Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Kontrolin ang mga Google Nest o Home device sa pamamagitan ng pagpindot

Gamitin ang mga kontrol sa pagpindot para i-adjust ang volume, mga function sa pag-playback ng media, at higit pa sa iyong Google Nest o Home speaker o display.

Mahalaga: Ang volume lang ng media at Google Assistant ang binabago ng mga kontrol sa pagpindot. Alamin kung paano baguhin ang volume ng mga alarm at timer.

Mga Speaker

Google Home Google Home

Para gawin ito: Pindutin ang Google Home nang ganito: Larawan
Mag-play, mag-pause, o magpahinto ng alarm o timer Mag-tap nang isang beses sa ibabaw ng device.
Lakasan ang volume Mag-swipe clockwise sa ibabaw ng device.

Hinaan ang volume

Mag-swipe counterclockwise sa ibabaw ng device.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume
Simulan ang iyong kahilingan Pumindot nang matagal sa ibabaw ng device.

I-on o i-off ang mikropono

Pindutin ang button na i-mute ng mikropono sa likod ng device.

Tandaan: Kung imu-mute mo ang mikropono, hindi ka mapapakinggan o makakaugnayan ng Google Assistant.

I-factory reset ang device Pindutin nang matagal ang button para sa pag-factory reset na nasa likod ng Google Home.
I-off ang power Bunutin ang power cable mula sa Google Home.

Googel Nest Mini Google Nest Mini (2nd gen)

Tandaan: Ang Google Nest Mini (2nd gen) ay may slot para sa screw ng wall mount sa likod. Kung walang slot para sa screw ng wall mount ang iyong device, isa itong Google Home Mini (1st gen).

Para i-reverse ang mga kontrol sa kanan at kaliwa, buksan ang Google Home app I-tap ang Mga Paborito o Mga Device pindutin nang matagal ang tile ng iyong Nest Mini. I-tap ang Mga Setting Audio I-reverse ang mga kontrol ng device.

Para gawin ito: Pindutin ang Google Nest Mini nang ganito: Larawan
Mag-play, mag-pause, o magpahinto ng media o tapusin ang isang kasalukuyang tawag sa telepono I-tap ang gitna ng Nest Mini. Google Nest Mini center tap
Pahintuin ang isang tumutunog na alarm o timer I-tap ang gitna ng Nest Mini. Google Nest Mini center tap

Lakasan ang volume

Mag-tap sa kanang bahagi ng Nest Mini.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Google Nest Mini volume up

Hinaan ang volume

Mag-tap sa kaliwang bahagi ng Nest Mini.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume
Google Nest Mini volume down

I-on o i-off ang mikropono

I-toggle ang switch sa tabi ng power cord.

  • Kapag naka-on ang mikropono, puti ang mga ilaw
  • Kapag naka-off ang mikropono, orange ang mga ilaw at switch

Tandaan: Kung io-off mo ang mikropono, hindi ka mapapakinggan o makakaugnayan ng Google Assistant.

Google Nest Mini mic on-off

I-factory reset ang device

I-off ang mikropono, pagkatapos ay pindutin nang matagal ang mga ilaw sa gitna ng Nest Mini.

Pindutin nang humigit-kumulang 15 segundo.

Google Nest Mini reset
I-off ang power Bunutin ang power cable mula sa Nest Mini. Google Nest Mini unplug

Google Home Mini Google Home Mini (1st gen)

Para gawin ito: Pindutin ang Google Home Mini sa ganitong paraan: Larawan
Mag-play, mag-pause, o magpahinto ng media o tapusin ang isang kasalukuyang tawag sa telepono Pumindot nang matagal sa alinmang gilid ng Home Mini.

Pahintuin ang isang tumutunog na alarm o timer

Pumindot nang matagal sa alinmang gilid ng Home Mini.

Lakasan ang volume

Mag-tap sa kanang bahagi ng Home Mini.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Hinaan ang volume

Pumindot nang matagal sa kaliwang bahagi ng Home Mini.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume

I-on o i-off ang mikropono

I-toggle ang switch sa tabi ng power cord.

  • Kapag naka-on ang mikropono, puti ang mga ilaw
  • Kapag naka-off ang mikropono, orange ang mga ilaw at switch
Tandaan: Kung io-off mo ang mikropono, hindi ka mapapakinggan o makakaugnayan ng Google Assistant.

I-factory reset ang device

Pindutin nang matagal ang button para sa pag-factory reset na nasa ibaba ng power cord sa ilalim ng Home Mini. Hanapin ang bilog na nakaukit sa ilalim.

Pindutin nang humigit-kumulang 12 segundo.

I-off ang power Bunutin ang power cable mula sa Home Mini.

Google Home Max Google Home Max

Para gawin ito: Pindutin ang Google Home Max sa ganitong paraan: Larawan

Mag-play, mag-pause, o magpahinto ng media

Pahintuin ang isang tumutunog na alarm o timer

Tapusin ang isang tawag

Pahalang na pagkakalagay: I-tap ang linya sa ibabaw ng Google Home Max.

Patayong pagkakalagay: I-tap ang linya sa kanan ng Google Home Max.


Lakasan ang volume

Pahalang na pagkakalagay: Mag-swipe pakanan sa linya sa ibabaw ng Google Home Max.

Patayong pagkakalagay: Mag-swipe pataas sa linya sa kanan ng Google Home Max.


