Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Mag-set up at magkontrol ng mga Cync (C by GE) na bumbilya at plug

Tandaan: Sa mga Cync (C by GE) na bumbilya at plug lang nalalapat ang artikulong ito.

Para sa impormasyon tungkol sa kung paano mag-set up at magkontrol ng mga bumbilya o plug mula sa iba pang manufacturer o ng Cync (C by GE) na smart switch, tingnan ang aming page ng pagkontrol ng smart device at page ng pag-set up ng smart device.

Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Nest na i-on at i-off ang iyong mga Cync (C by GE) device at kontrolin ang liwanag ng bumbilya mula sa malayo sa pamamagitan ng paggamit ng mga command gamit ang boses, Google Home app, o visual display tulad ng Google Nest Hub. Ang lahat ng Cync (C by GE) na plug at bumbilya, kasama ang mga Soft White at Tunable White bulb, ay puwedeng ipares sa iyong Google Nest o Google Home speaker o display. Puwede kang magkonekta ng hanggang 6 na Cync (C by GE) na bumbilya at plug sa bawat speaker o display.

I-set up ang iyong mga Cync (C by GE) device

Tandaan: Kung hindi lumalabas ang iyong Cync (C by GE) device sa panahon ng Seamless na pag-set up, i-set up muna ang device mo sa Cync (C by GE) app. Pagkatapos, sundin ang mga hakbang para magkonekta ng iba pang smart device sa Google Home app.

Mag-set up ng mga Cync (C by GE) device sa Google Home app

Kung hindi naka-set up ang iyong mga Cync (C by GE) device sa Cync (C by GE) app, puwede mong i-set up ang mga iyon sa Google Home app.

  1. Isaksak ang iyong device sa kuwarto kung nasaan ang speaker o display mo.
  2. I-set up ang iyong speaker o display kung hindi mo pa ito nagagawa.
  3. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  4. I-tap ang Mga Device   Magdagdag   Gumagana sa Google Home Works with Google Home.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa app para tapusin ang pag-set up. 

Tip: Gagamitin ang ipapangalan mo sa iyong device para sa mga command gamit ang boses. Gumamit ng pangalang gaya ng "reading light" o "overhead light." Huwag isama ang pangalan ng kuwarto kapag pinangalanan mo ang device. 

Tandaan: Posibleng mag-blink ang device sa unang pag-update ng firmware nito pagkatapos mo itong i-set up sa Google Home app.

Ilipat ang mga Cync (C by GE) device sa Google Home app mula sa Cync (C by GE) app

Para maglipat ng mga device mula sa Cync (C by GE) app, i-delete ang mga ito sa Cync (C by GE) app at i-set up ang mga ito sa Google Home app.

  1. I-on ang iyong Cync (C by GE) device. Naka-on dapat ang device bago ka makapagpatuloy.
  2. I-delete ang device sa Cync (C by GE) app. Ifa-factory reset din ng pagkilos na ito ang device.
    • Kung matagumpay ang pag-factory reset, dapat mag-blink nang 3 beses ang bumbilyang ise-set up mo o mag-blink nang asul ang LED ng plug.
    • Kung hindi mag-blink ang bumbilya o ilaw ng plug, ibig sabihin, kailangan mong manual na i-factory reset ang bawat bumbilya o plug. Tandaang naiiba ang sequence ng pag-reset depende sa bersyon ng firmware ng iyong device. Kung hindi gagana ang unang sequence ng pag-reset, ibig sabihin, mas luma ang bersyon ng iyong firmware at kakailanganin mong gamitin ang pangalawang sequence ng pag-reset.
  3. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  4. I-tap ang Mga Device   Magdagdag   Gumagana sa Google Home Works with Google Home.
  5. Pumili ng bahay kung saan ise-set up ang device at i-tap ang Susunod. Magsisimulang mag-scan ang Home app para sa mga kalapit na device na handa nang ma-set up.
  6. Piliin ang bumbilya o plug na gusto mong i-set up. Magbi-blink ang device mo kapag pinili ito.
  7. Pagpili ng kuwarto: Piliin kung nasaang kuwarto ang iyong device.
    • Para gumawa ng custom na kuwarto, i-tap ang Magdagdag ng custom na kuwarto at pagkatapos ay i-type ang pangalan ng kuwarto at pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
  8. Pangalanan ang iyong device: I-type ang pangalang gusto mong gamitin para sa mga command gamit ang boses. Inirerekomendang gumamit ng pangalang nagbibigay ng konteksto gaya ng "reading light" o "plug ng coffee maker." Para sa pinakamahuhusay na resulta, huwag isama ang pangalan ng kuwarto sa pangalan ng device.
  9. Posibleng makatanggap ng update at mag-blink nang ilang beses ang iyong device. I-tap ang OK.
  10. Handa na ang iyong mga device. I-tap ang Magpatuloy.
  11. Matagumpay ang pag-set up. Tapos ka na!

