Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Magpadala ng impormasyon sa iyong telepono mula sa speaker o display mo

Ang Google Assistant sa iyong Google Nest o Home speaker o display ay puwedeng magpadala ng impormasyon sa telepono mo at tulungan kang matuto pa tungkol sa paksa. Kasama rito ang mga bagay gaya ng mga direksyon, impormasyon ng trapiko, at standing sa sports.

Kasalukuyang available ang feature na ito sa US, Canada, UK, Australia, India, Singapore, Germany, at Japan.

Tandaan: Kung naka-enable ang Digital Wellness, baka paghigpitan o i-block ng Downtime, Mga Filter, o Huwag istorbohin ang feature na ito.

Matuto pa tungkol sa Digital Wellness

Hakbang 1. Magsimula sa Google Assistant app

I-download at i-set up ang Google Assistant app. Kung nagamit mo na ang Google Assistant app, lumaktaw sa susunod na hakbang.

Hakbang 2. Tiyaking naka-sign in ang iyong telepono at speaker o display sa iisang Google Account

Sa iyong Android device

I-tap ang Mga Setting Settings  Mga Account  tiyaking nakalista ang iyong Google Account, o kung hindi, i-tap ang Magdagdag ng account.

Sa Google Home app

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account.
  3. I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong Google device. Kung tama, i-tap ang para isara ang window ng account. Para lumipat ng account, i-tap ang icon ng dropdown , pagkatapos ay i-tap ang ibang account o Magdagdag ng ibang account.

Hakbang 3. I-on ang mga notification

  1. Tiyaking nakakonekta sa Wi-Fi network o naka-link sa account ang iyong mobile device o tablet kung saan naka-link ang speaker o display mo.
  2. Buksan ang Google Home app .
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Pagkilala at pagbabahagi at pagkatapos ay Pagkilala at pag-personalize.
  5. Para i-on ang mga notification, i-on muna ang Payagan ang mga personal na resulta.
  6. Mag-scroll pababa, pagkatapos ay piliin kung paano mo gustong lumabas ang iyong mga personal na resulta.
  7. Para i-on ang mga notification, i-tap ang Palaging proactive na ipakita. Kung gusto mong i-off ang mga notification, i-tap ang Huwag proactive na ipakita.

Hakbang 4. I-set up ang Voice Match sa iyong speaker o display

Kung ikaw lang ang gumagamit sa device, puwede mo nang laktawan ang hakbang na ito. Kung maraming taong gumagamit sa speaker o display, kailangang mag-set up ang bawat tao ng Voice Match para makatanggap sila ng impormasyon sa kanilang telepono.

Hindi makakapagpadala ng impormasyon sa mga telepono ang sinumang hindi pa nakakapag-set up ng Voice Match.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Voice Match.
  3. Ipapakita sa iyo ng app ang lahat ng device na sumusuporta sa Voice Match. Mag-tap ng device para i-enable o i-disable ang Voice Match.
    • Kung wala kang anumang device na naka-enable ang Voice Match, i-tap ang Magsimula at sundin ang mga hakbang sa app.
    • Para awtomatikong i-on ang Voice Match para sa mga bagong device sa parehong bahay, i-on ang Mga device na idaragdag mo sa ibang pagkakataon.

Hakbang 5. Magpadala ng impormasyon sa iyong telepono

Pagkasagot ng iyong Google Assistant sa una mong query, sabihin ang "Hey Google, ipadala ito sa telepono ko."

Tandaan: Kung hihiling ka ng mga bagay sa iyong speaker o display kung saan makakatulong ang telepono mo o ang isang screen, awtomatikong ipapadala ng iyong Assistant ang impormasyon sa telepono mo. Kasama rito ang mga bagay tulad ng mga direksyon, impormasyon sa trapiko, at mga standing sa sports.

Mga sinusuportahang feature

Puwede kang magpadala ng impormasyon tungkol sa mga feature na ito sa iyong telepono:

Impormasyon sa kalendaryo

  • Sabihin ang "Hey Google, ano ang nasa agenda ko?" at pagkatapos ay “Ipadala sa telepono ko.”

Listahan ng bibilhin

  • Sabihin ang "Hey Google, ano ang nasa listahan ng bibilhin ko?" at pagkatapos ay “Ipadala sa telepono ko.”

Lagay ng Panahon

  • Sabihin ang "Hey Google, ano ang lagay ng panahon sa Paris sa susunod na linggo?” at pagkatapos ay “Ipadala sa telepono ko.”

Mga standing at iskedyul sa sports

  • Sabihin ang "Hey Google, ano ang score ng Giants?" at pagkatapos ay “Ipadala sa telepono ko.”

Mga Pelikula

  • Sabihin ang "Hey Google, ano ang mga pelikulang ipinapalabas sa malapit?" at pagkatapos ay “Ipadala sa telepono ko.”

Mga Listahan

  • Sabihin ang "Hey Google, mga tanawin sa San Francisco" at pagkatapos ay “Ipadala sa telelpono ko.”

Mga larawan at litrato

  • Sabihin ang "Hey Google, mga larawan ni Elvis Presley" at pagkatapos ay “Ipadala sa telepono ko.”

Mga Pagsasalin

  • Sabihin ang "Hey Google, Paano sabihin ang 'Hello' sa Japanese?" at pagkatapos ay “Ipadala sa telepono ko.”

Impormasyon sa pananalapi

  • Sabihin ang "Hey Google, presyo ng stock ng Google" at pagkatapos ay “Ipadala sa telepono ko.”

Mga Direksyon

  • Sabihin ang "Hey Google, paano ako makakapunta sa Costco?" at pagkatapos ay “Ipadala sa telepono ko.”

Trapiko

  • Sabihin ang "Hey Google, gaano katagal ang pag-commute ko?" at pagkatapos ay “Ipadala sa telepono ko.”

Hakbang 6. Makakuha ng impormasyon sa iyong telepono

Kung na-activate mo ang Assistant sa iyong telepono at na-on mo ang mga notification, makakatanggap ka ng notification sa iyong telepono. Para sa higit pang impormasyon, mag-tap sa notification. Kung hindi mo na kailangan ang impormasyon o notification, puwede mo itong i-swipe paalis.

Tandaan: Mananatili sa iyong telepono nang 24 na oras ang mga hindi pa nababasang notification.

Mag-ayos ng problema

Kung hindi ka nakakatanggap ng impormasyon sa iyong telepono, subukan ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Tiyaking na-activate mo ang iyong Assistant.
  2. Tiyaking hiniling mo ang impormasyon sa isang sinusuportahang feature. Ang musika, mga alarm, at mga timer ay ilang feature na hindi maipapadala sa iyong telepono.
  3. Tiyaking naka-sign in ang iyong telepono at speaker o display sa iisang Google Account.
  4. Tiyaking naka-on ang mga notification.
  5. Kung maraming taong gumagamit sa speaker o display, tiyaking na-link mo ang iyong Google Account at boses. Kung hindi makilala ng iyong Assistant ang boses mo, hindi ito makakapagpadala ng impormasyon sa iyong telepono.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7357739773439844136
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false