

Idinisenyo ang mga Nest camera para alertuhan ka kapag naka-detect ang mga ito ng mahalagang aktibidad para hindi ka mapadalhan ng sobra-sobrang notification. Dapat kang abisuhan ng iyong camera kapag una itong naka-detect ng aktibidad, pero hindi dapat ito magpadala ng mga karagdagang notification habang nagpapatuloy ang aktibidad.

Halimbawa, kung hindi ka nakatanggap ng notification noong may taong naglakad sa harap ng iyong camera, posibleng ito ay dahil may na-detect na itong katulad na aktibidad ilang sandali lang ang nakalipas.

I-troubleshoot

Tingnan ang aktibidad na nire-record ng iyong camera sa history ng video ng camera mo. Sa pamamagitan nito, madali mong matitingnan ang lahat ng na-detect ng camera mo kahit na hindi ka nakatanggap ng alerto.

History ng video sa Google Home app
History ng video sa Nest app

May nangyari pero hindi ito na-detect ng iyong camera

Tinutukoy ng mga Nest camera kung may bagay na gumalaw batay sa laki ng pagbabago sa larawan sa loob ng maikling yugto ng panahon. Kaya naman, posibleng hindi ka padalhan ng alerto ng iyong camera kung totoo ang sumusunod:

  • Nasa labas ng field of view ng iyong camera ang aktibidad.
  • May nakaharang sa view ng camera.
  • Napakalayo ng camera sa aktibidad.
  • Madilim o malabo ang ilaw sa eksena.

I-troubleshoot

Posibleng kailangan mong ilipat ang iyong camera, baguhin ang anggulo ng camera mo, o baguhin ang isang bagay na nasa eksena para wala kang makaligtaang mahalagang aktibidad. 

Katumpakan ng pag-detect ng event

Nakakatulong ang mga Nest cam at doorbell para makita mo kung ano ang nangyayari sa bahay, pero hindi perpekto ang mismong teknolohiya. Sinusubukan naming gawing tumpak hangga't posible ang mga event sa camera, pero posibleng magkamali ang iyong camera o doorbell sa mga bagay tulad ng:

  • Pagkakaiba ng larawan sa tunay na event. Halimbawa, ang isang t-shirt na may larawan ng aso ay puwedeng mag-trigger ng event sa pag-detect ng hayop.
  • Kung may taong gumagapang sa sahig, posibleng tukuyin ito bilang alagang hayop.
  • Posibleng magkamali sa pagtukoy sa mga malapit na kamag-anak.

Masyadong maraming alerto sa camera

Kung nakakatanggap ka ng masyadong maraming notification mula sa iyong camera, narito ang ilang bagay na puwede mong gawin para makatulong dito:

I-adjust kung tungkol sa aling aktibidad ka makakatanggap ng mga notification

Kung kailangan mo, puwede mong i-off ang mga notification para sa mga partikular na uri ng event para magpadala lang ang iyong camera ng mga alerto tungkol sa mga uri ng aktibidad na mahalaga sa iyo.

Tandaan: Maa-adjust ng sinumang may access sa iyong camera sa app kung aling mga notification ang matatanggap nila nang hindi nakakaapekto sa iba. Halimbawa, puwedeng piliin ng isang tao na makatanggap ng mga notification para sa lahat ng uri ng event, at puwedeng piliin ng ibang tao na makatanggap lang ng mga notification tungkol sa paggalaw sa partikular na zone.

Sundin ang mga tagubilin ng app para sa iyong camera para i-adjust ang mga notification nito.

Home app

  1. Buksan ang Home app Google Home app.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. I-tap ang Mga Setting .
  4. Piliin ang Mga Notification.
  5. Piliin kung para sa aling mga event mo gustong i-off ang mga notification.
    • Tandaan: Kung tuluyan mong io-off ang isang event, hindi ka papadalhan ng notification ng iyong camera kapag may na-detect na ganoong uri ng aktibidad. Hindi rin mamarkahan ang event sa history ng video ng iyong camera.

