Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Magbahagi ng bahay at mga device sa Google Home app

Mahalaga: Kung ginagamit mo ang Nest app at hindi ka pa nakakapag-migrate sa isang Google Account, pinapamahalaan mo ang mga bahay at mga taong nakikibahagi sa pag-access sa iyong bahay gamit ang Nest app.

Para ayusin at pamahalaan ang iyong mga device sa Google Home app, puwede kang gumawa ng bahay. Puwede kang mag-imbita ng mga miyembro ng bahay na makikibahagi sa pagkontrol sa bahay at sa mga device nito. Halimbawa, puwede mong ilagay sa isang bahay ang iyong mga nakagrupong speaker sa sala, ang mga ilaw sa opisina mo, at ang iyong thermostat, at puwede mong imbitahan ang mga kapamilya mo na maging miyembro ng bahay na iyon.

Tandaan: Posibleng abutin nang hanggang 5 minuto bago magkaroon ng bisa ang mga pagbabago sa pahintulot na ginawa sa iyong Google Home, tulad ng pagdaragdag o pag-aalis ng mga user sa isang bahay.

Ayusin ang mga device mo

Gumawa at mamahala ng bahay

Gumawa ng bahay
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Magdagdag Add.
  3. Pumili ng Bahay.
  4. Sundin ang mga hakbang sa screen.

Tip: Puwede kang magkaroon ng hanggang 5 bahay sa iyong account.

Magpalipat-lipat sa mga bahay
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito  at pagkatapos ay Pangalan ng kasalukuyang bahay.
  3. Mula sa drop-down, pumili ng bagong bahay.
    • Kung hindi lalabas ang icon ng drop-down, ibig sabihin, iisa lang ang iyong bahay sa Home app.
Maglipat ng device sa ibang bahay
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Kung mayroon kang higit sa isang bahay, i-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa itaas, piliin ang bahay na gusto mong i-delete.
  4. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  5. Pindutin nang matagal ang tile ng iyong device.
  6. I-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Impormasyon ng device at pagkatapos ay Bahay.
    • Kung hindi opsyon ang Impormasyon ng device, i-tap ang Bahay.
  7. I-tap ang bahay kung saan mo gustong ilipat ang device at pagkatapos ay Susunod at pagkatapos ay Ilipat ang device.
  8. Kung hihilingin, i-tap ang kuwarto kung saan mo gustong ilipat ang device at pagkatapos ay Susunod.

May ilang device na maililipat sa ibang bahay sa ganitong paraan:

  • Maililipat ang mga speaker, mga display, at Chromecast.
  • Hindi puwedeng ilipat sa ibang bahay ang ilang Nest at Wifi device.
  • Kung ililipat mo ang isang Charging Speaker Dock sa ibang bahay, kailangan mo ring ilipat ang iyong Google Pixel Tablet sa bahay na iyon.
Tip: Kung may device kang hindi puwedeng ilipat sa ibang bahay, kailangan mong i-factory reset ang iyong device at i-set up ulit ito sa bagong bahay.
Mag-rename ng device
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  3. I-tap ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting Settings.
  5. I-tap ang Pangalan.
  6. Maglagay ng bagong pangalan para sa iyong device.
  7. I-tap ang I-save.
Mag-rename ng bahay
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Setting Settings.
  3. I-tap ang Bahay at pagkatapos ay Nickname ng bahay.
  4. Ilagay ang bagong pangalan para sa iyong bahay.
  5. I-tap ang I-save.
Mag-delete ng bahay

Mahalaga: Puwede kang mag-delete ng bahay sa Google Home app kung ikaw lang ang miyembro ng bahay.

Kung hindi lang ikaw ang miyembro ng isang bahay, mula sa bahay sa Google Home app, kailangan mo munang alisin ang lahat ng iba pang miyembro. Kung hindi, ang sarili mo lang ang maaalis mo sa bahay at maa-access pa rin ng mga natitirang miyembro ang bahay at mga device nito.

