Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Pamahalaan ang iyong mga notification sa Google Home app

Puwede kang i-notify ng Google Home app tungkol sa iba't ibang update sa bahay at device gaya ng mga bagong miyembro ng bahay, pagbabago sa account, update sa produkto, at notification sa partikular na device. Makokontrol mo ang pagtanggap o hindi pagtanggap sa mga notification na ito sa mga setting ng Google Home app.

Notifications in the Home app are set to off by default. If you're setting up the app for the first time, or you're adding a new device to your home, the app will ask you if you want to turn notifications on. If you keep notifications off, you won't receive alerts about activity in your home, such as if a camera detects motion or if someone has rung the doorbell.

Baguhin ang mga pangkalahatang notification

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Mga Notification.
    • Kung hindi naka-enable ang mga push notification sa mga setting ng iyong telepono, may lalabas na banner sa itaas ng screen. Para i-on ang mga push notification sa mga setting ng iyong telepono, i-tap ang link sa banner at sundin ang mga hakbang.
  3. Piliin ang Mga pangkalahatang notification.
  4. I-on o i-off ang anumang notificaiton.
    • Kung io-on mo ang mga kritikal na alerto, pero hindi naka-enable ang mga ito sa mga setting ng iyong telepono, may lalabas na banner sa itaas ng screen. Para i-on ang mga kritikal na alerto sa mga setting ng iyong telepono, i-tap ang link sa banner at sundin ang mga hakbang.

Baguhin ang mga notification sa email

Pagkatapos mong i-set up ang iyong Pixel Tablet, Chromecast, o Nest speaker o display sa Google Home app, makakatanggap ka ng welcome email na magbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon para makapagsimula ka.

Kung pipiliin mong tumanggap ng mga email, papanatilihin ka nitong up-to-date sa pinakabago tungkol sa iyong device. Makakatanggap ka ng tips at tricks, at matututo ka tungkol sa mga bagong feature, partner, alok, survey sa pananaliksik, at marami pang iba.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account.
  3. I-verify na ang ipinapakitang Google Account ay ang account na naka-link sa iyong Google device. Kung tama, i-tap ang para isara ang window ng account. Para lumipat ng account, i-tap ang icon ng dropdown , pagkatapos ay i-tap ang ibang account o Magdagdag ng ibang account.

  4. I-tap ang Mga setting ng Home app  Mga notification sa email.
  5. I-on o i-off ang anumang notification sa email. Puwede ka ring mag-opt out sa mga update sa email sa pamamagitan ng pagpili ng link na “Mag-unsubscribe” sa ibaba ng anumang email na matatanggap mo.

Mga notification sa antas ng system

Kung may mahalagang update kaugnay ng iyong device, posibleng makatanggap ka ng notification o email kahit nag-opt out kang makatanggap ng iba pang uri ng notification mula sa Home app.

Mga kaugnay na artikulo

I-on o i-off ang mga notification sa mga Nest display
Makatanggap ng mga notification sa bagong device
Kontrolin ang mga notification sa iyong Pixel Tablet
Kontrolin ang mga device para sa smart na tahanan gamit ang Home panel

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3171330440498420945
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false