Tandaan: Posibleng mag-blink ang device sa unang pag-update ng firmware nito pagkatapos mo itong i-set up sa Google Home app.

Kontrolin ang iyong mga ilaw gamit ang speaker o display

Para gawin ito: Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay:
Para i-on o i-off ang partikular na ilaw (halimbawa: "desk light") "Turn off the desk light (I-off ang desk light)"
I-dim ang mga ilaw "Dim the desk light (I-dim ang desk light)" o "Dim all the lights (I-dim ang lahat ng ilaw)”
Gawing mas maliwanag ang mga ilaw "Brighten the desk light (Gawing mas maliwanag ang desk light"
Itakda sa partikular na porsyento ang liwanag ng ilaw "Set desk light to 50% (Itakda sa 50% ang desk light)" o "Set lights to 70% (Itakda sa 70% ang mga ilaw)"
I-dim o gawing mas maliwanag ang mga ilaw nang partikular na porsyento "Dim lamp by 50% (I-dim ang lamp nang 50%)" o "Brighten lights by 10% (Gawing mas maliwanag ang mga ilaw nang 10%)"
I-on o i-off ang lahat ng ilaw "Turn on all of the lights (I-on ang lahat ng ilaw)" o “Turn off all of the lights (I-off ang lahat ng ilaw)"
Itakda ang mga Tunable White bulb sa kulay na Vibrant o para sa paggising "I-set sa bright white ang mga ilaw"
Itakda ang mga Tunable White bulb sa kulay na Aktibo o para sa pang-araw-araw "I-set sa soft white ang mga ilaw"
Itakda ang mga Tunable White bulb sa kulay na Kalmado o pampatulog  "I-set sa candlelight ang mga ilaw"
Baguhin ang temperatura ng kulay ng mga Tunable White bulb "Gawing 2700 kelvin ang mga ilaw" (hanay na 2000-7000)

Kontrolin ang iyong mga plug gamit ang speaker o display

Para gawin ito: Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay:
Para mag-on o mag-off ng partikular na plug (Halimbawa: “desk plug”) "Turn off the desk plug (I-off ang desk plug)"
I-on o i-off ang lahat ng plug "Turn on all of the plugs (I-on ang lahat ng plug)" o “Turn off all of the plugs (I-off ang lahat ng plug)"

Tandaan: Kapag nasa iisang kuwarto ang iyong speaker o display at mga Cync (C by GE) device, malalaman ng speaker o display mo kung alin sa iyong mga command gamit ang boses ang para sa mga Cync (C by GE) device na nasa kuwartong iyon. Halimbawa, kung nasa sala ang iyong speaker at mga bumbilya, at sinabi mo ang “Ok Google, i-off ang mga ilaw,” mag-o-off ang mga ilaw sa sala.

Kontrolin ang iyong mga ilaw at plug gamit ang Google Home app

Para mahanap ang screen sa pagkontrol para sa iyong device, buksan ang Google Home app Google Home app at pagkatapos ay i-tap ang iyong device.

Puwede mong i-on at i-off ang iyong device o baguhin ang temperatura ng kulay ng Tunable White bulb.

Magtakda ng iskedyul para sa iyong mga ilaw at plug

Puwede mong gamitin ang Mga Routine para magtakda ng iskedyul para sa iyong device.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app
  2.  I-tap ang Mga Automation .
  3. I-tap ang Magdagdag o mag-tap ng magagamit kaagad na Routine.

Tandaan: Kakailanganin mong maglagay ng command gamit ang boses para sa iyong Routine. Dapat ay awtomatiko pa ring magsimula ang Routine sa oras na iniskedyul mo.

Magtakda ng nickname para sa iyong ilaw o plug

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2.  I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Pangalan.
  5. Maglagay ng pangalan at pagkatapos ay i-tap ang I-save.

Tip: Gagamitin ang ipapangalan mo sa iyong device para sa mga command gamit ang boses. Gumamit ng pangalang gaya ng "reading light" o "overhead light." Huwag isama ang pangalan ng kuwarto kapag pinangalanan mo ang device. 