Hinaan ang volume

Pahalang na pagkakalagay: Mag-swipe pakaliwa sa linya sa ibabaw ng Google Home Max.

Patayong pagkakalagay: Mag-swipe pababa sa linya sa kanan ng Google Home Max.


I-on o i-off ang mikropono

I-toggle ang switch sa likod ng Google Home Max.

  • Kapag naka-on ang mikropono, puti ang mga ilaw
  • Kapag naka-off ang mikropono, orange ang mga ilaw at switch

Hindi mo puwedeng gamitin ang iyong boses o ang Google Home app para i-on o i-off ang mikropono.

Tandaan: Kapag na-off mo ang mikropono:

  • Hindi ka mapapakinggan o makakaugnayan ng Google Assistant
  • Naka-off ang EQ sa Kuwarto

I-factory reset ang device

Pindutin nang matagal ang button para sa pag-factory reset na nasa itaas ng power cord sa likod ng Google Home Max. Hanapin ang maliit na gray na button.

Pindutin nang humigit-kumulang 12 segundo.

I-off ang power Bunutin ang power cable mula sa Google Home Max.  

Google Nest Audio Google Nest Audio

Para gawin ito: Pindutin ang Google Nest Audio nang ganito: Larawan
Mag-play, mag-pause, o magpahinto ng media o tapusin ang isang kasalukuyang tawag sa telepono I-tap ang gitna ng Nest Audio.
Pahintuin ang isang tumutunog na alarm o timer I-tap ang gitna ng Nest Audio.

Lakasan ang volume

Mag-tap sa kanang bahagi ng Nest Audio.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 5% ang volume sa bawat pag-tap.

Hinaan ang volume

Mag-tap sa kaliwang bahagi ng Nest Audio.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 5% ang volume sa bawat pag-tap.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume

I-on o i-off ang mikropono

I-toggle ang switch sa tabi ng power cord.

  • Kapag naka-on ang mikropono, puti ang mga ilaw
  • Kapag naka-off ang mikropono, orange ang mga ilaw at switch
Tandaan: Kung io-off mo ang mikropono, hindi ka mapapakinggan o makakaugnayan ng Google Assistant.

I-factory reset ang device

I-off ang mikropono, pagkatapos ay pindutin nang matagal ang mga ilaw sa gitna ng Nest Audio.

Pindutin nang humigit-kumulang 15 segundo.

I-off ang power Bunutin ang power cable mula sa Nest Audio.

Nest Wifi point Google Nest Wifi point

Para gawin ito: Pindutin ang Nest Wifi point nang ganito: Larawan
Mag-play, mag-pause, o magpahinto ng media o tapusin ang isang kasalukuyang tawag sa telepono I-tap ang gitna ng Nest Wifi point. Nest Wifi center tap
Pahintuin ang isang tumutunog na alarm o timer I-tap ang gitna ng Nest Wifi point. Nest Wifi center tap

Lakasan ang volume

Mag-tap sa kanang bahagi ng Nest Wifi point.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Nest Wifi point volume up

Hinaan ang volume

Mag-tap sa kaliwang bahagi ng Nest Wifi point.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 10% ang volume sa bawat pag-tap.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume
Nest Wifi point volume down

I-on o i-off ang mikropono

I-toggle ang switch sa tabi ng power cord.

  • Kapag naka-on ang mikropono, puti ang mga ilaw
  • Kapag naka-off ang mikropono, orange ang mga ilaw at switch
Tandaan: Kung io-off mo ang mikropono, hindi ka mapapakinggan o makakaugnayan ng Google Assistant.
Nest Wifi point mic on-off
I-off ang power Bunutin ang power cable mula sa Nest Wifi point. Nest Wifi unplug

Mga Display

Puwede mo ring gamitin ang iyong screen para kontrolin ang Google Nest display mo.

Google Nest Hub

Para gawin ito: Pindutin ang Google Nest Hub nang ganito: Larawan
Lakasan ang volume Pindutin ang itaas na button ng volume sa likod ng Google Nest Hub.
Hinaan ang volume Pindutin ang ibabang button ng volume sa likod ng Google Nest Hub.

Nasa iyong display ang mga karagdagang kontrol para mapamahalaan ang volume ng maraming device. Matuto pa tungkol sa mga kontrol sa multi-room.

Google Nest Hub Max

Para gawin ito: Pindutin ang Nest Hub Max nang ganito: Larawan

Lakasan ang volume

Sa likod ng Nest Hub Max, pindutin ang itaas na button ng volume.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 5% ang volume sa bawat pagpindot.

Hinaan ang volume

Sa likod ng Nest Hub Max, pindutin ang ibabang button ng volume.

Ang volume ay mula 0-100%. Nagbabago nang 5% ang volume sa bawat pagpindot.

Tandaan: Kapag itinakda ang volume sa 0:

  • Imu-mute ang media
  • Magsasalita ang Google Assistant sa 5% volume

Nasa iyong display ang mga karagdagang kontrol para mapamahalaan ang volume ng maraming device. Matuto pa tungkol sa mga kontrol sa multi-room.

Mga kaugnay na artikulo

Kontrolin ang volume ng mga Google Nest speaker at display
Makinig ng musika sa mga Google Nest speaker at display
I-factory reset ang mga Google Nest o Home speaker o display

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13225216867633048353
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false