Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

I-set up ang iyong Google Nest o Home speaker o display

Gagabayan ka ng Google Home app sa mga hakbang sa pag-set up ng iyong Google Nest o Home speaker o display.

Kung gusto mong mag-set up ng ibang device, makikita mo ang mga tagubilin sa Mag-set up ng mga smart device sa Google Home app.
Bagaman ang Google Duo at Google Meet ay pinagsama sa bagong Meet app sa mga mobile device, tablet, at computer, patuloy na ipapakita sa mga Google Nest display ang icon ng Google Duo Duo app.

Ang kailangan mo para makapagsimula​

  • Speaker o display.
  • Pinakabagong bersyon ng Google Home app.
  • Pinakabagong bersyon ng Google app.
  • Isang Google Account.
  • Mobile phone o tablet na:
    • May Android 9.0 o mas bago.
    • Gumagana sa 2.4 GHz at 5 GHz na Wi-Fi network (hindi gagana ang WPA-2 na Enterprise network).
    • Naka-on ang Bluetooth.
  • Koneksyon sa Internet at secure na wireless network.
  • Kung gumagamit ka na ng Duo para sa pakikipag-video call, tiyaking ginagamit mo ang iisang Google Account sa Duo at sa Google Home app.

Magsimula

  1. Isaksak ang iyong speaker o display.
  2. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Google Home app Google Home app.
    1. Kung hindi ka pa nagse-set up ng bahay, i-tap ang Gumawa ng bahay maglagay ng nickname para sa iyong bahay maglagay ng address (opsyonal) i-tap ang Susunod.
    2. I-tap ang pangalan ng iyong bahay Susunod.
  3. I-tap ang Mga Device Magdagdag Google Nest o partner device Google Nest or partner device.
  4. Sundin ang mga hakbang sa app. Tandaan: Puwede kang mag-opt out sa ilang setting, gaya ng Voice Match o mga personal na resulta. Puwede mo ring baguhin ang mga setting ng iyong device anumang oras pagkatapos mong mag-set up.

Ayusin ang mga isyu sa pag-set up

Hindi lumalabas ang speaker o display sa Google Home app

I-restart ang iyong speaker o display

  1. Bunutin sa saksakan ang iyong device.
  2. Maghintay nang 10 segundo, pagkatapos ay isaksak ito ulit.

I-restart ang Home app

  1. Isara ang Home app Google Home app. Alamin kung paano magsara ng mga app.
  2. Buksan ang Home app Google Home app.

Nafi-freeze ang pag-set up o hindi ito natatapos

I-restart ang iyong speaker o display

  1. Bunutin sa saksakan ang iyong device.
  2. Maghintay nang 10 segundo, pagkatapos ay isaksak ito ulit.
  3. Simulan ulit ang proseso ng pag-set up.

Ang susunod na gagawin

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6130092781236005168
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false