Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Maraming device ang sumasagot sa "Ok Google"

Kung sabihin mo ang "Ok Google" habang malapit sa dalawa o higit pang device, tulad ng Google Nest o device para sa Tahanan mo at iyong Pixel Tablet o telepono, posibleng mag-on ang higit sa isang device. Isang device lang dapat ang sumagot.

Pinipili ng Google ang pinakamainam na device na sasagot batay sa ilang salik, tulad ng:

  • Lapit ng device
  • Uri ng kahilingan
  • Mga kakayahan ng device

Hakbang 1: I-update ang bersyon ng iyong Google app

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google app Google app.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas ng Home screen, i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  3. I-tap ang Tungkol Dito.
  4. Sa ibaba ng screen mo, tingnan ang numero ng bersyon ng app.
    1. Kung mas luma sa 20.3 ang bersyon mo, pumunta sa page ng Google app sa App Store.
    2. I-tap ang I-update.

Hakbang 2: Idagdag ang iisang account sa parehong device

Kung marami kang Google Account, idagdag ang account na ginamit mo sa pag-set up ng Google Home sa iyong telepono.

Hakbang 1: Tingnan kung aling account ang ginagamit mo sa Google Home
  1. Sa Assistant-enabled na device mo, buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Pindutin nang matagal ang screen ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga setting ng device  at pagkatapos ay Pagkilala at pagbabahagi at pagkatapos ay (Mga) Naka-link na account.
  4. Tingnan ang mga Google Account na naka-link sa partikular na device na ito.
Hakbang 2: Idagdag ang account sa iyong device
  1. Sa iyong device, buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Sa itaas, i tap ang iyong Larawan sa profile o inisyal.
  3. I-tap ang Magdagdag ng isa pang account.
  4. Para idagdag ang iyong account, sundin ang mga hakbang.
    • Pagkatapos mong idagdag ang account, hindi mo kailangang manatiling naka-sign in.

Kumuha ng higit pang tulong o magpadala ng feedback

Makakuha ng tulong para sa mga Google Nest device

Makipag-ugnayan sa amin

  1. Pumunta sa Help Center ng Google Nest.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Makipag-ugnayan sa amin.
  3. Piliin kung paano mo gustong makipag-ugnayan sa amin.

Magpadala ng feedback

Tinutulungan kami ng iyong feedback na ayusin ang isyu. Alamin kung paano magpadala ng feedback tungkol sa Google Nest.

Pumunta sa forum ng tulong

Puwede kang magtanong at humanap ng mga sagot sa Forum ng Tulong ng Google Nest.

Makakuha ng tulong para sa iPhone at iPad

Magpadala ng feedback

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google app Google app.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas ng Home screen, i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Suporta," i-tap ang Feedback.
  4. Maglagay ng impormasyon tungkol sa iyong isyu.
  5. I-tap ang Ipadala Ipadala.

Tinutulungan kami ng iyong feedback na ayusin ang isyu.

Pumunta sa forum ng tulong

Maaari kang magtanong at humanap ng mga sagot sa Forum ng Tulong ng Google.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
807962041477989108
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false