Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Tingnan kung nakakonekta sa iisang Wi-Fi network ang iyong mga device

Para kumpirmahin kung nakakonekta sa parehong Wi-Fi network ang iyong telepono o tablet at ang mga Google device mo, sundin ang mga hakbang sa ibaba. 

Hakbang 1. Tingnan ang Wi-Fi network ng iyong mobile device o tablet 

  1. Sa iyong Android device, i-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay buksan ang mga setting ng Network at Wi-Fi ng device mo. Ang Wi-Fi network na may label na "Nakakonekta" ang network kung saan nakakonekta ang iyong mobile device. Dapat tumugma ang iyong Wi-Fi network sa network kung saan nakakonekta ang speaker o display mo.
  2. Kung hindi magkatugma ang iyong Wi-Fi network, o kailangan mong palitan ang network:
    • Mag-tap ng bagong network at pagkatapos ay ilagay ang password at pagkatapos ay Kumonekta.
    • Kung nailagay mo na dati ang password para sa network na iyon, kailangan mo lang i-tap ang network at awtomatikong kokonekta dapat ang iyong device.

Hakbang 2. Tingnan ang Wi-Fi network ng iyong Google device

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito o Mga Device .
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Impormasyon ng device.
  5. Tingnan kung sa anong Wi-Fi network nakakonekta ang iyong device.

Kung tumutugma ang Wi-Fi network ng iyong telepono o tablet sa Wi-Fi network ng Google device mo, alamin kung paano baguhin ang Wi-Fi network ng iyong device.

Mahalaga: Kung mayroon kang Charging Speaker Dock, hindi ito kusang kokonekta sa Wi-Fi. Para malaman kung aling Wi-Fi network ang ginagamit mo, tingnan kung saang Wi-Fi network nakakonekta ang iyong Pixel Tablet.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5606401874439030845
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false