Kapag nag-delete ka ng bahay:

  • Maaalis ang bahay sa iyong Google Account.
  • Hindi mo magagamit ang Google Home app para kontrolin ang mga device na idinagdag mo isang partikular na bahay maliban na lang kung ise-set up mo ulit ang mga device na iyon sa bagong bahay. Kabilang dito ang:
    • Mga Ilaw
    • Mga Display
    • Mga Speaker
    • Mga Camera
    • Mga Thermostat
  • Made-delete ang Data ng Mga Lock na nauugnay sa bahay, gaya ng history ng video mula sa mga Nest camera na pagmamay-ari mo o mga setting ng thermostat.

Tip: Hindi made-delete ang data na nauugnay sa iyong Google Account kung ide-delete mo ang iyong bahay. Alamin kung paano mag-alis ng data na nauugnay sa iyong account.

Para mag-delete ng bahay:

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Kung mayroon kang higit sa isang bahay, i-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa itaas, i-tap ang pababang arrow .
  4. Piliin ang bahay na gusto mong i-edit.
  5. I-tap ang Mga Setting Settings.
  6. Mag-scroll sa ibaba at pagkatapos ay I-delete ang bahay na ito .
  7. I-tap ang I-delete ang bahay.

Gumawa at mamahala ng mga kuwarto

Gumawa ng bagong kuwarto
  1. ​​​​​​Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Device at pagkatapos ay Tile ng iyong device.
  3. I-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Impormasyon ng device at pagkatapos ay Placement.
    • Kung hindi opsyon ang Impormasyon ng device, i-tap ang Placement.
  4. Pumili ng iminumungkahing pangalan ng kuwarto o mag-scroll pababa.
  5. I-tap ang Magdagdag ng custom na kuwarto.
Mag-rename ng kuwarto
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Kung mayroon kang higit sa isang bahay, i-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa itaas, piliin ang bahay kung nasaan ang kuwartong gusto mong i-rename.
  4. I-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga device, grupo, at kuwarto.
  5. I-tap ang pangalan ng kuwartong gusto mong i-rename.
  6. I-tap ang Pangalan at pagkatapos ayMaglagay ng pangalan at pagkatapos ay I-save.
Mag-delete ng kuwarto
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Kung mayroon kang higit sa isang bahay, i-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa itaas, piliin ang bahay kung nasaan ang kuwartong gusto mong i-delete.
  4. I-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga device, grupo, at kuwarto.
  5. I-tap ang pangalan ng kuwartong gusto mong i-delete.
  6. I-tap ang I-delete ang kuwarto.

Tip: Kapag nag-delete ka ng kuwarto, maaalis sa kuwarto ang anumang device na nasa kuwarto. Puwede mong idagdag ang mga device sa ibang kuwarto.

Pamahalaan ang mga miyembro ng bahay

Para makagamit ng mga device sa iyong bahay ang ibang tao, gaya ng mga miyembro ng pamilya o roommate, idagdag sila bilang mga miyembro ng bahay.

Mga tao lang na pinagkakatiwalaan mo ang dapat mong imbitahang maging mga miyembro ng bahay. Kapag naging miyembro ng bahay ang isang tao, ibabahagi sa kanya ang sumusunod na impormasyon at mga setting:

Kumpletong access at kontrol sa mga device at serbisyo

  • Magdagdag at mag-alis ng ibang miyembro ng bahay, kasama ka.
  • Magdagdag ng mga bagong device, tulad ng mga speaker, display, o smart light bulb
  • Gumamit at magbago ng mga setting ng mga device sa bahay.
  • Awtomatikong mag-link ng kanyang mga serbisyo ng media, gaya ng YouTube, sa mga speaker, smart display, at device na may built-in na Chromecast.

Aktibidad sa bahay

  • Tingnan ang mga aktibidad at event mula sa lahat ng device at serbisyong naka-link sa bahay.

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan at address ng tahanan

  • Baguhin ang address ng bahay.
  • Tingnan ang mga pangalan at email address ng lahat ng nasa bahay.

Mga feature ng Assistant

  • Mag-set up ng mga personal na resulta, Voice Match, at Face Match sa mga kasalukuyan at bagong device na sinusuportahan ng Assistant

Tip: Ang pangunahing user ng isang Pixel Tablet lang ang makakapag-set up ng Voice Match at mga personal na resulta.

Hindi ka makakapag-imbita ng sinuman gamit ang:

  • Google Workspace, dating G Suite, account
  • Google Account para sa mga batang wala pang 13 taong gulang o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa o rehiyon.

