Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Paghigpitan ang content sa iyong mga Google Nest speaker at display

Sa pamamagitan ng mga filter ng content ng Google Home app, puwede mong i-block ang tahasang musika at content na video mula sa YouTube at iba pang serbisyo ng musika o radyo sa pag-play sa Google Nest at iba pang Assistant-enabled na speaker at display. Puwedeng gamitin ng mga magulang ang mga kontrol na ito para limitahan kung aling content ang maa-access ng kanilang mga anak.

Ang Mga Filter ay bahagi ng mga tool sa Digital Wellness ng Google Home app at makakatulong ito sa iyong pamahalaan ang paggamit ng mga speaker at display ng pamilya mo.

Mahalaga: Walang filter na 100% epektibo, pero makakatulong sa iyo ang mga filter na ito na pamahalaan ang access sa pang-mature na content.

Mag-set up ng Mga Filter

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Digital wellness at pagkatapos ay I-set up o Magdagdag ng filter ng device.

Paano gumagana ang mga filter

Mapipili mo kung nakakaapekto ang mga filter sa lahat ng gumagamit ng iyong device, o sa mga bisita at bata lang na may Family Link account. Makakapaglapat ka ng mga filter sa isang partikular na device o sa lahat ng sinusuportahang device.

Mahalaga: Makakapag-access ng mga video at iba pang content sa pamamagitan ng balita, mga podcast, at mga website, kahit na na-on mo ang mga filter ng video at iba pang content. Halimbawa, kung mag-block ka ng mga video pero pinapayagan mo ang mga website, posibleng makapag-access pa rin ng mga video ang mga tao sa pamamagitan ng mga website.

Video

  • Payagan ang anumang video: Ipe-play ng iyong device ang lahat ng sinusuportahang video.
  • Payagan lang ang mga naka-filter na video: Magpe-play lang ang iyong device ng mga video mula sa mga serbisyo sa video na pipiliin mo.
  • I-block ang lahat ng video: Hindi magpe-play ng anumang video ang iyong device.

Musika

Mahalaga: Palaging available ang mga audiobook at istasyon ng radyo mula sa mga serbisyo tulad ng iHeartRadio at TuneIn, anuman ang iyong setting ng filter ng musika.

  • Payagan ang anumang musika: Ipe-play ng iyong device ang lahat ng musika.
  • Payagan ang lahat ng hindi tahasang musika: Papayagan ka ng iyong device na mamili mula sa mga serbisyo sa musika na puwedeng mag-play ng mga hindi tahasang kanta.
  • I-block ang lahat ng musika: Hindi magpe-play ng anumang musika ang iyong device.

Balita

  • Payagan ang balita: Ipe-play ng iyong device ang lahat ng sinusuportahang balita.
  • I-block ang balita: Hindi magpe-play ng anumang balita ang iyong device.

Mga Podcast

  • Payagan ang mga podcast: Ipe-play ng iyong device ang lahat ng sinusuportahang podcast.
  • I-block ang mga podcast: Hindi magpe-play ng anumang podcast ang iyong device.

Mga Tawag

  • Payagan ang mga tawag: Makakagawa ang iyong device ng anumang voice call at video call na sinusuportahan nito.
  • I-block ang lahat ng tawag: Hindi gagawa ng mga voice call o video call ang iyong device. Hindi ito magba-block ng mga voice message na bino-broadcast mo sa iyong pamilya o sa bahay mo.

Mga Sagot ng Google Assistant

  • Payagan ang mga sagot: Makakasagot ang iyong device sa pamamagitan ng anumang sinusuportahang sagot.
  • Paghigpitan ang mga sagot: Sasagot lang ang iyong device sa mga simpleng query gaya ng oras at lagay ng panahon.

Mga Website

Mahalaga: Available lang ang filter na ito sa Mga Smart Display. Kung magli-link ka ng sinusubaybayang account para sa batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa) sa Smart Display mo, posibleng ma-block ang web maliban na lang kung papayagan mo ang mga website.

  • Payagan ang mga website: Magbubukas ng mga website ang iyong Smart Display.
  • Mag-block ng mga website: Hindi magbubukas ng mga website ang iyong Smart Display.

Bakit posibleng hindi available ang web o ang isang website

Mga karagdagang setting para sa YouTube, YouTube Music, YouTube TV

I-on ang Restricted Mode para sa YouTube Music at paghahanap ng video sa YouTube

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito  o Mga Device .
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Mga notification at digital wellness at pagkatapos ay Mga setting ng YouTube.
  5. Sa ilalim ng “Gamitin ang Restricted Mode,” i-on ang Paghigpitan para sa akin o Paghigpitan kapag may taong hindi nakilala.

Matuto pa tungkol sa Restricted Mode sa YouTube.

I-on ang mga filter ng content para sa YouTube TV

Ang puwede mo lang payagan ay mga programang may rating na YT-Y, YT-G, G, at PG.

Tandaan: Available ang YouTube TV sa buong United States.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito  o Mga Device .
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Mga notification at digital wellness at pagkatapos ay Mga setting ng YouTube.
  5. Sa ilalim ng “I-filter ang content para sa YouTube TV,” i-off ang I-filter para sa akin.

I-off ang I-autoplay ang susunod na video para sa YouTube

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito  o Mga Device .
  3. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Mga notification at digital wellness at pagkatapos ay Mga setting ng YouTube.
  5. Sa ilalim ng “I-autoplay ang susunod na video,” i-tap ang I-off para sa akin o I-off kapag may taong hindi nakilala.
 
 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3775733136735787908
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false