Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Pansamantalang i-off ang Google Assistant

Sa pamamagitan ng Downtime, makakapagtakda ka ng iskedyul para limitahan kung kailan puwedeng gamitin ang iyong Google Nest speaker o display. Ang Downtime ay bahagi ng mga tool sa Digital Wellness ng Google Home app at makakatulong ito sa iyong pamahalaan ang paggamit ng mga speaker at display ng pamilya mo. Ang mga miyembro ng bahay lang ang puwedeng gumawa at mamahala ng mga iskedyul ng Downtime. Matuto pa kung paano magbahagi ng bahay at mga device sa Google Home app.

Gumawa ng iskedyul ng Downtime

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Setting   Digital Wellness  I-set up. Puwede mong i-set up ang Mga Filter o puwede kang lumaktaw sa pag-set up ng Downtime. Kung dati mo nang na-set up ang Mga Filter, sa ilalim ng "Downtime," i-tap ang Bagong iskedyul.
  3. Sundin ang mga hakbang sa app para mag-iskedyul ng Downtime.
 

Baguhin ang iskedyul ng Downtime

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Digital Wellness.
  3. I-tap ang iskedyul na gusto mong baguhin.
  4. I-off ang iyong iskedyul o gumawa ng mga pagbabago, at pagkatapos ay i-tap ang I-save.
 

Ano ang mangyayari kapag naka-on ang Downtime

  • Hindi sasagot ang iyong device sa karamihan ng mga command o tanong. Gagana pa rin ang mga command para maghinto o magkansela ng mga aktibidad.
  • Hindi ka makakatanggap ng mga notification sa iyong device.
  • Hindi gagana ang mga routine maliban na lang kung nagsimula ka nito bago mo na-on ang Downtime.
  • Magpapatuloy ang mga aktibidad na nagsimula bago ang Downtime. Halimbawa, makakapag-play ka ng musika bago magsimula ang Downtime, at magpapatuloy itong mag-play hanggang sa ihinto mo ito.
  • Makakapagtakda ka ng alarm o timer, o maitatanong mo ang oras.
  • Makakagamit ka ng mga command para kontrolin ang iyong mga smart device para sa home automation, tulad ng kapag hiniling mo sa iyong Assistant na i-on o i-off ang mga ilaw.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5542435259488896597
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false