Alamin kung paano hayaan ang iyong anak na gamitin ang Google Assistant sa mga device mo.

Hanggang 6 na tao ang puwedeng gumamit ng isang bahay.

Mag-imbita ng mga miyembro sa isang bahay
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Kung mayroon kang higit sa isang bahay, i-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa itaas, piliin ang bahay na gusto mong i-delete.
  4. I-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Magdagdag Add at pagkatapos ay Miyembro ng bahay.
  5. Ilagay ang pangalan o email address ng taong gusto mong imbitahan sa iyong bahay.
  6. I-tap ang Susunod.
    • Makakatanggap ng email na may mga tagubilin ang taong iimbitahan mo.
  7. I-tap ang Susunod.
    • Suriin ang access ng tao sa iyong bahay.
  8. I-tap ang Ipadala.
  9. Kung hindi puno ang iyong Grupo ng Pamilya sa Google at hindi pa bahagi ng grupo ang taong iniimbita mo, makukuha mo ang opsyong imbitahan siya sa iyong Grupo ng Pamilya sa Google.
    • Para imbitahan siya, i-tap ang Idagdag sa Pamilya.
    • Para laktawan ang hakbang na ito, i-tap ang Huwag na Lang.

Makakatanggap ng email na may mga tagubilin ang taong iimbitahan mo.

Mga Tip:

  • Puwede kang magkaroon ng hanggang 6 na miyembro sa isang Grupo ng Pamilya sa Google.
  • Kung humiling nang sumali sa iyong bahay ang taong gusto mong imbitahan, sa halip na magpadala ng bagong imbitasyon, kailangan mong tanggapin ang request na iyon.
Tanggapin ang request ng isang tao na sumali sa iyong bahay

Kapag may nagpadala ng request para sumali sa iyong bahay, makakatanggap ka ng email na may request sa pag-imbita at notification sa mobile device mo.

  1. Sundin ang link sa email na natanggap mo o i-tap ang notification sa iyong mobile device.
  2. Pumili ng opsyon:
    • Para mag-imbita ng tao na sumali sa iyong bahay, i-tap ang Magpatuloy.
      • Makakakita ka ng impormasyon tungkol sa kung ano ang ibabahagi kapag nagdagdag ka ng tao sa iyong bahay.
    • Para tanggihan ang kanyang request, i-tap ang Tanggihan.
  3. Para magpatuloy, i-tap ang Susunod.
  4. Suriin ang access ng tao sa iyong bahay.
  5. I-tap ang Ipadala.
  6. Kung hindi pa bahagi ng iyong grupo ng pamilya ang taong iniimbitahan mo, tatanungin ka kung gusto mo siyang idagdag. Para imbitahin siya sa iyong grupo ng pamilya, i-tap ang Idagdag sa Pamilya.
    • Para laktawan ang hakbang na ito, i-tap ang Huwag na Lang.

Tip: Puwede kang magkaroon ng hanggang 6 na miyembro sa isang grupo ng pamilya. Kung puno na ang iyong grupo ng pamilya, hindi makikita ang opsyong ito.

Tumanggap ng imbitasyong maging miyembro ng bahay
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito  at pagkatapos ay Inbox .
  3. I-tap ang iyong nakabinbing imbitasyon.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa app para sumali sa bahay ng isang tao.
    • Para tanggapin, i-tap ang Susunod.
    • Para tanggihan, i-tap ang Tanggihan.
  5. Suriin kung ano ang ibinabahagi kapag sumali ka sa isang bahay.
  6. I-tap ang Sumasang-ayon.
  7. Gumawa ng nickname para sa bahay.
    • Tip: Ikaw lang ang makakakita ng nickname na ito.
  8. Sa susunod na kokonekta ka sa Wi-Fi ng bahay, para tapusin ang pag-set up ng Google Assistant, buksan ang Home app Google Home app na magdaragdag sa iyo sa mga device na nakakonekta sa Wi-Fi na iyon.

Para magawang basahin o ipakita ng Google Assistant ang mga resultang partikular sa iyo, puwede mong piliing i-set up ang Voice Match at Face Match at piliing i-on ang mga personal na resulta.