I-unlink sa Home app ang iyong (mga) Cync (C by GE) device

Tandaan: Hindi ka puwedeng mag-unlink ng mga indibidwal na Cync (C by GE) na ilaw o plug. Kapag nag-alis ka ng isang Cync (C by GE) device sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, aalisin nito ang lahat ng Cync (C by GE) device:

  1. Tiyaking naka-on ang iyong mga bumbilya o plug.
  2. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  3. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device
  4. Pindutin nang matagal ang tile ng iyong Cync (C by GE) device.
  5. I-tap ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Alisin ang device at pagkatapos ay Alisin. Kapag nag-alis ka ng isang device, aalisin nito ang lahat ng iyong Cync (C by GE) na bumbilya at plug. Hindi sinusuportahan ang opsyon para mag-alis ng mga indibidwal na Cync (C by GE) na ilaw at plug.

Kung hindi mahanap ng Google Home app ang iyong bumbilya o plug habang nagse-set up

  1. I-off ang device sa loob ng 10 segundo at pagkatapos ay i-on ito ulit.
  2. Siguraduhing nasa iyo ang pinakabagong bersyon ng Google Home app.
  3. I-reboot ang iyong speaker o display.
  4. Sapilitang isara ang Google Home app.
  5. I-factory reset ang iyong speaker o display.

Tandaan: Kung hindi lumalabas ang iyong mga bumbilya o plug sa Google Home app o sa Cync (C by GE) app, posibleng kailangang i-factory reset ang mga ito. Posible ring mas lumang firmware ang ginagamit ng iyong mga bumbilya o plug, kaya sundin ang pangalawang sequence ng pag-factory reset kung hindi gagana ang unang sequence.

Kung hindi tumutugon ang iyong bumbilya o plug

  • Tiyaking may kuryente ang saksakan. Tingnan kung naka-on ang iyong wall switch.
  • I-off at i-on ang bumbilya o plug. Inaabot nang hanggang isang minuto bago makakonekta ulit ang device sa iyong speaker o display pagkatapos nitong magkakuryente. Subukan ang iyong ilaw o plug at tingnan kung gumagana ito. Kung oo, tapos ka na.
  • Subukang gamitin ang device sa ibang lamp o saksakan.

Kung matatanggap mo ang mensahe ng error na "Nagkaproblema"

  • Posibleng hindi sapat ang lakas ng signal sa pagitan ng iyong device at ng speaker o display mo. Para palakasin ang signal, paglapitin ang Cync (C by GE) device at ang iyong speaker o display. Hindi dapat lumampas sa 15 talampakan ang layo ng mga ito sa isa't isa.
  • Baka hindi ka miyembro ng bahay kung saan na-set up ang Cync (C by GE) device. Hilingin sa taong gumawa ng bahay na idagdag ka bilang miyembro.
  • Baka magdulot ng interference ang iba pang device na malapit sa iyong speaker o display o Cync (C by GE) device. Kung mayroon kang kalapit na Wi-Fi router, cordless phone, microwave, o Bluetooth speaker, ilayo ito kung puwede.
  • Posibleng masyado kang maraming Cync (C by GE) device sa iisang bahay sa Home app. Puwede kang magdagdag ng hanggang 6 na Cync (C by GE) device bawat Google Assistant device sa iyong bahay.

Kung hindi mo pa rin malutas ang isyu, magbahagi ng feedback tungkol sa iyong speaker, display, o Google Home app.

I-factory reset ang iyong mga Cync (C by GE) device

Sundin ang mga hakbang na ito para i-reset ang iyong mga Cync (C by GE) na ilaw at plug:

Kung gusto mong mag-set up ng Cync (C by GE) smart switch

Sundin ang mga hakbang para mag-set up ng mga device para sa smart na tahanan. Iba ang mga hakbang sa pag-set up na ginagamit ng mga Cync (C by GE) switch kaysa sa mga bumbilya o plug. Pagkatapos mong buksan ang Google Home app Google Home app: I-tap ang Mga Device   Magdagdag   Gumagana sa Google Home Works with Google Home.

Ngayon ka pa lang ba gagamit ng mga smart light? Ang Smart Light Starter Kit ang iyong unang hakbang sa home automation na may Google Nest Mini (2nd gen) o Google Home Mini (1st gen), at GE Soft White Smart Bulb sa iisang package.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12427004105585790147
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false