Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-pause ang internet on demand o ayon sa iskedyul

Gamit ang pag-pause ng Wi-Fi, puwede mong i-pause ang internet para sa isang grupo ng mga device o para sa mga partikular na device sa Google Home app. Puwede ka ring paunang magtakda ng iskedyul para sa mga regular na routine tulad ng kapag naghahanda ka para sa pagtulog o walang abalang oras para sa homework.

Tandaan: Hindi magagamit ang mga feature ng Family Wi-Fi sa mga device na gumagamit ng Pribagong Address o Naka-randomize na MAC Address. Pinipigilan ng setting na ito sa iyong telepono, tablet, computer, o ibang device na matukoy ang mga ito. Kung makakaranas ka ng mga problema sa pagsubok na gamitin ang Family Wi-Fi, baguhin o i-disable ang Naka-randomize na MAC setting ng iyong device.

I-pause at ipagpatuloy ang internet sa mga device

Mag-pause at magpatuloy ng grupo

Bago ka magsimula, gumawa ng grupo sa Pampamilyang Wi-Fi.

Sa Google Home app

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Pampamilyang Wi-Fi.
  3. Sa ilalim ng pangalan ng iyong grupo, i-tap ang I-pause o I-unpause. Baka kailanganin mong mag-swipe pakaliwa para makahanap ng higit pang grupo.

Sa Google Assistant

Puwede kang mag-pause at mag-unpause ng mga grupo gamit ang boses mo. Sabihin ang "Ok Google," pagkatapos ay:
  • "I-pause ang Wi-Fi para sa [pangalan ng grupo ng Pampamilyang Wi-Fi]."
  • "I-unpause ang Wi-Fi para sa [pangalan ng pangkat ng Pampamilyang Wi-Fi]."

Available ito para sa mga system ng Google Nest Wifi sa Home app. Matuto pa tungkol sa kung paano i-set up ang Voice Match at kontrolin ang iyong mga device sa pamamagitan ng boses.

Mag-pause at magpatuloy ng partikular na device

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Mga Device.
  3. I-tap ang device na gusto mong i-pause at pagkatapos ay I-pause ang device at pagkatapos ay yugto ng panahong ipo-pause at pagkatapos ay I-save. Para magpatuloy, i-tap ang Naka-pause na device.

Mga nakaiskedyul na pag-pause

Gumawa ng nakaiskedyul na pag-pause

Puwede mong awtomatikong i-pause ang internet para sa mga pang-araw-araw na event gaya ng oras ng pagtulog ng iyong mga anak o mga hapunan kasama ng pamilya. Gumawa ng iskedyul at piliin ang mga grupo kung saan ilalapat ang iskedyul. Mag-o-offline at mag-o-online ulit ang mga device na pipiliin mo alinsunod sa iyong iskedyul.

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Pampamilyang Wi-Fi at pagkatapos ay Magdagdag  at pagkatapos ay Iskedyul .
  3. Bigyan ng pangalan ang iyong iskedyul.
  4. Pumili ng grupo at pagkatapos ay i-tap ang Susunod.
  5. Pumili ng oras ng pagsisimula, oras ng pagtatapos, at mga araw kung kailan mo gustong mangyari ang nakaiskedyul na pag-pause.
  6. I-tap ang Tapos na.

Mag-edit ng nakaiskedyul na pag-pause

Puwede mong i-edit ang pangalan, mga nakaiskedyul na oras, at mga pangkat na nauugnay sa iskedyul.

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Wifi  at pagkatapos ay Pampamilyang Wi-Fi at pagkatapos ay iyong iskedyul.
  3. I-edit ang iyong iskedyul at i-tap ang Tapos na.

Tingnan ang mga paparating na iskedyul

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Wi-Fi  at pagkatapos ay Pampamilyang Wi-Fi.

Ipagpaliban ang mga aktibo o paparating na iskedyul

Paminsan-minsan, may mga nangyayaring hindi inaasahan, kaya baka gustuhin mong ipagpaliban ang isang paparating na nakaiskedyul na pag-pause.

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Wi-Fi  at pagkatapos ay Pampamilyang Wi-Fi.
  3. Sa tabi ng iskedyul na gusto mong antalahin, i-tap ang Higit pa 더보기 at pagkatapos ay Antalahin nang 30 min.

Laktawan ang isang paparating na iskedyul

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Wi-Fi  at pagkatapos ay Pampamilyang Wi-Fi.
  3. Sa tabi ng iskedyul na gusto mong antalahin, i-tap ang Higit pa 더보기 at pagkatapos ay Laktawan.

Maagang tapusin ang mga aktibong iskedyul

Puwede mong tapusin ang isang aktibong iskedyul bago pa sumapit ang nakaiskedyul nitong oras ng pagtatapos. Kapag tinapos mo ang aktibong iskedyul, magpapatuloy ang Wi-Fi sa mga device sa iyong grupo. Itutuloy ang iskedyul sa susunod nitong nakaiskedyul na oras.

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap ang Wi-Fi  at pagkatapos ay Pampamilyang Wi-Fi.
  3. Sa tabi ng iskedyul na gusto mong antalahin, i-tap ang Higit pa 더보기 at pagkatapos ay Tapusin ang iskedyul.

Magkonekta ulit ng naka-pause na device

Kung hindi mo sinasadyang i-pause ang device na ginagamit mo para i-access ang Google Home app, narito ang ilang paraan para makapag-online ulit ang iyong device:

  • Kung gumagamit ka ng device na may data plan, i-off ang Wi-Fi ng iyong telepono at gamitin ang data mo para i-access ang Google Home app. Pagkatapos ay buksan ulit ang app at ipagpatuloy ang iyong device.
  • Kung may access ka sa isa pang device na may naka-install na Google Home app, doon ipagpatuloy ang iyong device.
  • Mag-tether ng koneksyon sa Wi-Fi mula sa telepono o hotspot sa iyong bahay at ikonekta rito ang device mo. Pagkatapos, buksan ulit ang app para ipagpatuloy ang device mo.
  • Maghanap ng ibang lokasyong may available na Wi-Fi para ikonekta at ipagpatuloy ang iyong device.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9077729371753006893
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false