Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-on at i-off ang iyong TV gamit ang mga speaker o display

Puwede mong i-on at i-off ang iyong TV gamit ang boses mo at ang Google Nest o Google Home speaker o display. 

Ang kailangan mo

  • Chromecast na nakakonekta sa isang Google Nest o Google Home speaker o display. Matuto kung paano mag-link ng mga TV sa mga speaker at display.
  • TV na sumusuporta sa HDMI-CEC na may naka-on na Consumer Electronics Control (CEC)
    • Kabilang sa mga karaniwang TV na sumusuporta sa CEC ang: AOC, Hitachi, Insignia, ITT, LG, Magnavox, Mitsubishi, Onkyo, Panasonic, Pioneer, Philips, Samsung, Sharp, Sony, Sylvania, Toshiba, at Vizio. 
    • Madalas na naka-off ang CEC bilang default. Karaniwan, mao-on mo ang CEC sa mga setting ng mga TV. Nag-iiba-iba ang lokasyon ng mga setting ng CEC depende sa TV.
    • Kung hindi ka sigurado kung sinusuportahan ng iyong TV ang CEC, o kung paano mag-on ng CEC, kumonsulta sa manufacturer ng TV. 
  • Isaksak ang Chromecast sa isang outlet o sa iba pang power source para manatiling naka-on ang iyong Chromecast kapag na-off mo ang TV. Kung isasaksak mo ang Chromecast sa port ng USB sa iyong TV, mao-off ito kasama ng TV mo at hindi ito tutugon sa iyong mga command gamit ang boses.
  • Kung nakakonekta ang Chromecast sa isang soundbar o AVR, i-on ang CEC sa device na iyon. 
  • Gumagana ang Chromecast sa pinakabagong firmware. Tingnan ang mga bersyon ng firmware ng Chromecast para sa higit pang impormasyon.
  • Kasalukuyang bersyon ang firmware ng TV.

Mag-on at mag-off ng TV gamit ang mga commad gamit ang boses

Para gawin ito: Sabihin ito: "Hey Google," pagkatapos ay:
I-on ang TV

"I-on ang TV," "I-on ang <pangalan ng device>"

"I-on ang TV," "I-on ang <pangalan ng device>"

I-off ang TV

"I-off ang TV," "I-off ang <pangalan ng device>"

"I-off ang TV," "I-off ang <pangalan ng device>"

Tandaan: Kapag na-off mo ang isang TV, hihinto ang pag-cast ng content sa TV na iyon. Kung nagpe-play ka ng content sa iba pang source, patuloy na magpe-play ang content na iyon. 

Tips at tricks sa pag-on at pag-off ng iyong TV

  • Kung nag-link ka ng mahigit sa isang TV sa iyong speaker o display, kakailanganin mong isama ang TV na kinokontrol mo sa bawat command gamit ang boses. Halimbawa: "Hey Google, i-on ang <TV sa sala>."
  • Para maiwasang sabihin ang pangalan ng TV sa bawat pagkakataon, puwede mong itakda ang iyong device sa pag-playback ng media at palaging kokontrolin ng mga command mo ang device na iyon. 

Mag-ayos ng problema

Kung hindi gumagana ang mga command gamit ang boses, lalo na kung gumana na ang mga ito dati, subukan ang mga hakbang sa ibaba:
  1. Tiyaking updated ang iyong bersyon ng firmware ng Chromecast.
  2. Tiyaking updated ang firmware ng iyong TV sa pamamagitan ng pagtingin sa manual ng user ng TV. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong TV para i-verify.
  3. Tiyaking naka-on ang CEC (para sa ilang TV, puwedeng awtomatikong ma-off ng pagsasaayos ng ilang partikular na setting ang CEC).
  4. Ilipat ang Chromecast sa ibang HDMI port.
  5. Bunutin sa saksakan ang TV, maghintay nang 10 minuto, at isaksak ito ulit. 
  6. Subukang gumamit ng ibang command gamit ang boses.
  7. Kung paulit-ulit mong na-on o na-off ang TV sa loob ng maikling panahon, posibleng sandaling huminto sa paggana ang mga command gamit ang boses. Maghintay nang humigit-kumulang 10 minuto bago subukan ulit. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10120939962705178123
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false