Nest app

  1. Buksan ang Nest app Nest app.
  2. Sa home screen, piliin ang iyong camera.
  3. I-tap ang Mga Setting Nest settings icon  Mga Notification.
  4. Piliin kung para sa aling mga event mo gustong i-off ang mga notification.

Para sa mga notification sa tunog, puwede mo ring baguhin ang mga setting ng speaker, mikropono, at audio ng iyong Nest camera. Tandaang kung io-off mo ang mikropono, mawawalan ng audio ang live stream at ire-record na video.

Mag-set up ng Mga Zone ng Aktibidad para mabawasan ang mga hindi gustong notification

Kung nakaka-detect ng maraming aktibidad ang iyong camera sa partikular na lugar (halimbawa, sa sidewalk kung saan maraming dumaraan), puwede kang gumawa ng zone at magtakda ng mga notification para sa aktibidad sa labas lang ng zone. Kung magtatakda ka ng mga notification para sa aktibidad sa labas ng zone, makakatulong ito para hindi ka makatanggap ng masyadong maraming alerto sa camera pero hindi mo gustong tuluyang i-off ang mga notification.

Tandaan: Kung nag-set up ka na ng Mga Zone ng Aktibidad, dapat na awtomatikong gumawa ang Home app ng zone na nasa labas ng mga zone mo para sa iyo.

Sundin ang mga tagubilin ng app para sa iyong camera para magamit ang Mga Zone ng Aktiibidad para mabawasan ang mga notification.

 Home app

  1. Buksan ang Home app Google Home app.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. I-tap ang Mga Setting   i-tap ang Mga Event  Mga nakitang event.
  4. Sa ilalim ng “Mga Zone ng Aktibidad,” i-tap ang Magdagdag ng zone Plus icon para markahan ang lugar kung para saan hindi mo gustong makatanggap ng mga alerto. Para i-save, i-tap ang Kumpirmahin Check.
  5. Pagkatapos mong mag-set up ng zone, bumalik sa mga setting ng iyong camera i-tap ang Mga Notification.
  6. Piliin ang kakagawa mo lang na zone.
  7. Tiyaking naka-off ang mga notification para sa anumang naka-enable na event para sa zone.
  8. Bumalik sa Mga nakitang event  i-tap ang Sa labas ng zone.
  9. I-on ang mga event at notification na gusto mong matanggap.

Hindi ka papadalhan ng iyong camera ng mga notification para sa aktibidad sa zone na iyon, pero makakatanggap ka pa rin ng mga notification para sa aktibidad sa iba pang lugar na nasa view nito.

Nest app

  1. Buksan ang Nest app Nest app.
  2. Sa home screen, piliin ang iyong camera.
  3. I-tap ang Mga Setting Nest settings icon  Mga Zone ng Aktibiddad  Gumawa ng Zone para markahan ang lugar kung para saan hindi mo gustong makatanggap ng mga alerto.
  4. Pagkatapos mong mag-set up ng zone, bumalik sa mga setting ng iyong camera  i-tap ang Mga Notification.
  5. Tiyaking naka-uncheck ang mga alerto para sa Mga Tao at Lahat ng iba pang paggalaw sa Zone ng Aktibidad na ginawa mo.
  6. Bumalik sa Mga Notification  i-tap ang Paggalaw sa labas ng isang zone.
  7. Lagyan ng check ang mga alertong gusto mong matanggap.

Hindi ka papadalhan ng iyong camera ng mga notification para sa aktibidad sa zone na iyon, pero makakatanggap ka pa rin ng mga notification para sa aktibidad sa iba pang lugar na nasa view nito.

I-troubleshoot ang mga notification at email

Kung hindi ka nakakatanggap ng mga alerto, o kung nakakatanggap ka ng mga alerto pero sa tingin mo ay hindi dapat, puwede mong i-troubleshoot ang mga notification at email mula sa Nest.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10361819188010048301
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false