Alisin ang iyong sarili sa isang bahay

Kapag inalis mo ang iyong sarili sa isang bahay:

  • Mawawalan ka na ng access sa bahay at sa mga device at serbisyong nauugnay sa bahay na iyon.
  • Mananatiling may access sa bahay ang ibang miyembro.
  • Mawawalan na ng access ang ibang miyembro sa mga device o serbisyo na na-set up mo, kabilang ang mga Nest thermostat, alarm, lock o camera. Kung nag-set up ka ng Nest Cam sa iyong Nest Hub Max, hindi magiging available ang Nest Hub Max.

    Mga Pagbubukod: Magiging available pa rin sa ibang miyembro ng bahay ang mga sumusunod na device kahit na alisin mo ang iyong sarili sa bahay.
    • Google Pixel Tablet
    • Google Nest Wifi
    • Google Wifi
    • Mga Assistant-enabled na speaker at display
    • Chromecast
  • Mawawalan ka na ng access sa mga feature ng Nest Aware, kabilang na ang history ng video.
  • Patuloy na maa-access ng ibang miyembro ang mga feature ng Nest Aware.
  • Hindi maaalis ang iyong Google TV account sa bahay na ito.
    • Kailangan mong mag-sign out sa account na ito sa mga Google TV ng bahay na ito o sa account.google.com sa ilalim ng Seguridad at pagkatapos ay Iyong mga device.
  • Kung ikaw lang ang miyembro ng bahay, made-delete ang bahay, kasama ang data ng bahay tulad ng footage ng history ng video at mga setting ng thermostat.

Para alisin ang iyong sarili:

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Kung mayroon kang higit sa isang bahay, i-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa itaas, piliin ang bahay na gusto mong i-delete.
  4. I-tap ang Mga Setting Settings.
  5. Sa ilalim ng pangalan ng bahay, i-tap ang mga icon ng profile ng mga miyembro ng bahay.
  6. Piliin ang icon ng iyong profile.
  7. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Alisin at pagkatapos ay Umalis sa bahay.
Mag-alis ng ibang miyembro sa isang bahay

Kapag nag-alis ka ng mga miyembro sa isang bahay:

  • Ipapaalam sa kanilang inalis sila sa bahay.
  • Hindi naka-link ang account niya sa mga device at hindi siya magkakaroon ng access sa mga device o serbisyo sa bahay. Matuto pa tungkol sa mga FAQ sa Privacy: Google Nest.
  • Dapat manatili sa iyong bahay ang mga Assistant-enabled na device gaya ng Google Pixel Tablet at mga Nest speaker at display, kasama ang mga na-set up ng inalis na miyembro. Maaalis ang pagkaka-link ng mga device na ito sa miyembro ng bahay na inalis mo.

    Pagbubukod: Puwedeng ma-delete ang footage ng history ng video at puwedeng maalis ang Nest Hub Max.
  • Hindi na niya maa-access ang mga feature ng Nest Aware, kabilang ang history ng video.
  • Hindi maaalis ang iyong Google TV account sa bahay na ito.
    • Kailangan mong mag-sign out sa account na ito sa mga Google TV ng bahay na ito o sa account.google.com sa ilalim ng Seguridad at pagkatapos ay Iyong mga device.
  • Kung na-migrate ng miyembrong aalisin mo ang kanyang Nest Account at mga Nest device gaya ng mga camera at thermostat sa isang Google Account, posibleng maalis ang mga device na iyon sa bahay. Posibleng permanenteng ma-delete ang data na nauugnay sa kanyang mga Nest device at bahay, kabilang ang footage ng history ng video at mga setting ng thermostat.

Para mag-alis ng ibang miyembro:

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Kung mayroon kang higit sa isang bahay, i-tap ang Mga Paborito .
  3. Sa itaas, piliin ang bahay na gusto mong i-delete.
  4. I-tap ang Mga Setting Settings.
  5. Sa ilalim ng pangalan ng bahay, i-tap ang mga icon ng profile ng mga miyembro ng bahay.
  6. Piliin ang icon ng profile ng miyembro ng bahay na gusto mong alisin.
  7. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Alisin at pagkatapos ay Alisin.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15656671287233342271
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false